Chapter Four

297 6 2
                                    

Please check the spacing readers ah. Nakamobile lang lasi ako ngayon. Taghirap kami ngayon eh.







Travis



"Sana maging masaya kana."


"Sana maging masaya kana."


"Sana maging masaya kana."



Arggh! Buset! Hindi ako makatulog. Palaging nag-eecho ang boses ni Kristine.


Ano bang nasabi ko kahapon? Nadala tuloy ako ng galit ko.



Pero yung mga sinabi ni Kristine. Makikipag-divorce sya sakin. Diba dapat matuwa ako? Pero bakit.. bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kung anong kumirot sa puso ko nung sinabi nya yun.




Ewan ko ba pero sa sinabi nya kahapon parang natauhan ako. Oo alam kong may kasalanan din ako. Pero I think below the belt na ata ang mga nasabi ko kahapon na pati anak namin napagsalitaan ko ng ganun.




Handa naman talaga akong makipag-ayos sa kanya eh. Kaya lang, naunahan ako ng takot. Takot na baka, hindi sya maniwala sakin. Naging masama man akong asawa sa kanya, pinagsisisihan ko na yun. At sa pagiging masamang ama ko sa anak ko.


Tsk! Makatulog na nga lang.



***


Haaay. Anong oras na ba?    


7:30 na pala.



Maaga pa nam---



7:30?!!?



Shoot. Late na ako sa office. Putcha naman oh! Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Nakokonsensya ako.



Nagmamadali akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo.



Pagbaba ng hagdan naamoy ko ang luto ni Kristine. Mukhang masarap ah!



Napag-isipan ko na kagabi na makikipag-ayos na ako sa kanya. Magsisimula na ulit kami ng panibagong buhay.



"Morning babe--" teka?


"Asan si Kristine?" tanong ko sa katulong namin na nagluluto.



"Maaga pong umalis sir kasama si Tristan. Ang dami nga po nilang dalang bag eh." nanigas ako sa sinabi nya. Tinuloy nya ba talaga ang balak nya? Ang ipa-annul ang kasal namin?



Punyemas! Kung saan gusto ko na makipag-ayos sya na naman tong aalis.


Dali dali akong pumunta sa kwarto nya.


Binuksan ko ang cabinet nya pero wala na lahat ng gamit nya.




Pumunta naman ako sa kwarto ni Tristan. Kagaya din kay Kristine, wala na lahat ng gamit nya. Pero ang nakaagaw ng aking pansin ay ang picture frame na nakapatong sa bedside table nya. 



Kinuha ko iyon at tiningnan.




Picture nilang dalawang mag-ina. Ang saya nila dito. Lalong-lalo na si Kristine. Nami-miss ko na tuloy sila. Kung hindi sana ako nagpakagago. Malamang nandidito parin sila.




Bumaba nalang ako. Dahil alam kong hindi na sila babalik pa dito. Kinamumuhian na ako ni Kristine o baka pati ni Tristan.



"Kelan pa sila umalis dito?" tanong ko sa katulong namin.



"Kaninang alas 5:00 po-- Ay! Sir may pinabibigay po si Mam Kristine sayo." tapos inabot nya sakin ang isang papel na nakatupi.


Kinuha ko iyon at binuklat.


Travis,

        Una sa lahat, salamat kasi hindi ko marerealize kung gaano kita kamahal. Na pati ang pagsasama natin ay sinakripisyo ko para sayo. Salamat kasi naging asawa kita, eventhough you didn't treat me like one. Salamat kasi binigyan mo ako ng napakagwapo, napakatalino at napakacute na anak. Salamat din kasi binigyan mo ako ng rason para mabuhay pa sa mundong ito. :) Pangalawa, sorry sa mga nasabi ko sayo kahapon. Alam ko may nabitawan akong masasakit na salita sayo. Sorry kung naging masama man akong asawa sayo. At Pangatlo, sana maging masaya kana gaya ng sinabi ko sayo. Malaya kana kaya pwede mo ng gawin kung anong gusto mo. Wag mo kaming alalahanin, we're in good hands. Nasa safe na lugar kami kung saan may taong nagmamahal sakin, samin ni Tristan. And lastly nga pala, nandyan na yung annulment papers,  matagal ko nang tinago yan. Ngayon ko lang pinalabas and kulang nalang pala ng pirma mo atsaka ka na tuluyang magiging malaya. Sana maging masaya ka din para samin ng anak mo. I guess hanggang dito nalang. I LOVE YOU TRAVIS. MAHAL NA MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NG ANAK MO.

Kristine ♥


Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko. Kung hindi sana ako naging GAGO.



Calling Mama..


"Hello?" basag ata ang boses ko



(Travis, ano bang nangyari?) huh?


"Anong ibig sabihin mo ma?"


(Anong nangyari sa inyo ni Kristine?)



"Nandyan po si Kristine ma?" parang nabuhayan ako ng loob.



(Oo nandito sya. Halatang malungkot. Bakit ano ba talagang nangyari sa inyo? Sabihin mo nga sakin Travis?)



"Teka lang ma papunta na ako dyan" ni-end ko na ang tawag



Kailangan kong puntahan si Kristine ngayon. I miss her so bad. Miss ko na silang mag-ina. Wala na akong pakialam kung late na ako sa office basta ang mahalaga makikita ko ang mag-ina ko.










------------------


waah! naiiyak ako dito habang nagta-type. Sareh maiksi lang ang update nato. Na occupied kasi isip ko eh. Ang daming nangyari na bigla-biglaan.






VOTE








COMMENT









BE A FAN

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon