Nagising ako ng maaga para maghanda ng damit. Magpapaitim nanaman. Kungwari summer body. Buto't balat. Kaya ayun ako naman tong si loko, excited na excited. Naligo at kumain na. Ayos na ako lahat. Sila nalang ang kulang. Nang biglang nagising si Tito Amando. At sinabing di raw tuloy kase sumama ang pakiramdam niya. Asar na asar ako nun kaya itinulog ko nalang.
Mga alas dyes ng umaga na ako nagising. Tumungo agad ako sa kusina para kumain kase galit na galit na ang tiyan ko. Nakita ko naman si Tita Corazon nagluluto ng estopado. Ang pinaka favourite kong ulam. Pero napansin ko na kaming dalawa lang ang tao sa bahay. Kaya tinanong ko siya kung nasaan sila. Sabi naman niya na nasa sabungan ang mga tiyo at si ate naman ay nasa palengke kasama si ate Maricor.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako para magpahangin. Medyo mainit na kase. Noong nasa labas ako ng bahay ay napatingin ako sa malaking bahay sa harapan ko. Tinanong ko ulit ang tiya kung kanino ang bahay na iyon. Kase medyo tumaas ang balahibo ko noong unang tingin ko dito. "Bahay namin yan dati. Kaso lumipat kami dito." Sabi niya. Napatingin ulit ako sa bintana ng bahay at sa hinahangin na bintana nito.
"Bakit pa po kayo lumipat dito? Mas malaki po yata dun." Mausisa kong tanong dahil mas malaki iyong bahay na iyon kesa dito. "May mga tao kase diyan. Pero mababait naman." Sabi niya. Tumaas agad ang balahibo ko ng marinig iyon. "Hala." Sambit ko kaya tumawa ang tiya. Pumasok na ako ulit at chineck ang nagchacharge kong cellphone. Wala paring signal. Mahirap kasing makasagap dito ng connection kaya isang linggong pagtitiis.
Nag tanghalian na at nagsidatingan na sila. Sabay sabay kaming kumain. Biglang May pumasok na hindi namin kilala. Mga kamag-anak ng tiyo. Dito raw sila matutulog at sasama raw sila as outing. Marami rin ang mga batang kasama nila. Kaya noong araw na yun madami akong nakilala. Sumapit na ang gabi at napagusapan namin sa hapagkainan na lahat ng lalaki sa kabilang bahay kase Hindi kami kasya. Kaya ayun wala na akong nagawa. Kinabahan din ako kase puro bata ang kasama ko at dalawang matanda. Sina kuya Carlo at kuya Apan.
Pumasok na kami sa bahay na iyon. Madilim, nakakatakot. Umakyat kami sa taas at may nakapa kaming light switch. Pinundot namin ito pero pundi na pala ang mga ilaw.
Kaya mas lalo na akong kinabahan. Kase sobrang lamig talaga dun. Alas dyes ng gabi ng napagkwentuhan namin ang pinsan nilang si Pipoy. 3 years old na bata. Sabi raw nila lagi raw iyon nandito kase raw may kalaro raw siya. Minsan nga raw nagugulat ang mga tiya dahil nagkakapera si Pipoy. At tuwing tinatanong ito kung kanino galing, ang lagi niyang isinasagot ay: " Doon po sa maputing bata dun sa bahay. Yung maliit po."Natapos na ang kwentuhan namin at napagdisesyunan naming matulog na dahil alas dose na. Nakatulog ako at nagising ako ng bandang ala una. Napansin ko nalang na wala na akong kumukot kase inagaw ito ng katabi ko. Bigla akong nanlamig at bumigat ang pakiramdam ko. Pero mas nagulat ako ng parang may napansin akong anino sa tapat ko. Parang may naramdaman rin akong naglalakad sa ulo ko. Kaya napapikit nalang ako. Sobrang lamig talaga. Kaya pinilit ko talagang matulog pero Hindi talaga ako nakatulog.
Nakarinig ako ng ingay sa hagdan. Naka bukas kasi ang pinto kaya dinig na dinig. Pero laking gulat ko nalang ng nagsarado ang pinto at gumalabog. Sobrang kinabahan talaga ako noon at parang nakaramdam ako ng ihi. Bakit ngayon pa. Kaya pumunta ako sa tapat ng pinto at napatingin ako sa baba. Bigla akong tumakbo Palabas at pumunta as kabilang bahay. Umihi ako doon at tinignan ko sa kabilang kwarto si ate. Tulog na sila pati rin si Carl. Ang pamangkin ko.
Agad akong bumalik sa kabilang bahay at humarurot paakyat. Pero bigla kong nakita ang isang anino sa tapat ko. Nagkuskos ito ng mata at si kuya Carlo pala. Nadudumi raw kasi siya kaya bumaba siya at pumasok na ako sa kwarto. Doon ay nakatulog na ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
RomancePaano kung ang mga matatamis niyong asaran ay maglaho dahil as ilangan? Totoo nga namang "awkward" ang mga sitwasyon tulad nito. Pero mapaglaro ang tadhana. Minsan, pinagtatagpo, pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Anong gagawin mo kung "I Fell...