Forty

4.6K 113 48
                                    

Malapit na pala kaming magtapos. At next year, magco-college na kami. Nakapili na din kami ng kani-kaniyang kurso. Balak ko talagang mag Mechanical Engineering. Sabi kasi ni papa, malaki daw sahod ng Mechanical Engineer. Tsaka malawak daw ang sakop noon. Kahit anong industry ay kayang pasukan ng isang Mechanical Engineer.

At saka naisip ko din. The world is facing fast progress in industrialization and technology. If we were to analyze, we could easily point out engineering as the forefront in all these advancement. It’s quite undeniable that engineers are needed in almost every industry. From infrastructures, to manufacturing, maintenance and innovation. And on deeper evaluation as to what degree of engineering is the most in demand or versatile, Mecahnical Engineering stands out. It encompasses most engineering degrees. Mechanical Engineering also studies instrumentation and control as well as electrical motors which Electrical and Electroniccs Engineering majors. Mechanical Engineering also studies strength of materials, hydraulics and mechanics which are the foundations in Civil Engineering. As we can see Mechanical studies basic principles of these other engineering courses. And aside from those, Mechanical Engineering also majors in Power plant, Industrial Power Plant (which includes HVACR and Pumps), and Machine Design. So to speak, Mechcanical Engineering is an excellent choice. It assures a safe spot in the job market.

At naisip ko na sa Technological University of the Philippines – Manila ko magtetake nun. For three consecutive years kasi sa kanila galing ang top notcher sa Mechanical Engineering Board Exam. At hindi rin siya nawawala sa top performing schools every board exam.

Si Louie naman, engineering din ata. Pero hindi ko pa sure kung ano. Pinag-iisipan pa daw niya. Pero sure na sa Canada na siya mag-aaral kasama ang mama niya. Kahit na nakakalungkot, I’m so happy for them. Magkakasama na kasi sila. Diba nakakatuwa? Kaya nga nagulat ako noong nalaman kong nag take siya ng UPCAT. Pero sa Canada daw talaga siya.

Si Charlie naman, ang alam ko Engineering din ata. Computer Engineering ata eh. Ang alam ko nag take din siya ng UPCAT at nag exam din siya sa USTE.

Naalala ko pa. Lulan ako ng LRT, huling linggo ng Nobyembre. Papunta kasi akong TUP noon para kumuha ng TUP Scholastic Aptitude Examination. Nag LRT ako for a change. For experience ba.hindi kasi ako maihahatid ni mama eh. Kainis.

So ayun nga. Nakahawak ako sa may poste ng upuan sa may pinto banda ng tren. Siksikan kaya! Papasok na ang tren sa Central station at napatingin ako sa labas ng bintana. At in that one moment... Nakita ko siya. Yung lalaking yun. Nag-aabang upang makasakay sa tren. Pagnagkataon, iisang car lang ang masasakyan namin. Paghinto ng tren, dali-dali akong bumaba. Kahit na sa UN Station pa ako bababa dapat, bababa na ako ngayon. Ayoko nang hintaying magkita kami sa loob ng train car. Kahit na sabihin nating maraming tao sa loob. AYOKO! Prevention is better than cure.

Kaya ayun. Ang haba ng nilakad ko. Huhuhu. Pagbaba ko ng Central station, nilakad ko papuntang SM Manila tapos umikot doon sa likod at tumawid sa Ayala Avenue. Pawis na pawis ako nang makarating sa TUP. Haayy. Buti naman at pinapasok naman ako ng guard matapos makumpirma na examinee ako. Maliit lang ang campus ng TUP ng di hamak kung ikukumpara mo sa Uste. Pagpasok na pagpasok mo kasi, yun na ang College of Liberal Arts nila. Paglabas mo doon, bubungad agad sa iyo ang quadrangle nila. Agaw pansin ang covered-court nila na kulay blue ang bubong. Sa tapat noon eh Admin building.

Nagpatulong nalang ako sa guard doon kung nasaan ang exam room. Ok naman ang exam. Madali lang actually. It’s not much of a challenge. Logic lang eh. Tapos basic Math tsaka Analyzation lang. Hindi naman ako nagmamadaling magpasa agad kaya kahit tapos na ako at marami pang oras, dinouble check ko muna ang mga sagot ko. Actually, hindi ko nilalagay agad ang sagot ko sa answer sheets. Sinusulat ko muna sa isang separate paper. Tapos idodouble check ko yung mga sagot ko. Mahirap nang magkamali ano. Pero hindi ko masasabing mapeperfect ko ang exam. Duh! Marami kasing tricky question. Pero feeling ko naman eh mataas ang makukuha kong score.

After ng exam ay dumeretso na ako kina tita upang magrelieve ng stress. Liban sa TUP ay hindi na ako kumuha ng iba pang exam. Confident naman akong papasa ako eh. Ano pang silbi ng pagiging running for Salutatorian ko kung hindi ako papasa sa entrance exam diba?

Pagpasok ko kinabukasan ay kinausap ako ni Diana. Kakatapos lang ng meeting namin at pabalik na kami sa room namin.

“Basti, saan ka magka-college?” tanong niya.

“Sa TUP. Ikaw ba? San mo balak?”

“Di ko pa nga alam e,” sabi niya saka kinagat ang lower lip niya.

“Ah, pag-isipan mo na. Next year graduate na tayo.”

“Oo nga eh.” Nagpakawala siya ng isang buntong hininga kay ginaya ko din.

“Kuya Basti! Kuya Basti!” napalingon ako sa tumatawag sakin.

“Oh! Francis. Bakit?”

“May… may sulat po para sa inyo,” hinihingal na sabi niya.

“Sa akin?” napakunot ang noo ko. Bakit naman ako magkakasulat? “San galing?”

“Ewan ko po. Ikaw po ang recipient eh. Tapos sa SC naka-address,” sagot naman nito.

“Sige. Salamat!”

“Sige po kuya!” at tumakbo na siya paalis.

Kanino naman kaya galing to? Sa loob-loob ko.

Tinanggal ko ang selyo saka binuksan ang sulat. Isang malinis na bond paper.

At may nakasulat sa gitna.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lahat ng balahibo ko sa katawan nanayo. Kinikilabutan ako.

“A-anong nakasulat Basti? Ba’t ka namumutla?” tanong ni Diana.

“W-Wala. O-okay lang ako,” sagot ko.

Potek. Paano ako hindi mamumutla. Parang nagbalik ang isang bangungot na matagal ko nang kinalimutan. Nilukot ko ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang…

Nakita din kita. Still remember me?

- Clinton

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon