Forty-six

2.8K 94 19
                                    

Kung sana kasabay ng bukang-liwayway ay lumiwanag din ang mundo ko. Kaso hindi eh. Maglilimang oras na akong mukhang tangang nag-iiiyak dito. Mula pa nang umalis si Krystal, hindi pa ako umuuwi. Nandito parin ako sa seaside ng Sofitel. Buti pa ang mga guest naaapreciate ang sunrise. Ako, ang naaapreciate ko lang ay ang hindi pag-sita ng guard sa akin.

Nang sa wakas ay napagtanto kong unti-unti nang lumiliwanag ang paligid, tumayo na ako at umalis. Uuwi na ako. Kahit naman kasi sampu, o isandaang araw akong manatili dito ay ‘di pa rin mababago ang nangyari.

Parang pinahiran ng Hair Relaxing Solution ang puso ko sa sakit. This is a whole new level of pain. Kahit gaano pa kalakas akong humiyaw sa sakit ‘di pa rin maibsan. Taon. I spent a little over two years pursuing her pero ano? Wala pa rin. Hindi pwedeng maging kami. At ang nakakainis, hindi pwede maging kami dahil basta hindi pwede. Ang labo labo kasi talaga eh. Nakakaloko! Nakakagago! Tama si Louie. I just waited in vain. Niloloko ko lang ang sarili ko sa mga assuming thoughts ko.

Hindi ko na kinuha ang sukli ko pagkabayad ko sa taxi na siyang naghatid sa akin sa bahay. Wala na rin akong pakialam doon. Ang gusto ko lang, makapanhik agad ako sa kwarto ko. At pagpasok ko sa kwarto, agad kong niyakap si Chu.

“Chu, bakit ganoon? Hindi naman ako pangit – sa tingin ko. Matalino din naman ako. Hindi rin naman ako mabaho. Aaminin ko Chu, medyo malamya lang ako ng konti kung kumilos pero pwede naman ‘yun isawalang bahala diba. Hindi rin naman ako nagkulang sa pagdadasal. Lahat naman ginawa ko para lang magustuhan ako ni Krystal. Inintindi ko siya, ang sitwasyon niya. Pero bakit wala pa rin? Chu bakit? Bakit hindi pa rin niya ako magustuhan? Bakit hindi pwede maging kami?” Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.

Nahagip ng mata ko ang orasan. Mag-aalas otso na pala. Sa pagkakaalam ko, wala kaming pasok. Pero kahit na ganoon, napagpasyahan ko pa din na pumunta sa school. Aasikasuhin ko nalang ang accomplishment report ng Council pati ang nalalapit na prom. Mas magiging produktibo ako pag ganoon kaysa mag-iiiyak ako dito.

Gaya ng inaasahan, konti lang ang tao sa school. Nagpapapasok naman kasi kahit na walang klase. May mangilan-ngilang naglalaro, nagdedate, or nagpapractice. Dumeretso na ako ng Student Council. Mayroon naman akong sariling susi ng office eh. Tsaka, kilala na naman ako ng mga guard kaya assured akong hindi nila ako sisitahin.

Napaangat akong tingin nang makaramdam ng mahinang tapik sa balikat habang taimtim na tinititigan ang prom proposal. Ako lang mag-isa noon sa Council kaya sinalakay ako ng kaba. Pero nawala din nang makita ko kung sino.

“Happy Birthday!” bati ni Dianna.

 

“Thanks,” sabi ko in a flat tone.

“Bakit ka nga pala nandito? Birthday mo diba?”

“May tinatapos lang ako.”

“Pwede mo naman ipagpabukas ‘yan diba?”

“Wala naman akong gagawin sa bahay eh. Tsaka, kung pwede ko naman tapusin ‘to ngayon, bakit ko pa ipagpapabukas diba?”

“Sabagay… ay, kumain ka na ba?”

“Busog pa ako.”

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon