Nahimasmasan nalang ako ng gisingin ako in Tito Amando. Mga bandang alas kwatro ata iyon. Agad naman akong tumayo at nagkuskos ng mata. Sobrang dilim pa at di ko parin makalimutan ang nakita ko kagabi. Pero sa tingin ko ay okay na ako ngayon. Pumunta na ako sa kabilang bahay at nakita ko silang lahat sa kusina. Kumakain ng pandesal at hotdog. Tinignan ko muna sila ate sa kwarto nila at nag-aayos siya ng gamit. Bumalik naman ako sa kusina para kumain.
Nang matapos na kaming lahat ay, hinati kami sa tatlo. Kasi di kami kasya sa tricycle. Nauna kaming mga bata. Si kuya Carlo naman ang nagdradrive. Habang sinusundan kami ng motor nila Tito Amando. Nakarating na kami sa dagat. Madilim parin at sobrang lamig. Nagsitakbuhan naman sila sa tubig at naiwan ako. Di muna ako naligo dahil sobrang lamig nga. Ako lang ang nandun at biglang may dumaan na nagtitinda ng taho.
Tinawag ko ito at bumili ako. Masarap ang taho. Bagong luto pa iyon. Medyo natanggal ang lamig na nararamdaman ko kaya naligo na rin ako. Ang saya maligo sa dagat. Pero nagulat ako ng makakita ako ng balat ng ahas. Kaya agad naman akong pumunta sa lupa. Ako naman tong si tanga, inakalang totoong ahas yun. Natawa nalang ako sa sarili ko at bumalik ako sa paliligo.
Dumating na ang iba at naghanap sila ng kubo para mailagay ang mga gamit. Medyo malayo ang nahanap nila. Alas sais na at kumpleto na kaming lahat. Kaya naligo na rin sila habang ang iba naman ay nagsimula na ng inuman. Ang saya namin habang naliligo at nagulat ako ng biglang may nantalsik sa akin ng tubig. Ginantihan ko naman ito at hinabol. Si Anding pala. Nakakatawa pangalan no? Pero palayaw niya lang yun. Andrea talaga ang totoo niyang pangalan.
Alas dose na ng tanghali ay tumigil na ako sa paliligo. Tinignan ko ang sarili ko at sobrang itim ko na pala. Sigurado akong papagalitan nanaman ako. Ayaw kasi nilang nangingitim ako kase mukha raw akong adik. Kaya ayun, kumain nalang ako at nagpatuyo. Umuwi na kami ng alas syete ng gabi. Nagbanlaw na ako at dumiretso sa kwarto. Wala na yung mga kamag anak nila Tito. Kaya dito na ulit kami matutulog.
Dalawang araw nalang, pasukan na. Kinakabahan na ako pero medyo excited rin. Hays, di ko alam kung tatamarin ako o sisipagin. Pero parang ang saya kase dagdag baon. Tsaka, first day ng Highschool Life, syempre marami nanamang makikilalang mga tao. Siguro nga di na ako kumibo sa classroom sa sobrang OP. Lahat kase ng tropa nagsilipatan. Pero okay lang naman, opportunity rin to para makakilala ng bagong kaibigan. Sana nga maging okay ang lahat tulad ng iniisip ko. Kase parang ngayon palang kinakabahan na ako. Itutulog ko nalang ito.
Umaga na, bukas pasukan na. Uuwi na kami mamaya pabalik ng Maynila. Ang dami ko pang gagawin. Maglilinis ng kwarto, mag-aayos ng gamit, at oo nga pala. Maglalaro kami ni Kuya Zeus. Sobrang hectic naman. Pero ayos lang ginusto ko naman to. Maliban sa paglilinis. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na pasukan na bukas. Unang pahina ng Highschool Story. Ang iniisip ko nalang ngayon ay sana maging okay ang lahat bukas.
Agad na akong bumaba sa kusina para kumain. Nakita ko si Kuya Zeus. Nagluluto ng corned beef at sinangag. Kumain na agad ako para makapaglinis na tsaka matapos na lahat. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso akong CR para maligo. Nilinis ko agad ang kwarto at mga gamit ko. Di ko na namalayan ang oras. Alas dose na. Nakatulog nalang ako sa pagod. Nagising naman ako ng Alas dos. Sa sofa pala ako naka idlip. Medyo sumakit ulo ko dahil sa pagod.
Lumabas ako at tinawag ko si Kuya Zeus para maglaro kami ng Volleyball. Ayun, natapos ang game naming ng Alas Singko. Kaya pumasok na kami sa loob dahil marami pa raw siyang gagawin. Pitong oras nalang, pasukan na. Akalain mo yun. Ang bilis nga naman ng panahon. Maaga akong kumain at natulog na ako.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
RomancePaano kung ang mga matatamis niyong asaran ay maglaho dahil as ilangan? Totoo nga namang "awkward" ang mga sitwasyon tulad nito. Pero mapaglaro ang tadhana. Minsan, pinagtatagpo, pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Anong gagawin mo kung "I Fell...