Joshua's PoVTime is ticking... 1 day left.. Ilang oras lang makatapos ang Hours Of Death.. Ay malalaman na namin kung ano ang ibig sabihin ng nabunot namin..
I hope.. Na sana hindi mangyari kay Elkayne ang napanag inipan ko...
P-paunti na kami ng paunti.. At ibig sabihin nito ay papalapit na ng papalapit ang posibilidad kong mamatay.. Fuck!! I want to live!..
Pero may napansin lang ako.. Tanong ko sa sarili ko... Saan ba nanggagaling ang mga estudyanteng napapadpad rito? Paano kami napadpad dito?
Dahil kung araw araw kaming nababawasan.. Ay bakit hindi kami nauubos?..
Yan ang mga tanong sa isipan ko..
Mga tanong na nais kong masagot..Abbigail's PoV
Niyaya ako ni Elkayne na pumunta sa library .. Gusto niya raw kasing malaman ang history ng school na ito.
History ng Olician High...Sumama ako sa kanya dahil interesado ako... Dahil ako mismo ay hindi alam ang history ng eskwelahan na ito..
Ang alam ko lang kasi.. Isa lang ako sa libo-libong estudyante na pinapangarap ang Olician High..
Kumbaga dream school ng sambayanang estudyante..Tapos bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang isang papel..
Pinulot ko yun at nakita ko ang nakasulat sa ibabaw na Olician High..
Sa sobrang saya ko ay magmukha ba akong tanga sa kaka talon..
Ipinamahagi ko pa ang papel na yun sa mga kaklase ko.. Sabay sabay naming binigkas ang naka saad dun at.. Binalot na lang kami ng antok at yun! Nagising nalang kami sa tapat ng isang pagkalaki-laking gate.. Na may nakasulat na Olician High..
Dahil sa nakita namin.. Nag iwan kaming nakalaglag panga..
Mali ang pagkakakilala namin sa eskwelahan na ito..
Ang humor na sinasabing ang tunay na pangalan na ito ay Demonic High ay unti-unting naging totoo..
Pawang lahat ay nasiraan ng bait at biglaan nalang silang gustong pumatay...
At yun na.. Ginawa nang laro ang patayan.. Motto lang namin ay
"We kill because we need to defend ourselves"Pumasok kaming sampung magkaka klase ng sabay sabay..pero ngayong Year.. Magisa nalang akong buhay sa amin..
Sinubukan namin.. Sinubukan kong humanap ng daan palabas.. Pero wala.. Napagod nalang akong sumubok dahil wala namang patutunguhan..
Ako? Oo nakapatay na ako.. Pero ginawa ko yun dahil kailangan.. Hindi ko yun ginawa para lang sa katuwaan..
Hindi ko lang maintindihan! Maraming namamatay.. Pero ba't patuloy parin kaminh nadadagdagan?
Isa yan sa mga tanong kaya't gusto kong malaman ang History ng eskwelahan na ito..At isa pa.. Kung paano kami makakalabas dito..
Dumeretso na kami ni Elkayne sa library at nagtanaw tanaw kung meron bang librong nakapaloob rito na tungkol sa Olician High..
Kahit ang year book ng mga dating Diamond o star section ay wala.."Subukan kaya natin sa lumang building?" Pag suggest ni Elkayne
"Para saan? Anong meron dun?" Tanong ko naman
"Baka sakaling naroon ang dating room ng Diamond.." Pagbabaka sakali ni Elkayne.
Agad naman ako napa tango
"Oo nga.. Halika na!" Sabi ko sabay hila kay Elkayne..
BINABASA MO ANG
Olician High
Mystery / ThrillerBe careful on what you wish for. Papasok ka pa ba sa isang Eskwelahan na inakala nyong maganda pero impyerno pala? Mysteryo, patayan, at brutal na parusa ang uso sa School na ito. Mga estudyanteng itinuturing na mga anghel pero nasisiraan ng bait pa...