Bestfriend V

991 21 1
                                    

Nandito na ako ngayon sa hapagkainan. Hapagkainang magkakahiwalay. Yung kuya ko nasa taas, si ate nasa lamesa, ako nasa bar, si Kuya Zeus nasa dirty kitchen. Wala na kong magagawa ganun kami eh. Ay oo nga pala, may pasok pala bukas. Nakakatamad na pumasok. Pero sayang talaga baon eh. Balak ko pa namang bumili ng bagong bola. Mga alas otso ay umakyat na ko sa kwarto para ayusin yung kama. Nagta-tablet ako at bigla nalang ako napapikit at nakatulog.


4:30 AM


Nagulat ako ng gisingin ako ni Kuya Zeus. Mag-aalas singko na raw kasi. Sabi nga ng tulad ko sa inyo, ayoko talaga ng nale-late. Kaya sobrang aga kong pumasok. Mabilis naman ako kumilos pero kinokondisyon ko pa kasi sarili ko at madalas cellphone. 5:30 ng matapos na akong maghanda. Nakakain na ako at nakaligo. Kaya nagcellphone muna ako saglit. Nang mag alas sais ay umalis na ako. Ayokong malate ng first week nakakahiya yun. 


Nandito na ako ngayon sa school. Bumili muna ako ng ballpen kasi naalala ko hiningi nga pala ni kuya yung ballpen ko. Umakyat na agad ako sa taas. Onti palang naman ang tao doon. Mga tatlo. Hindi ko pa nga sila gaanong kilala dahil nga yung grupo lang na malapit sa akin yung nakausap ko ng gaano kahapon. Medyo feeling close rin kung tignan. Pero okay na rin. Kompleto na kaming lahat at dumating na si Sir Faller. May pinili siyang babae. Magli-lead raw ng rosaryo. Hindi ko pa siya kilala kasi transferee siya. Nagulat siya dahil hindi niya pa alam kung paano maglead. Kaya tumanggi siya at si Ariza yung pinag-lead.


Kaklase ko si Ariza noong grade 5. Natatawa nga ako kasi dati nag-away kami dahil sa pang-aasar ko ng apelyido niyo. At ito pa, umabot pa kami sa puntong nagconference at meron pang witness. Daming alam no? Ngayon pinagtatawanan nalang namin iyon. Natapos na kaming magrosaryo kaya naman nagsimula ng mag-orient si Sir. Ngayon raw ang election of officers. Nalilito pa rin ako kung gusto kong mag-officer o hindi. Bahala nalang. 


Napiling president si ariza. At di ako naging officer. Okay lang naman, kasi wala talaga akong kakilala ni isa doon. Hindi ko nalang napansin na natapos na pala ang araw at nagsi-uwian na kami. Umuwi akong maaga kasi wala naman akong gala. At wala rin akong kasamang gumala. Nag-facebook ako at inadd ko yung mga bago kong nakilala. Halos lahat ay kilala ko na. Medyo naasar nga lang yung iba kasi namamatid ako. Dahil ako yung tabi ng entrance door. Kaya ayun pinagtritripan ko nalang sila. Pero yung iba naman okay lang. Kahit doon lang ay nakilala ko na ang mga ugali nila. 


Yung iba nakikisama sa trip, yung iba naman parang sabog lagi. Tapos syempre hindi mawawala yung mga sensitive at pikon. Pero sa tingin ko naman, normal lang yun dahil naging ugali na rin yan ng mga tao. Nasayo nalang yun kung paano mo dadalhin at seseryosohin. Inadd ko na nga sila at mabilis naman nilang inaccept. Nagchat naman kami sa group chat namin. At nagulat ako ng bigla nalang akong iadd ni Janella sa isang GC. May 2 ibang section at transferee. At yung iba ay kami na. May nag-aaway at hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit sila nag-aaway kaya medyo nagtaka rin ako kung bakit ako inadd. Ang akala ko naman ay may nakaaway at ako at ngayon pagtutulungan ako. 


Sila Dom pala at si Tan. Nag-aaway tungkol ata sa friendship. Siguro tampuhan lang ganun. Ako naman medyo natatawa kasi parang immature tignan. Pero sabi nga ng tatay ko, iba iba ang tao sa mundo nasayo na kung paano mo pakikisamahan. Ayun nga, nag-babatuhan sila ng mga salita. Kaya ayun nakisingit na ako. Tinanong ko kung bakit sila nag-aaway. Ang sabi namin ni Tin, kaibigan ni dom. Medyo nagtatampo raw sila kay Tan dahil hindi na sila pinapansin nito. May bago na raw kasing kaibigan si Tan. 


Natawa ako at ang dami kong sinabi lininaw ko yung mga sinasabi nila. At nagbigay ako ng onting payo. Di kapanipaniwala no? Maganda naman ang naging resulta at nagka-ayos na sila. Hindi pala ayos, medyo onting space lang raw. Civil ata parang ganun. Nagkwentuhan nalang kami sa group chat at mas nakilala ko sila. Di ko nalang napansin ang oras. 9:30 na pala. 

I Fell Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon