Chapter 4

125 3 0
                                    

 DANIEL’s POV

Nahiya ako dun. Shit. I should’ve been nicer pero di ko matiis sarili ko. Alam kong ang laki ng pride ko. Pero ang hirap magtago ng galit eh. Di ako mahilig magtago, kung ano man ang nararamdaman ko ay sasabihin ko agad.

“DJ, mag sorry ka.”

“Ano, ako mag-sosorry? Ano naman ang nagawa ko? Totoo lang naman ang sinabi ko, di ako naniniwala sa kanya. Trust me Kath, alam ko kung…”

“Bahala ka dyan basta para sa akin wala lang talagang nagawang mali yung tao, ewan ko sa’yo.”

Tumahimik nalang ako. Alam kong may something fishy sa Munmun na yan. There has to be a secret. Alam kong kilala nya ako, I don’t know when and why pero alam ko kilalang-kilala niya ako.

-Sa gymnasium

-Munmun’s POV

“Announcement dear students, meron tayong special guests’ dito sa school naten.”

Nagbulong-bulungan ang mga pugita sa paligid. Nainis ako kanina. Alam kong si The Daniel Padilla yun yung sikat daw  na artista pero di ko namukhaan mukha niya eh wala naman akong salamin. Bakit nya bang pinagpilit na kilala ko siya?

Arrgg,…. Nakakainis…Pero…

“SHHHHHH! Ehem…Ehem…”

Pinatahimk ang lahat ni Ms. Eretera ang aming highblood at menopause na principal na nababalot ng stress at perwesyo sa mga nagkakandarapang mga pusit. Siguradong magkakagulo talaga ang campus dahil sa mga bisitang ito.

“Please help me welcome, the one and only Ms. Kathryn Bernardo and Mr. Daniel Padilla!”

Ng lumabas na ang dalawang kumikinang na kahayupan ay…

 As expected, narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga pugita at mga shokoy na parang end of the world na sa kakasigaw.  Ganito ba talaga pag may artista? Sumisigaw, humihiyaw, parang nalaglag lang yung panty. Ano bang meron sa mga magagandang mukha nila at sa appeal nilang parang magnet kung humila ng mga fans na addicted sa pagkatao nila? Dahil ba to sa kaputian at sa kaperpekto ng mga guhit ng kanilang mukha? Di ko pa rin mapigilang takpan ang aking tenga sa kakasigaw ng buong kalansahang nilalang, sarap iulam ng mga ito. Hayop sa kakasigaw. Tulonggggg!

“Hello po sa inyong lahat, sana po ay di niyo ho kami abalahin sa mga shoots na gagawin naming sa school niyo, at I expect po na maganda yung treatment nyo sa amin, I hope we can be friends…”

Naghiyawan ang lahat.

“SHHHHHHHHHHHHHHHH! TIGIL NGA KAYOOOO!”

Iba talaga tong si Ms. Principal hayop sa sigaw.

At sana naman din I welcome nyo kami ng buong puso at salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin sa school niyo, medyo excited na kami na maging parte ng school niyo…”

Dobleng sigaw ang narinig ko. Daig pa nito ang malaking kampana at ang pagsabog ng bulkan. Ganyan kasikat si the Daniel Padilla, pero di ko lang talaga siya namumukhaan eh… Pero…

“Ay bahala na nga sila.”

“Munmun ang bitter mo talaga, tapos ang KJ mo pa. Di kaba nanonood ng tv o di kaya nag-iinternet.”Nagcomment na naman si Sasha

‘Aba malay ko…”

Bigla naming bumulaga ang baliw na si Tina.”Duh Sasha, di kana ba nasanay? Eh halos lahat ng bagay sa kwarto ng Munmun na to ay puro lang papel, libro, papel, libro ulet at tsaka mga lumang plaka ng the Beatles. Makaluma tong Munmun na to eh…” Ginulo niya nag buhok kung magulo. Hayyy, si Tina talaga.

WAITING FOR MR. RIGHT(EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon