Chapter 5:Punishment Time

176 17 5
                                    


Joshua's PoV

Nang matapos ang Garuma San ay bigla nang nagsisipasukan sa kani-kanilang dorm ang mga estudyante..

"Pumasok na kayo sa dorm niyo at maghanda! Its already Hours Of Death" pagbibigay alam samin ni Abbigail..

Tumingin ako sa relo ko at nakita kong ala-sais na..

Pumasok na kami ni Elkayne sa dorm at ni-lock ang pinto..

"Teka! Yung babae? Yung Mary Joy Aguas? Nasaan na siya? Wag mo munang isarado ang pinto!" Banggit ni Elkayne

"Hindi pwede! Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari! Antayin nalang natin na may kumatok.. Sisilipin ko nalang sa bintana kung siya man yon" pag salungat ko naman kay Elkayne..

Pag upo ko naman ay may napansin akong kakaiba sa ilalim ng isang double deck.. Hinila ko ang dalawang itim na bag at binuksan ko..

Sa isang bag ay puno ng itim na rosas... At sa isa naman ay puno ng patalim at ibang armas pangitil buhay..

Kumuha ako ng itak at tinatak ko nalang sa isip ko na.. Ipagtatanggol ko ang sarili ko kung kailangan man..
At ganon narin ang ginawa ni Elkayne..

Nag antay kami ni Elkayne para sa pagdating nung Mary Joy na nadagdag sa grupo namin..

Maya-maya pa'y may narinig na kaming katok....

Sumilip ako sa bintana pero isang lalaki ang nakita ko naka kolorete ang mukha.. Nakakatakot ang itsura niya.. Lalo pa't may hawak itong patalim..

Agad naman akong bumalik sa kama ko..

"Hey! Hey! Hey! Transferee's!! Labas naman kayo! Let's play!" Banggit ng lalaki habang kumakatok ng pagka lakas lakas...

"Halika nga dito! Wag na yang mga yan!" Rinig namin na utos ng babae

"Pero baguhan lang sila!" Sagot naman nung lalaki..

"Yun na nga eh!! Baguhan lang sila!! Hindi natin sila ka level!! They're weak! Tsaka hindi tayo mag e enjoy na patayin sila!" Banggit naman ng babae na pasigaw..

............

............

Sa ilang oras na pananatili namin sa dorm..
Ay sa ilang oras din naming naririnig ang dumadagundong na katok ng mga estudyanteng tila nakikilahok sa Hours Of Death..

Nang matapos na ang Oras ng pagpatay ay lumabas na kami ni Elkayne..

Kitang kita namin ang di makilalang bangkay.. Kitang kita namin ang duguang sahig.. Tang na! This is not normal..

Onti-onti nang lumalabas kung ano talaga ang eskwelahan na ito..

Tao pa ba sila?!

"Hi guys!" Pag approach sa amin ni Abbigail

"A-ang mag e-estudyante ang gumawa nito?" Pautal utal na tanong ni Elkayne kay Abbigail..

"Oo.. Ito ang laging mahahantungan natin pag tapos na ang Hours Of Death.. Duguang sahig.. At mga bangkay.. Tignan niyo ang pulang panyo na may M sa gitna na nakalagay sa bangkay.... Yan ang team ni Marijo.. Ngayon tignan niyo naman ang nakatusok sa bangkay na kulay asul na kutsilyo.. Yan naman ang team ni Erika... Pero ito ang ikakagulat niyo.."
At tinungo kami sa limang magkakatabing bangkay
"Diba itim na rosas ang signature niyo? Tignan niyo yang limang bangkay"
At tinignan namin na ang limang bangkay ay may itim na rosas

"Oo sa amin nga... Ibig sabihin siya?!" Pagka gulat ko

"Sinong siya?" Tanong sakin pabalik ni Abbigail

Olician HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon