Epilogue

428 26 6
                                    


M I K A Z E


Isang taon at mahigit ang lumipas simula nung umalis si Mina para magpagamot sa amerika. Hanggang ngayon ay hinihintay ko parin siya. Alam ko namang babalik siya eh.





Buti nalang talaga nahanap ko yung phone ko, nung araw nayun nakita ko si Serena na hawak ang phone ko at may kinakalikot. Hinablot ko agad sa kanya yun, gusto niyang may mangyare samin pero syempre hindi ako pumayag, nagalit siya sakin nun at pinabugbog ako. Sa loob ng isang linggong yun bugbog ang inabot ko pero buti nalang tinulungan ako ni Sylvester. Nakatakas ako at sinabi niya sakin na aalis na si Mina kaya nagmadali agad akong pumunta sa ospital nun kahit hirap na hirap nako. Buti nalang umabot ako. Naiintindihan ko naman siya, wala pang kami pero akin lang siya at sakanya lang ako.






"Pagbabalik mo nalang ang hinihintay ko." Sabi ko habang nakatingin sa bintana. Nandito kasi ako sa Library, sa Second Floor, nakaupo ako sa may gilid ng bintana habang may mga libro na nakapaligid sakin.






Kung saan saan ko nakikita si Mina, pero pag nilalapitan ko naman nawawala bigla. Sabi ng mga kaibigan ko nababaliw na daw ako. It's almost Spring na, napagdesisyunan kong umuwi ng Korea ngayong Spring eh, hindi naman ako sumusuko sa paghihintay sa kanya, after a week ko sa Korea babalik din agad ako dito. Naisip ko narin na sundan siya sa Amerika pero ayaw ko. Maghihintay ako kahit gaano katagal.







Inayos ko yung libro na nasa gilid ko at hiniga ko ang ulo ko dito. Iidlip muna ako sandali. Tinakip ko sa muka ko yung librong binabasa ko para makaidlip agad ako.



---


Naalipungatan ako dahil may humahaplos sa buhok ko. Malambot na rin ang inuunanan ko. Napa-upo agad ako at huminga ng malalim.







"Oh? Bakit ka bumangon? Nagising ba kita?" Napako ako sa kinauupuan ko. Ayokong lumingon dahil baka isang panaginip lang ito pero taksil talaga ang katawan ko at dahan dahan kong nilingon yung nagsalita.








Nakita ko siyang nakangiti sakin na para bang natupad niya yung pangarap niya. Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.





"Totoo naba 'to? Ikaw naba talaga yan? Nandito kana ba talaga?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko. Naglapat ang noo naming dalawa.






"Oo, totoo na'to. Nandito na talaga ako, bumalik na talaga ako. Kasama mo." Sabi niya sakin. Hindi nako nagdalawang isip pa at hinalikan ko na agad siya. Namiss ko ang babaeng 'to. Sobrang namiss ko siya.






Kumalas kaming dalawa sa halik at tinignan ko siya. "Hinding hindi na kita papakawalan pa. Mina, mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.






"Ganun din ako, Hinding hindi na kita papakawalan, akin kalang, mahal na mahal kita Mikaze." Sabi niya sakin. Napangiti ako.






Tumayo kami pareho, natuwa ako dahil magaling na talaga siya, nakakalad na talaga siya. Sabay kaming naglakad  na dalawa pababa.





Hawak hawak mo ang kamay niya. Hinding hindi ko na bibitawan ang kamay na ito, mamahalin ko ang babae na ito hanggang sa mamatay ako.



T H E.    E N D.


***

A/N: Ayan, so tapos na po ang Cheer Up. Maraming maraming salamat po sa pagbabasa ng trash na librong ito. Salamat po sa pagsuporta niyo dito. :> baka magkaron din po ito ng Special Chapters :> salamat po ulit sa inyo. :>


cheer up ➵ jeon wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon