Joshua's PoV
Wait?! Demonic High?! Putang *na!
Ano bang nangyayari?! Mga baliw nga ang tao dito..Biglang nag flashback yung sinabi sa amin ni Marijo
"Hellcome to Demonic High"
So totoo?! Totoo ang sinasabi niya?
Demonic High .... With the word demon?!!
Mali ang pagkakakilala ng mga estudyante sa school na ito..
Olician High is not really Olician High
But Demonic High..Sa gitna ng pagkatahimik namin ay may muling kumatok sa pinto..
Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko si Marijo..
"Hey transferee.. Pinapatawag kayo ni Viernes.. Pumunta daw kayo sa Office niya" paghahatid utos ni Marijo
Teka? Viernes? Wala ba siyang pag galang
"Wala ka bang paggalang? " seryosong tanong ni Elkayne
"Wala.. Wala akong ginagalang.. Wala akong tinitingala.. Dapat ako ang tinitingala.. Dahil ako ang nasa tuktok" sarkastikong banggit ni Marijo at sabay na umalis
Pagka tapos nun ay dumeretso na nga kami sa office ni Maam Viernes..
"Maam? Pinapatawag niyo raw po kami?" Tanong ni Elkayne habang nakalapit ang ulo sa nakasaradong pinto..
"Come in!" Sagot naman ni maam Viernes
Binuksan na namin ang pinto at pumasok.. Umupo at kinausap si Maam Viernes
"Hi boys! Enjoyed the first surprise?!" Tanong sa amin ni Maam Viernes
"So alam nyo ang pagka matay ng babae kanina?!" Pagkagulat ni Elkayne
"Oo.. Because it was the opening of the game! Tradisyon na ito ng school na ito.. " sagot ni Maam Viernes ng nakangiti..
"Tradisyon ang pumatay?! Normal lang ba sa inyo yun?! Ano?! Parang pagpatay lang ng insekto!?" Naguguluhang tanong ko ng may mataas na tono..
Pero hindi sumagot si Maam Viernes at binigyan lang kami ng kulay Itim na rosas..
"Itim na rosas? Para saan?" Tanong ko
"Yes! Itim na rosas.. It will be your signature in killings!" Sagot muli ni maam Viernes..
"Killings? Papatay kami?! No... Hindi kami papatay.. Hindi namin yun masisikmura!" Pagtanggi ko
"If you cant kill.. Then you will be killed... Kayo bahala.. You choose! Magpapa patay ba kayo para magkaroon ng pakpak at makalipad sa langit? O papatay kayo at papatay para maka survive at mabuhay?.... Dito.. Hindi ka mabubuhay kung hindi mababahiran ng dugo ng sarili niyong katao yang kamay niyo.. Kung weak ka.. Hindi ka mabubuhay sa school na ito! 6 Pm to 12 midnight will be called Hours of death.. Where you can kill anyone.. Pag lumabag ka sa Rules and regulations mapupunta ka sa Punishment Time.. Kung saan papahirapan kayo ng sobra sobra.." Pagpapaliwanag ni Maam Viernes kaya't kinilabutan kami
"Wala naman yun sa kontrata ah?! " sigaw ni Elkayne
"Bakit? Binasa niyo ba ang kontrata? Di ba hindi naman? Oh yan basahin niyo!" Banggit ni Maam Viernes at sabay inabot samin ang papel na pinirmahan namin..
Binasa namin ang kontrata at nakapaloob dun ang lahat.. Ang pagpatay .. Ang lahat..
"Ibig sabihin totoo nga?! Demonic High talaga ang pangalan ng School na ito?!" Banggit ko ng nanggi gigil
"Yes..." Sagot naman ni Maam Viernes
"Hindi! Gusto na naming lumabas! Aalis kami sa school na ito!" Pasigaw na banggit ko
BINABASA MO ANG
Olician High
Mystery / ThrillerBe careful on what you wish for. Papasok ka pa ba sa isang Eskwelahan na inakala nyong maganda pero impyerno pala? Mysteryo, patayan, at brutal na parusa ang uso sa School na ito. Mga estudyanteng itinuturing na mga anghel pero nasisiraan ng bait pa...