Ako si Kyle. Isang normal na mag-aaral sa Santa Teresa Calcutta Parochial School. Masasabi ko namang maganda ang mga resulta ko as school. Medyo excited na nga ako eh. Dalawang buwan nalang kase eh pasukan na. Pero tinatamad rin ako na ewan. Di ko lang alam pero gusto kong sulitin ang bakasyon ko. Nandito ako ngayon as Hongkong para magbakasyon kasama ko and buong pamilya. Napakaganda dito at sobrang safe. Di naman sa sinasabi kong di safe sa Pinas pero mas kampante ako dito. Para kasing lahat dito eh sobrang yaman. Kahit saan mo tingnan puro bago ang cellphone nila.Ang bilis nga naman ng panahon. Parang kahapon lang eh Graduation palang namin, tas akalain mo. High school na ako ngayon. Nakakalungkot nga lang kase lumipat lahat ng tropa. Yung iba nasa City of Panem Science High School. Yung school na yun yung sobrang tutok sa grades. Eh yung valedictorian namin noong elementary top 10 nalang dun. Paano na ako diba.
March 2015
Kakauwi lang namin galing Hongkong. Nakakapagod sobra. Tapos bukas naman luluwas kami papuntang batangas. Pero sabagay onti nalang pasukan na ulit. Kaya susulitin ko na to. Natulog muna ako tapos nagulat nalang ako mag isa na ako sa kwarto. Eh lagi namang late nagigising si kuya. Tapos bumaba ako sa sala. Wala sila kaya lumabas ako. Nakita ko si kuya Zeus. Kasama namin sa bahay. Di lang siya magaling sa gawaing bahay. Pati rin sa volleyball. Noong grade 6 ako eh nakuha akong varsity as volleyball. Pero aaminin kong wala akong kwenta noon. Kase serve lang ang alam ko. Pero ngayon bakasyon ko lang mas na enjoy ang volleyball. Tuwing tapos na sa gawaing bahay si kuya Zeus, naglalaro kami sa court. Marami akong natutunan sa kanya.
Captain ball kase siya sa team nila as batangas. Lumalaban nga sila sa provincial eh. Tapos halos lagi siyang kinukuha bilang taga training mga school sa batangas. Ikaw ba namang mamaw sa volleyball. Tapos ayun nga, Isang araw nag laro kami one on one. Tapos pinaluan niya ko. Sobrang lakas. Tapos tinuruan niya na ko kung paano yung tamang pag receive.
Tinawag niya naman ako ngayon nakahain na raw ang meryenda. Dalian ko raw para makapaglaro na kami. Tinapos ko na ang pagkain ko at biglang tumunog ang cellphone niya. "Kuya, May tawag ka." Narinig ko nalang ang usapan nila at sa tingin ko coach niya yun dati. Kase napag usapan nila Yung jersey. Kaya hindi ko na siya dinistorbo at nag paalam nalang ako't dumiretso sa kwarto. Naalala ko nga palang di pa ko nakakapag impake para bukas. Kaya nag impake na ako at di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang diwa ko noong ginising ako ng ate ko. Maligo na raw ako at kumain para maagang maka alis at makaiwas sa traffic. Bumangon na ako at inayos ang higaan. Agad na akong bumaba at kumain. Dumiretso na agad ako sa CR at naligo. Nang matapos ako, ate ko naman ang sumunod. Nang handa namang lahat ay pumunta na kami sa terminal para maka sakay sa bus.
Nandito na kami ngayon sa Batangas. At sobrang hina na ng katawan ko. Sa tingin ko Di na ako makakaligo bukas. Pupunta kasi kaming Matabungkay. Dulot ng sobrang pagod ay nakatulog na ako. Ginising naman ako ni Tito Amando. May shawarma daw sa lamesa at kumain raw ako. Midnight snack kung tawagin. Eh hindi naman ako kumakain ng shawarma kaya tinanggihan ko ito. "Ay siya, ito oh bumili ka ng gusto mo. Magpahatid ka nalang kay Carlo". Ang asawa ng ate ko. Inabutan niya ako ng 500. At hinatid na ako ni Kuya Carlo.
Pumunta kami sa plaza at bumili nalang akong burger. Gustong gusto ko na rin kasing magpahinga. Pagkatapos nun ay umuwi na kami at kumain. Natulog na ako ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
RomancePaano kung ang mga matatamis niyong asaran ay maglaho dahil as ilangan? Totoo nga namang "awkward" ang mga sitwasyon tulad nito. Pero mapaglaro ang tadhana. Minsan, pinagtatagpo, pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Anong gagawin mo kung "I Fell...