Abbigail's PoV
"Abbigail?!"
Si Lemuel?!
"Hoy! Buksan niyo ito! Gusto kong maka usap si Abbigail!" Pagsisigaw ni Lemuel sa labas
"Ano buksan ko ba?" Tanong ni Joshua sa akin
Tumango ako bilang sagot na Oo
At sabay na lumunok ng laway..Kinakabahan ako.. Pawang naging shower ang mukha ko.. Sa pawis
Binuksan na nila ang pinto at bumungad sakin ang mukha ni Lemuel..
"Halika nga dito!" Banggit ni Lemuel at sabay hinatak ako
"Aray! Nasasaktan ako.. Bitawan mo nga ako Lemuel!" Sambit ko sabay ang pagtanggal ko sa kamay niya na nakahawak sa braso ko
"Ito naman.. Kung makahawak! Akala mo may mangaagaw.. Pft! Kung makahila akala mo sobrang bigat ko hmp!" Bulong ko
"Ano?! May sinasabi ka?!" Sigaw ni Lemuel sakin
"Pare! Bitawan mo nga siya! Tsaka wag mo siyang sigawan!" Sambit ni Elkayne sabay ang hawak sa balikat ko
"Pare! Wag kang maki alam! Kung ayaw mong mamatay!" Sagot ni Lemuel kay Elkayne
"Sige na Elkayne.. Kakausapin niya lang naman ako eh" matamis kong banggit habang nakatingin kay Elkayne.. Ngumiti siya at lumayo ng bahagya..
"Ano?! Gusto mo ba talagang mamatay?! Nagsumbong ka?!" Mahina pero gigil na banggit ni Lemuel
"Hindi ako nagsumbong ano ba! Lumipat lang ako ng grupo! Because I can't take your stupid! Fucking leadership!" Sambit ko
"Alam mo Abbigail... Ayoko sa lahat ay yung iniiwan ako.. Pero hayaan mo.. Papalampasin ko muna ito.." Sabi ni Lemuel
"Boys!! Hayaan niyo ipagluluto ko kayo ng specialty ko!" Dugtong pa niya at sabay nang umalisPumunta na ako sa dati kong dorm at kinuha ang mga gamit..
Nang matapos na akong mag ayos ng gamit at mailipat sa bago kong dorm
Ay biglang nawala si Joshua
Joshua's PoV
Wala akong makita.. Nasaan nga ba ako?!
Ang tanging naaalala ko lang ay may tatlong lalaking pinalo ako sa ulo kaya't nakatulog at bumagsak ako..Nasa isang upuan.. May tali ang paa at kamay at mayroong piring sa mata at ang bwisit na mabahong medyas sa bunganga..
Maya maya pay naririnig ko na ang malalakas at matitigas na lakad nila
Pati narin ang pag uusap nila ..Tinanggal nila ang piring sa aking mata at ako'y sinilaw ng maliwanag na puting ilaw dahil sa mga saglit na binulag ako ng kadiliman..
'Di nagtagal at pagtanggal nila ng piring ay pinagsasapak ako..
Di ako makapalag dahil nakatali ako..
Gusto kong pumalag ngunit hindi ko kaya..
Sa mga sandaling ito hindi ako makagalaw at hinahayaang saktan nila ako.. Puro pang aabuso ang natanggap ko..
Nakita ako ang isang lalaki na mayroong kinuhang kahoy..Lumapit siya sakin.. Humarap sa mukha ko.. At roon ay nakita ako ang kanyang pag bwelo... Tila ipapalo ang kahoy sa katawan ako..
Akala ko sa katawan lang.. Pero tila nabigla ako ng ipalo ito ng pagka lakas lakas sa ulo ko..
Sa mga sandaling iyon .. Nakita ko ng mabagal ang pag talsik ng kahoy na ipinalo sa ulo ko..
Sa sobrang lakas ng palo ay naputol ang kahoy at ang pagtulo ng dugo ko..
At hindi na maaninag o makilala ang mukha ko.. Punong puno na ako ng dugo.
BINABASA MO ANG
Olician High
Mystery / ThrillerBe careful on what you wish for. Papasok ka pa ba sa isang Eskwelahan na inakala nyong maganda pero impyerno pala? Mysteryo, patayan, at brutal na parusa ang uso sa School na ito. Mga estudyanteng itinuturing na mga anghel pero nasisiraan ng bait pa...