Bestfriend VI

1.5K 30 11
                                    

Maaga akong nagising. Pangatlong araw na ng pasukan. Pitong oras nanaman ang hihintayin ko. Ang boring na nga sa school, nakakabagot pa sa bahay. Tama na ang dada, may pasok pa nga pala ako. Kaya naman naligo na ako at hinintay ko yung pagkain. Tocino at Sinangag. Sarap! Sana naman manaba na ko. Hindi ko alam kung bakit ang takaw ko kumain pero ang hirap talagang magpataba. Napaka-weird diba? Pagkatapos kong kumain, hindi ko nalang napansin ang oras. 


5:50 na. Hala late na ko. Tumakbo na ako sa CR at nagbihis. Sobrang binilisan ko na. Pagkatapos kong maghanda ay umalis na ako. 


Nandito na ako ngayon sa school, Ang dami na agad tao sa room. Siguro dahil 6:20 na. Mabuti nalang ay maaga ako. Kompleto na kami, wala pa rin si Sir Faller. Di kaya absent? Tumingin ako sa labas saglit, wala rin pala si Ms. Perez. Siguro may meeting. Pero makalipas ang sampung minuto, dumating na si Sir Faller. Tama nga ako may meeting raw sila. Nagdasal na kami ng rosaryo, at si Jervy naman ang pinaglead. 


Nang matapos na kami ay bumati na kami. Ngayon raw ang seating arragement. Tss.. Sigurado naman akong dito pa rin ako kasi letter A apelyido ko. Kaya ayun nga. Naglipatan na kami at as usual, ako nanaman ang malapit sa pinto at wala parin akong kakilala. Ay meron pala si Aaron. Siya yung unang transferee na nakausap ko kasi katabi ko siya. Pero ngayon siguro isang upuan lang ang layo namin. Babae ang nasa gitna namin. 


Siya yung inaasar ko kay Aaron kasi napansin ko na tingin siya ng tingin dun sa babae. Kaya ayun palagi ko siyang inaasar na may gusto siya dun. Pero todo tanggi siya. Maganda naman yung babae. Pero sobrang tahimik talaga. Alam mo yung nag gru-group activity kami, nakatingin lang siya sayo. Medyo creepy nga kung ikaw makakapansin pero siguro mahiyain lang. 


Pero alam mo lahat ng ayun, nawala ng bigla niya nalang kaming kausapin. Siguro di na siya nakapagpigil kasi ang ingay namin. "Alam niyo ang hirap magkilos babae." sabi niya. Medyo natawa rin ako at natanong ko nalang bigla kung bakit. At dun medyo napahiya ako sa mga sinabi ko kasi alam niyo, sobrang daldal niya. Pero katumbas nun ay masaya rin siya kasama. Ang pangalan niya pala ay Pia. Napagusapan namin yung school kung san siya nanggaling, tapos ang dami raw nagkakagusto sa kanya dati. Parang medyo binabagyo ata ang hangin eh. 


Tapos hindi na namin namalayan ang oras. Alas dose na pala. Uwian na. Agad naman akong umuwi at nakatulog ako. Hindi ko hilig ang matulog ng tanghali pero kanina siguro nadala na ako sa pagod. Inadd ko si Pia sa facebook. Galing pala siyang Sitio Syete Elementary School. Madali niya naman tong inaccept. Chinat ko siya at inasar ko pa siya kay Aaron. Hindi ko alam kung bakit tinatanggi pa ni Aaron na gusto niya si Pia. Pero medyo halata naman. Hanggang alas syete kami nag usap. Mas nakilala ko pa siya ng husto at mabait naman pala siya. Medyo matalino. Sports niya yung badminton. Tapos kumakanta rin.


Wow. Talented. Alas nueve na. Natulog na ako hindi rin kasi ako nasanay na mag puyat. Kaya kung ako ang tatanungin mo, hindi ako pwepwede sa mga puyatan. Nakatulog ako ng mabilis napagod siguro mata ko kakacellphone. 


Nagising ako ng maaga. Mga alas tres ata ay gising na ako. Kaya nanood muna ako ng TV. Hanggang alas kwatro. Nung matapos ang pinapanood ko ay naligo na ako at kumain. Sobrang bilis ng oras. Para talagang kahapon lang ay graduation namin. Akalain mo yun, highschool na ko! Kumain na ako, tapa ang ulam ko. Hindi ako mahilig kumain ng tapa pero wala ng magagawa kaya kumain nalang ako. Natapos ako ng maaga. Kaya naisipan ko nang pumasok ng school. Hindi ko alam kung bakit excited ako ngayon.


Nakaupo ako sa silya ko at biglang may pumasok sa pinto. Si Pia pala. Nakatali yung buhok niya. At aaminin, ko sobrang na-aattract ako sa babaeng laging nakatali ang buhok kasi ang linis tignan. Bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang nadanas. Ang ganda niya pala? Ano tong nararamdaman ko? Hindi to pwede. Pero bakit ganito sa pakiramdam? Bakit parang kakaiba? "Uy Kyle!" sabi niya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon