Chapter One

766 14 4
                                    

Chapter One

"Ano ba yan Kristine! Bakit ang gusot-gusot ng damit ko?! Ayusin mo nga ang pagpaplantsa!" sabay hagis sakin ng kanyang damit

"Sorry." tapos binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagpaplantsa.

"Mommy, daddy? Are you fighting?" biglang sabi ni Tristan. Na nakasilip sa may pintuan namin.

"Uh no baby. We're just talking. Go get your things na. Male late ka na sa school." patuloy padin ako sa pagpaplantsa.

"Yes mommy!" nag salute pa ang anak ko. Ang cute cute nya talaga! Sarap kurutin sa pisnge.

Ako nga pala si Kristine Javier-Perez. May asawa't anak na. 25 years old na pala ako. At yung lalakeng masungit, asawa ko yun. Si Travis Perez. Yung anak ko naman si Tristan Xander Perez.

Matagal na kaming kasal ni Travis. Mga 5 years na din. At sa loob ng five years na yun. Parang walang nagbago. Cold parin ang asawa ko sakin, tinuturing akong parang katulong. Minsan nga naiisip ko, 'Minahal nya kaya ako?'. Pero nawala yung hinanakit na yun noong nagka-anak kami. Ang saya ko nung oras na yun. Kasi kahit papano nabiyayaan padin kami ng isang napakamasayahin, napaka-cute at napakabibong anak.

"Bilisan mo nga dyan?! Late na ako sa office!"

'late sa office? O late sa babae mo?!'

yan ang gusto kong isagot sa kanya

Palagi namang ganyan eh. Sasabihin nya late ma daw sya sa office nya pero ang totoo late na sya sa babae nya.

Kahit hindi na ako magtanong, alam ko parin na nambabae sya.

Kung pano ko nalaman?

Kay Krisha, bestfriend ko. Palagi nya kasing nakikita si Travis na may kasamang iba't ibang babae. At naghahalikan pa sila. Minsan nga daw umaabot na sa puntong nagkasarapan na sila.

Buhay nga naman! Ang sarap nga nyang kalmutin eh no! Pero sanay na ako. Lagi na nyang routine yan. Ang mambabae sa umaga, hapon at gabi. Pwera lang kung nandyan mama at papa nya. Hindi yan makakapag pambabae. Takot kasi yan sa kanila. Pero ako na asawa? Hmp! Asa! Hindi yan takot sakin. Wala namang pakialam yan sa amin. Oo sa amin ng anak ko, ni tuition nga hindi binabayaran, ako pa ang nagbabayad! Ang kapal talaga ng mukha. Pero wag ka, mahal ko yan kahit ganyan sya. Okay lang sakin na one-sided love ako. Baka sa huli mamahalin nya rin ako. Kaya konting tiis lang! Mamahalin nya rin ako.

"Eto na." abot ko sa damit

Kinuha nya iyon at sinuot.

"Geh. Alis na'ko " -Travis

"Teka. Isabay mo nalang si Tristan." -ako

"Wag na. Ikaw na maghatid dyan. Late na ako." tapos lumabas na sya

See? Wala talaga syang pakialam sa amin. Magpapahatid na nga lang, ayaw pa magawa. Hindi pa yan nakapunta sa school ni Tristan. Tinutukso nga syang walang daddy kasi wala daw pumupuntang tatay sa kanya. Sa totoo lang naawa ako sa anak ko. Sa murang edad eh napasok na sa gulo na dapat ay sa amin lang mag-asawa. Pati tuloy sya nadamay.

"Baby. Hatid ka nalang ni mommy ah. Daddy can't take you to school eh. He's going to be late na." sabi ko sabay himas sa ulo ni Tristan

Nag-pout ang anak ko, "Mommy, does daddy loves us?" biglang tanong ni Tristan.

Minahal nya nga ba kami?

"Y-yes baby. Why did you say that?" nauutal pa ako

"Nothing mom. But I feel daddy didn't love us. Because he always refused to take me to school. That's why my classmates tease me." teary eyed nyang sabi

"Sshh.. Hush baby. Daddy loves us okay? No need to worry about it. And to your classmates, we'll tell them to your teacher okay?" tumango lang sya

"Lets go na." sabi ko tapos pumunta na kami sa car at nag drive papuntang school

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon