Chapter 8: Madam Black

108 13 3
                                    


Elkayne's PoV

Dumeretso na kami nila Abbigail at Joshua sa room..

Duguan si Joshua kagabi pero.. He seems to be okay now.. Parang walang nangyari..

Ang weird lang kagabi.. May nagbukas sarado ng pinto.. Pero.. Si Josh lang naman ang may hawak ng susi..
Tapos.....

Namatay yung tatlo... Na sinasabi ni Joshua na yun daw yung nagtorture sa kanya....

Hindi kaya... Si Joshua ang pumatay.. Naghiganti siya?

Pero hindi eh.. Hindi yun masisikmura ng pinsan ko..

Pag dating namin sa room ay naabutan namin si Maam Viernes

May hawak na fish bowl at sa loob ay mayroong mga papel na kulay maroon..

"Okay.... S-so.. Kailangan niyo bumunot dito... At sapilitan ito! Ang hindi bumunot mamamatay! Dali!" Bigkas ni Maam Viernes.. P-pero.. May kakaiba sa kanya.. Parang kinakabahan si Maam Viernes

Nagsitayuan na ang lahat at bumunot

"P-p-paalam diamond....." Pagpapa alam ni Maam Viernes .. Ngumiti ng malumanay at sabay umalis

Pagbukas ko ng papel ay may nakalagay na

3 days before at sa baba ay may number 6

6? Para saan

"Ano sayo Abbigail?" Tanong ko

"13" sagot niya naman..

"Ano sayo Josh?" Tanong ko naman kay Joshua

"...... Blanko" sagot niya kaya't napatingin ako sa papel niya..

Tinignan niya pa ito ng magkabilaan..

Oo nga.. Blanko.. Pero ano ba ibig sabihin nito..

Joshua's PoV

Nang makabunot na kami ng papel... Ang nabunot ko ay blanko..

Teka?! Ano ba ibig sabihin nito?..
Ano ang ibig sabihin ng blanko?

Ano naman ang ibig sabihin ng may mga numero?!

May masamang kubot ako..

Na ito ang mangyayari.. Baka mangyari ang napanag inipan ko..

Nakakuha si Elkayne ng numero na 6.... Naunang namatay ang ika 1 at hanggang sa pataas ng pataas at namatay ang Pinsan ko..

Nakita ko ang pagkamatay ni Elkayne ng brutal..

Sa mga oras na ito ay nanlalamig ako..
Eh paano kung ang mga numero nga ang magsisilbing pagkakasunod sunod ng pagpatay...

Ghaaad! Wag naman sana! Pang anim ang pinsan ko.!!

Kailangan naming itanong kung ano ba ang ibig sabihin nito.. Kung para saan ang mga ito!
Hindi na namin maantay ang 3 days before kaya't...
Pumunta kami sa Office ni maam Viernes para itanong kung ano ang ibig sabihin nito,.

Kumakatok kami pero.. Walang sumasagot..

Nagaantay pa kami ng ilang oras pero hindi na ako napakali at binuksan ko na ang pinto

Pumasok kami at nagtanaw-tanaw sa paligid.. Tila tahimik... At paglingon namin sa kaliwa ay nanlaki ang mga mata namin.......... Nagulantang kami sa nakita namin..

.........

Nakita namin ang bangkay ni Maam Viernes.. Duguan ang sahig.. Putol putol ang parte ng katawan.. At tila parang uling sa itim dahil sinunog ito..

Olician HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon