Bestfriend IV

1K 25 9
                                    

4:30

Ginising ako ni kuya Zeus. Ay oo nga pala, may pasok na. Kinakabahan na tuloy ako. Sana talaga maging maayos 'tong araw na ito. Ano nang gagawin ko hala. Parang ayaw kong pumasok. Sabagay wala namang gagawin sa first day diba? Edi absent muna. Pero joke lang. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Pero syempre, papasok pa rin ako. Sayang 130 diba. Bumangon na ako at kinuha yung cellphone ko. Nag fb muna ako para pampagising. Mga 4:50 ay naligo na ako at nanood ng tv habang kumakain.


Kasama ko naman ang pinsan kong si Collin. 4 years old. May pasok na rin kasi siya. Sa ngayon kinder palang siya at sa amin muna siya iniwan. Nang napansin ko ang oras ay tinapos ko na ang pagkain ko. Maaga akong natapos kaya linibang ko muna ang sarili ko sa pag se- cellphone. Mga alas sais ay umalis na ko. Ayaw na ayaw ko kasing nale-late. Gusto ko kasing matapos yung taon ng wala akong violation. Para cool. Nasa sasakyan ako at inisip ko yung mga pwedeng mangyari sa school. Kinakabahan na talaga ko.


Nakarating na ako sa school. Bago ako pumasok sa school ay dumiretso muna ako sa simbahan. Nag simba ako saglit at dumiretso na ako sa school. Tinanong ko sa guard kung saan ang room ng "St. Agnes Of Montepulciano" Ayun kasi ang section. Tinuro naman iyon ng guard. Malapit lang pala at third floor lang. Mas maganda na yun. Kesa naman nung Grade 6 kami. Nasa fourth floor agad. Bago ka pa maka akyat eh parang nakapag exercise ka na. Umakyat na ako sa 3rd floor at nakita ko yung signage ng room. "ST AGNES OF MONTEPULCIANO" Catholic school kase ang school namin kaya ganun ang mga section. Sa elementary ay mga values at sa highschool naman ay saints. Angas diba.



Nakita ko agad si Tita Baby, ang lola ng kaklase ko dati nung grade three. Si Pearl. Binati ko ito at nagpicture kami. Hindi pwedeng magdala ng cellphone sa school. Pero may camera si Tita kaya nakapagpicture kami. Nang mag call time na ay pumasok na kami sa classroom.


7:00

Pumasok ang isang lalaking guro. Si Sir Faller. Kilala ko na agad iyon dahil minsan siya ang nagsa-sub sa teacher namin dati sa Filipino kapag wala. Masaya siya mag turo at grabe sobrang luwag. Pero sana ganun parin siya. Umupo na si sir at pinatayo kami dahil pipila na raw sa labas. May assembly kasi syempre first day. Nakababa na ang lahat ng section. Kami ang nahuling bumaba. Sa bagay, sanay na rin namang inuunahan. Taba ng utak no? Kala naman talaga. Nagsalita na si Sir Villafuente, ang Activity Head ng school.


Natapos ang assembly namin at sobrang tahimik ko. Wala kasi talaga akong kakilala sa klase dahil halos lahat ay transferee mula sa Jolo Elementary School at SLEPS. SLEPS ang laging pinakamataas pagdating sa NAT. At halos lahat ng studyante galing dito ay napunta na sa City of Panem Science Highschool.Bumalik na ang lahat sa kani kanilang klase. At kami ang naiwan kaming mga Freshmen. Ina-nounce ni Ms. Jovie na hahatiin raw ang klase ng "St. Filomena" kaya ang mga studyante dun ay hiniwalay hiwalay yung iba na punta sa St. Catherine, yung iba sa St. Agatha, yung iba sa Therese. Pero sa tingin ko, pinakamaraming napunta sa amin.


Pagkatapos ng lahat ay pina akyat na kaming lahat. Nagpakilala na si Sir at nagsimula na ang pinaka-ayaw kong parte sa pag-aaral. "INTRODUCE YOURSELF" Hindi naman ako mahiyain pero ayoko talaga niyan. Parang nakakatamad kasi. Nasa malapit ako sa pinto at oo tama kayo ng hinala. Sa amin nag-simula ang pagpapakilala. Pinakilala ko na ang sarili ko at binilisan ko na. Nakatapos na ang lahat sa pagpapakilala at nagsimula na ang orientation ni Sir.


Wala talaga akong makausap sa klase ni isa. Kaya kinapalan ko na ang mukha ko at nakipag usap ako sa mga malapit sa akin. Medyo mga weirdo lang. Pero okay lang rin. Natapos na ang araw namin at mga alas dose ay pina-uwi na kami. Umuwi agad ako sa bahay at nag facebook minessage ko ang nanay ko dahil kinukumusta ako. Sumapit na ang gabi.

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon