49

339 17 5
                                    


M I K A Z E

Nandito ako ngayon sa labas ng room ni Mina, alam kong bawal akong pumasok pero kasi miss na miss ko na talaga siya eh. Gustong gusto ko na siyang makita eh.






Alam kong wala sina Dasuri at Naomi ngayon kaya nandito ako. Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan ko itong pinihit, unti unti kong binuksan ang pinto at hindi kinaya ng puso ko ang nakikita. Parang dinudurog eh.






Agad akong pumasok at sinarado ang pinto. Naupo agad ako sa tabi niya. Pinagmasdan ko ang itsura ni Mina ngayon.





"I already know it, you're too scared to commit a relationship even thought you really love that person right? You're scared to hurt them because of your condition... but mina, how can you wish to cheer me up kung mawawala ka sa tabi ko? Paano ako sasaya? Iiwan mo nalang ako? ayaw mo ba akong makasama? Kahit anong mangyare babantayan kita, aalagaan kita, hinding hindi kita iiwan.. Mahal na mahal kita eh." Sabi ko sa kanya. Alam kong tulog siya at alam kong hindi naman niya malalaman ang mga sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. I can't stand seeing her like this, alam kong may bone cancer siya at mahirap yun. Gusto ko siyang gumaling.. gusto ko siyang pakasalan eh.







"No matter what happens... you will always be my Highschool crush and will always be my one and only.. mina.. gumising kana." Sabi ko sa kanya. Ang hirap ng ganito. Yung makikita mo ang taong mahal mo na naghihirap.






"Tanda mo paba nung una mokong chinat? ang sungit ko pa sayo nun eh, tapos ang dami kong masasakit na salitang nasabi sayo. Sorry nga pala. Tapos naalala mo nung tinanong mo kung anong oras na, hahaha. kung di dahil sayo bagsak nako sa isang major subject, dahil sayo natuto ulit akong ngumiti at tumawa, hindi ko naman akalain na... yung babaeng ni-reject ko noon, yung babaeng nakakuha ng atensyon ko noon, yung babaeng laging nakangiti noon, eh ang babaeng kausap ko pala ngayon.Hindi ako makapaniwala nung una eh, pero nung nalaman ko na ikaw talaga yung little sister ng mga tropa ko... nakasigurado nakong ikaw nga yun. Ang pinakamamahal kong Black Swan. Mina, please wag mokong iiwan, mahal na mahal kita.." Sabi ko habang nakatingin sa muka niya. Napaka amo ng muka niya, lagi siyang nakangiti kahit na naghihirap siya.







Tumayo ako at nilapit ko ang muka ko sa kanya. I kissed her forehead and bid my goodbye.






Babalik ako mina, sana pagbalik ko gising kana, sana pagbalik ko mapatawad moko... gagawin ko ito para sayo mina... mahal na mahal kita..


***
A/N: Final chapter is near omo salamat sa pagbabasa ng Cheer Up mahal ko kayo :*

cheer up ➵ jeon wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon