Chapter Three

289 5 1
                                    

Kristine

*BLAAG*

Nagulat ako nung narinig kong parang may nabasag.

Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina.

And there I saw my son crying at maraming dugo sa braso nya.

"What happened baby?" pinuntahan ko sya.

"*sniff. Mommy.. *sniff." umiiyak pa din sya.

Napatingin din ako kay Travis.

"Anong nangyari kay Tristan?!" hindi ko napigilang sumigaw

"Yan! Yang magaling mong anak! Sinabi na ngang wag makulit hindi padin tumitigil sa pangungulit sakin! Punyeta!" tinuturo pa nya si Tristan

"Wag mo namang sigawan yang anak mo!"

"Punyetang anak mo! Napakakulit!!" abat!

"Hoy! Travis! Kung makatawag kang punyeta sa anak mo.. Parang hindi mo yan anak ah!" bwiset! ang lakas nyang sabihang punyeta si Tristan.

"Sana nga hindi ko nalang anak yan! Sana hindi nalang ako nagpakasal sayo. Sana nagpumilit nalang ako kila papa na wag ituloy yung kasal. Kasi pinagsisisihan kong bakit ikaw pa yung pinakasal sakin!" sinampal ko sya. Hindi ko na kaya. Ang sakit nyang magsalita. Lalong-lalo na sa harap ng anak namin.

"Tama na! Oo! Ako ang may kasalanan kung bakit nagkanda leche-leche yang buhay mo! Pero hindi ko pinagsisihan na nagkaanak ako. Kasi si Tristan, sya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kaya wag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!" malapit nang tumulo ang luha ko. Grabe nyang magsalita!

"*sniff M-mommy... d-daddy.." lumapit sakin si Tristan saka niyakap ang bewang ko.

"Tahan na Tristan. Wag ka umiyak. Mommy's here. Nandito lang ako palagi." hinalikan ko ang ulo nya. Kung pwede lang sana pumili ako ng magiging ama nya, matagal ko na sanang pinili si Jay.

"Yaya!"

"B-bakit po m-mam?"

"Dalhin mo sa kwarto si Tristan. Paliguan mo. Ako na ang bahala gumamot sa sugat nya." naaawa ako sa anak ko. Sa murang edad, napasok na sa gulo.

***

"Travis... *sniff bakit ka ba ganyan?." wala na, hindi ko na mapigilan. Kusang tumulo na lang ang luha ko.

"Nagkakaganito ako dahil sa inyo." ang cold nya

"Bakit ba samin mo nalang binubuntong yang galit mo? Wala naman kaming ginagawang masama sayo. Or should I say wala akong ginagawang masama sayo. Kahit naisip ko na noon na gusto kong makipag divorce sayo, wala akong nagawa. Kasi iniisip ko ang kapakanan ni Tristan. *sniff. Iniisip ko na pano pag lumaki na si Tristan wala syang ama na magbabantay sa kanya. *sniff Ama na palaging nandyan para sa kanya, ama na handang gawin kahit ano mapasaya lang ang anak nya. *sniff. Pero mali pala ako. Sana tinuloy ko nalang yung divorce. Alam mo Travis, hindi naging madali sakin ang lahat ng 'to. Pero kinaya ko padin kasi mahal kita. *sniff Kung tutuusin, para na nga akong nanalo sa lotto nung nalamang kong ikakasal tayo. Nangarap ako na magkakaroon tayo ng isang napakaganda at napakasayang pamilya." nakatingin lang ako sakanya habang umiiyak.

Kahit labag sa kalooban ko, kailangan ko tong gawin.

"Kasal lang tayo sa papel. Kaya wag ka mag-inarte ng ganyan. We're JUST MARRIED." at ako pa ang nag- iinarte?!

"Magfa-file ako ng annulment papers. Yan naman ang gusto mo diba? Ang maging malaya sakin. Kaya ayan na, kusa ko nang ibibigay sayo ang gusto mo." kakayanin ko nalang na mawala sya sakin. Pero ang iniisip ko padin ay si Tristan. Pano kung mangulila sya kay Travis? Alam ko kung gaano nya kamahal ang daddy nya.

"......" hindi na sya umimik..

"Wag kang mag-alala. Kung gusto mong dalawin si Tristan, pagbibigyan naman kita. After all, ikaw padin ang ama nya." Tama naman siguro ang naging desisyon ko diba?

Hinawakan ko ang kamay nya. Nagulat sya sa ginawa ko.

"Mahal na mahal na mahal kita Travis." tapos hinalikan ko sya sa pisnge. Ito na siguro ang pinakahuling halik ko sa kanya.

"Sana maging masaya kana." umakyat na ako sa kwarto namin.

***

"Haaay.." napabuntong hininga nalang ako

Sana nga maging masaya ka na. At sana maging masaya din ako, kami ni Tristan.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon