Forty-seven

2.9K 103 28
                                    

Araw ng Sabado. Umaga pa lang ay pinuntahan ako ni Charlie sa bahay.

"Chan-Chaaan! May sorpresa kami sayo! Ay, morning! GOOD MORNING TITA!" bungad niya. "Nandyan ba si tita?"

"Nasa loob. Bakit nga pala? Anong sorpresa yan?" tanong ko dito.

"May pupuntahan tayo! Masaya doon. Tsaka ano, pamberdey namin sayo!"

"Namin?"

"Oo, ako tas si Louie," sagot nito saka ngumiti ng malapad.

"Teka lang," sabi ko kay Charlie bago lumingon para tawagin si mama. "MA!"

Nagulat naman ako paglabas ni mama na may dalang backpack na malaki. "Ma saan--"

"Eto na baby ang dadalhin mo. May tubig na diyan, damit pamalit, panyo, bimpo, short, vanity kit mo, alcohol..."

"May pagkain din po?" Singit ni Charlie.

"Oo naman. Oh, huwag kayo pagutom ha! Enjoy!" sabi ni mama sabay tulak sakin palabas ng gate. "Huwag ka nang magbihis ok na yan. Ay teka, eto magsapatos ka nalang."

Ay grabe lang. Pakiramdam ko pinapalayas na ako. Hindi man lang talaga ako pinagpalit ng damit ah! Buti nalang maayos ang damit ma suot ko. Shorts lang tsaka shirt. Edi wala na akong nagawa.

Nagulat ako sa sports car na nakaparada sa harap ng bahay namin. Ang gara ng kotse. Kulay asul na convertible. Pagbaba ng windshield nakita ko kung sino ang sakay. Si Louie nagdadrive. Edi siya na. Siya na may kotse. Agad nagkumahog si Charlie na umupo sa shotgun. Kaya doon ako sa backseat.

Sa totoo lang, wala akong ganang umalis ng bahay. Pero, ayoko namang maging sobrang KJ. Tsaka nag effort ang mga best friends ko. Still, hindi ko naitago ang pagkalumbay ko sa kanila. Itinigil pa talaga ni Louie ang kotse at nagbantang hindi kami tutuloy kung di ko sasabihin ang bumabagabag sa akin.

Gusto ko mang mainis sa pang-uusisa niya na kahit siya mismo, ayaw sabihin yung problema niya ay hindi ko na nagawa. Siguro dahil I'm just too overwhelmed by feeling lonely. Emoterong palaka ika nga. I resigned in telling them the truth.

At matapos kong sabihin, they gave me the reaction I hated to receive at the moment. Pity.

Hindi ko nalang v-in-oice out kahit medyo napikon ako. After all, best friends ko sila. Sila na nga nagmamalasakit aarte pa ako? Ang unfair ko naman nun. Baka magkagalit lang kami. I just kept quiet and calmed myself.

They just care for me.

"Saan nga tayo ulit pupunta?" tanong ko nang nasa bandang QC na kami. Kumalma na din kasi ako.

"Ewan ko kay Charlie," sagot ni Louie bago bumaling kay Charlie. "Alam mo ba ang papunta doon sa pupuntahan natin?"

Napahilamos kami ng mukha ni Louie nang sabihin ni Charlie na hindi rin niya alam. Like seriously? Tinawagan naman agad ni Charlie si Kuya Mason dahil alam daw ni kuya kung paano pumunta doon. Nagsabi pa si Charlie na isama daw si kuya. Sumang ayon na din ako, para naman kahit papaano may neutral sa aming tatlo. Dalawa na kami ni Louie na negative eh. Baka hindi pa mag enjoy si Charlie. Kawawa naman.

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon