Chapter 12: History (2)

63 8 3
                                    


Joshua's PoV

Nagka salubong ang tingin namin ni Elkayne.. At kita ang pangangamba sa mukha niya..

Lumapit si Elkayne sa akin at hinila ako palabas ng room..

"J-josh.... Nangangamba ako.. P-pang anim na ako sa mamamatay" banggit ni Elkayne at yumuko..

"Hindi.. Hindi yun mangyayari ok? Mapipigilan natin ito bago pa maka abot sayo.." Pag subok kong pagaanin ang loob ni Elkayne

"Paano!! Ngayon palang tatlo na agad ang namatay! Eh paano na bukas?! Or even worse mamaya?!" Sigaw ni Elkayne sakin

"Try to calm down! Kaya nga gagawa ako ng paraan diba" sambit ko naman

"Calm down?! How can I calm down?! Ikaw kaya? Mamamatay ka na tas susubukan mo pang kumalma?!" Sigaw ni Elkayne at sabay ang pag patak ng luha

"Look chill ka muna.. Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito.. Gumagawa na ako ng paraan para mapigilan yun.. Gugustuhin ko bang mamatay ang pinsan ko?" Pagpapahinahon ko naman kay Elkayne

Pinunasan niya ang luha niya at sabay nagsalita

"Ano nang plano pre? Ayoko pang mamatay.." Banggit ni Elkayne

"Sa ngayon mag stay ka muna sa dorm.. Tandaan mo, hindi ka mamamatay" banggit ko at sabay ang pagpapalakas ng loob ni Elkayne..

Catherine's PoV

Pinuntahan ko sa labas yung Joshua Ferguson at sinabing lilipat na ako sa ibang team..

Team ni Marijo na syang dati kong kaklase..

Kung pwede namang lumipat ng grupo ay susulitin ko na..

In fact! Sigurado naman akong kakailanganin nila ako..

Magaling sumayaw..
Matalino..
And ghad! Maganda! Uh! Excuse me..

"Guys! Pasensya na ah.. Alam ko na malaking kawalan ako sa inyo, sa grupo niyo... Pero mas gusto kong lumipat sa grupo ni Marijo... Babush!!" Sabi ko sa dalawang Ferguson at sabay na tumalikod.

Gosh! Kawawa naman yung grupo na yun! Malaking kawalan talaga ako..
But! Mas gusto ko sa grupo nila Marijo..

Para pag may performances hindi na sila mahihirapan!

Nang makarating na ako sa Office ni Madam Black ay sinabi ko nang agaran ang pakay ko..

"Madam! Gusto kong lumipat ng team! Team nila Marijo" pagde demand ko kay Madam

"Uhm Why? Can they be trusted? Do you really know their true colors??" Banggit ni Madam at sabay pinaningkitan ako ng mata..

"Wh-what? Trusted? True colors? What do you meam Madam? Ano bang meron dito killer? May dapat pag katiwalaan at hindi" napatawa ako pero nanh ngumiti si Madam ng nakaka loko ay napatigil ako..

"Everyone is a killer" banggit ni Madam at muling ngumiti..

Nanlamig ako at napatayo ang balahibo.. Gosh! She's weird

"Anyway Madam! Hindi po ako pumunta rito para takutin.. Ang gusto ko lang po ay malipat ng team.. That's all!" Mabilis na sabi ko..

"Im not scaring you ms. Asuncion , Im just saying the truth.. But if that's what you want then okay!" Banggit ni Madam at nagsimula nang ilipat ang pangalan ko sa team Marijo..

Nang matapos ay lumabas na ako para ibalitang kay Marijo na kasama na ako sa grupo nila..

"Marijo! Goodnews! Kasali na ako sa grupo niyo!" Pagbalita ko agad kay Marijo..

Marijo's PoV

Oh no! Not a very good news! Punyeta..

"Alam mo! Malaking tulong ako sa grupo niyo.. Magaling sumayaw, matalino at maganda.. Pag may mga activities andito lang naman ako!" Pagmamayabang ni Catherine

"Alam mo.. We don't need your fucking talent in this hell" sarkastikong banggit ko

"Hell?! A-anyway!! Minamaliit mo ba ako Marijo? Ni hindi ka ngang marunong sumayaw eh!" Sambit ni Catherine

Hindi ako sumagot at umirap lamang

"Someday! Titingalain mo rin ako Marijo!" Sabi niya at tumalikod

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila

"Ito ang tandaan mo! Wala akong tinitingala kailanman!" Gigil na banggit ko habang nanlalaki ang mata

Binitawan ko na siya at umalis

Kahit kailan! Ang yabang mo talaga! Nuon palang sa dating eskwelahan natin..

Pero ngayon.. Papatayin kita! Onting oras nalang bago mag Hours of Death!!

Pumasok na ako sa room at nagpa lamig ng ulo..

Joshua's PoV

Hinayaan naming lumipat yung Catherine hindi naman siyang malaking kawalan..

Maya maya pa'y nagsipasukan na ang lahat kaya't sumunod narin kami ni Elkayne..

Pumasok si Madam Black sa room at nag masid.. Pero nang palabas na siya..

"Madam! May tanong ako!" Banggit ni Lemuel habang naka taas ang kamay

"Yes? What is it?" Tanong ni Madam Black

"Diba po ikaw ang nasa letratong ito?" Pagtatanong ni Lemuel habang nakaturo sa isang claas picture

Naningkit ang mga mata ni Madam at kinuha ang class picture..

"San mo nakuha ito!" Banggit ni Madam habang hawak hawak ang letrato
"Oo... Ako ang babaeng ito.. At si Shannah ang may gawa ng lahat ng ito,, kung bakit nakakulong tayo rito! Dahil sa sumpa niya!" Dagdag pa ni Madam

"Ibig sabihin kilala mo ang mommy ko?!" Sambit ni Marijo at biglaang tumayo..

"Si Mia? Ang mama mo? Oo! Diba siya nga ang nag video kay Shannah?!" Banggit ni Madam ng may malakas na boses

"Pero bakit?! Kung kaklase mo si Shannah.. Bakit hindi ka namatay?!!" Sigaw ni Marijo

"Dahil tinulungan ko si Shannah! Nanirahan siya sa amin! Tinulungan ko siya nung nagbubuntis siya!" Mataas na tinig ni Madam

"Nagka anak si Shannah?" Pagtataka ni Marijo

"Oo! At ang anak ni Shannah ang nagdadala ng sumpa! The only thing to stop this curse is the death of Shannah's son" banggit ni Madam

"Wait son? Lalaki?" Tanong muli ni Marijo

"Oo.. At nandito siya ngayon sa Olician High" banggit ni Madam Black kung kaya't nanlaki ang mga mata ng lahat

"Wait what?! Nandito siya?! Kilala mo siya?!Bakit hindi mo nalang sabihin para patayin na natin... Para matapos na ito!" Sambit ni Marijo

"I can't! Because I was forbidden! Isinumpa ako ni Shannah! Na once sabihin ko kung sino siya ay mamamatay ako! Paano ko nalaman kung sino siya? Dahil gabi gabi napapanag inipan ko ang mukha niya.." Banggit ni Madam
"Isa pa... On his 16th birthday.. Malalaman niya na kung sino siya talaga.. Na anak siya ni Shannah.. Then... Something really bad will happen" dagdag pa ni Madam at lumabas na ng kwarto

A/N: SHORT UPDATE :)

|•Fafa_J•|

Olician HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon