Forty-one

4.2K 115 22
                                    

Buti naman dahil ang sulat na natanggap ko kay Clinton ay ang una at huli. Kung may sumunod pa yun… malamang nabuwang na ako sa kunsomisyon. Kasi naman eh. Ayoko nang isipin. It creeps me out. Ugh!

Tama na tayo sa bad vibes. Good vibes tayo.

Dahil sa nalalapit na ang Christmas vacation ay di maiiwasang mapag-usapan naming mga magbebestfriend kung saan magbabakasyon.

“San kayo magbabakasyon?” mahinang tanong ni Charlie habang nasa library kaming tatlo.

Actually, kami lang ni Louie ang nagbabasa talaga. Si Charlie? Ayun. Nagpapalamig. Nakaidlip nga kanina eh.

“Oy! Bespren. Bespreeeen. Saan kayo magbabakasyon? Uuuy!” patuloy na pangungulit ni Charlie.

“Ano ba Charlie. Ang ingay mo. Pag tayo napagalitan ng librarian nako!” saway ko dito.

“Sus to naman. Ang hina kaya ng boses ko! Nibubulong na nga ako eh” depensa ni Charlie.

“Tumigil na nga kayo. Can’t you see I’m reading here?” saway sa amin ni Louie.

“Kwok, Flores and Pelaez. If you can’t control your voices then would you please leave the library and resume your conversation somewhere else? Nakakaistorbo kayo sa mga nag-aaral,” sita ng librarian.

“O, alis na daw tayo sabi ni mam. Tara na!” sabi ni Charlie sabay hila sa amin ni Louie palabas.

Pinaikutan lamang namin siya ng mata pero nagpatianod naman kami. Hindi rin naman namin mapipigilan si Charlie na magdaldal sa library eh.

“Saan nga kasi kayo magbabakasyon?” pangungulit pa ni Charlie.

“Ano ba Charlie? Hanggang ngayon yan parin ang concern mo?” tanong ni Louie. Knowing na di titigil si Charlie ay sinagot na rin ni Louie ang tanong ng isa. “I don’t know. I don’t have any plans yet. Wala namang sinasabi si mama. Baka dito lang din ako buong Christmas vacation.”

“Ahh… eh ikaw Chan-Chan?”

“Di ko alam. Baka mag-Singapore kami ulit. Or baka sa bahay lang,” sagot ko.

“Pag sa Singapore kayo, dalhan moko pasalubong ha! Tos sokoleyts,” sabi ni Charlie at ngumiti ng hanggang tainga.

Kita mo to. Hay nako. Sooo Charlie.

Nang mag-uwian ay nauna na sina Charlie at Louie. May tinapos pa kasi ako sa Council. Siguro half past six na ng umuwi ako. Ako na lang naman kasi mag-isa sa office. Naalala ko tuloy yung mga kwento kwento. Yung mga kwentong kababalaghan sa school. Kaya napabilis akong naglakad palabas – dahil sa nagmamadali ako.

Safe naman dahil may mangilan-ngilang mga studyante pang pakalat-kalat sa campus. Kakalabas ko lang ng gate ng may narinig akong sumitsit. Pinabayaan ko lang kasi malay niyo guni-guni ko lang diba? Nakakadalawang hakbang ako ng makarinig ako ulit ng sitsit. Medyo kinabahan na ako. Luminga-linga ako sa paligid. At nakita ko ang tindig ng isang tao sa di kalayuan na papalapit sakin. hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng anino ng mga puno sa daan. Kinabahan ako kaya agad akong humakbang palayo.

A Man's LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon