Chapter Five

285 7 1
                                    

Kristine

"Baby, I'll pack you things na ha?"

"Why po mommy?"

"Ah.. we will go to grandmama's house baby." nakangiti kong sabi

"Really mommy? Yey! We're going to grandmama!" nagtalon-talon pa sya sa kama nya.

"I'm sure mommy, grandmama will be happy to see me. She will buy me new toys! We will play cars and many more! Yipee! We're going to grandmama!" ang saya-saya ni Tristan. Sabik na syang makita ang lola nya. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nakapunta dun. Last last month ata?

Ah nga pala, ang lola na tinutukoy ko ay ang mama ni Travis. Dun ako pumupunta kapag may problema kami or nag-aaway kami ni Travis.

Magulang ko? Patay na sila. Two years ago. May pumasok kasi sa bahay nila. Gabing-gabi nun tapos tulog silang dalawa. Narinig ni mama na may nabasag kaya bumangon sya upang tingnan kung ano nabasag. May nakita syang dalawang lalaking naka-bonnet tapos ayun sinaksak si mama. Si papa naman namatay sa sakit sa puso. Dahil sa sinapit ni mama. Kung pano ko nalaman? Sa  mga kapitbahay namin. Kaya ayun ako nalang mag-isa.

"Baby if we'll arrive dun don't be makulit ha? You behave okay?" paalala ko.

"Opo mommy." hinalikan nya ako sa pisnge.

***

*dingdong*

Nandito na kami kila mama.

"Kayo po pala Mam Kristine. Pasok po kayo." pinagbuksan kami ng katulong ni mama.

"Nandyan ba si mama?" tanong ko.

"Ay opo mam. Nandun po sa garden. Ako nalang po magdadala ng mga gamit nyo." tapos kinuha nya ang dala kong maleta at bag.

"Ah sige salamat."

"Where's grandmama mommy?" tanong ni Tristan habang hinahanap ang lola nya.

"Nandun sa garden baby. Tara puntahan natin." at naglakad na kami patungong garden.

***

"Grandmama!" tumakbo si Tristan kay mama tapos niyakap nya ito at pinuno ng halik.

"Oh my cutie patootie! Namiss ka ni grandmama." niyakap din pabalik ni mama si Tristan.

Napatingin si mama sa direksyon ko.

"Kristine anak." lumapit sya sakin at niyakap ako.

Naiiyak na ako.

"Buti naman napadalaw kayo dito. Akala ko kinalimutan nyo na ako." bungad ni mama

"Hindi naman sa ganun ma. Busy lang talaga kami kaya minsan nalang kami makapunta dito." pagpapaliwanag ko naman.

"Si Travis?"

Natigilan ako.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"May problema ba kayo Kristine?" sa tono ng pananalita nya mukhang seryoso ata si mama.

Ganyan talaga si mama eh. Alam kung may problema ako o wala.

"Kasi po..." nakayuko ako

"Nag-away kami ni Travis.."

"Yun lang naman pala eh. Bakit ano--" hindi ko pinatapos si mama

"Nagfile na po ako ng divorce." nag-cross fingers ako.

'Sana hindi magalit si mama.' patuloy kong sinasabi yan sa isip ko habang kinakagay ko yung lower lip ko.

Inangat nya ang baba ko tapos tinapik ako sa pisnge.

"Alam mo anak, hindi madali ang makipaghiwalay. Kung mahal mo talaga ang isang tao, nandyan ka lang palagi sa tabi nya. Kahit na may ginagawa syang makakasama sa damdamin mo but still, nandyan ka pa din para sa kanya." nakangiti nitong sabi

"Pero mama, mahirap ma eh. Oo mahal ko sya. Pero sobra na ata ang ginagawa nya ma na sa puntong pati anak namin pinagtataniman nya ng galit. Na, sana nalang daw hindi nya naging anak si Tristan, na sana hindi nalang daw kami nagpakasal. Hindi naman ako papayag dun. Isang batang walang kamuwang-muwang ay nasangkot na sa gulo." wala na, tumulo na talaga luha ko.

"Naiintindihan kita Kristine. Pero sana inisip mo din ang kapakanan ni Tristan. Pano pag lumaki na sya. Maghahanap sya ng ama. Tapos anong sasabihin mo? Mahirap maging single parent Kristine. Napagdaanan ko na yan."

"Pero huli na ang lahat mama. Nakapag file na ako ng divorce papers at alam kong...... pinirmahan na nya yun." pinunasan ko ang luha ko.

"Hindi pa huli ang lahat Kristine." tinapik nya ang balikat ko at pumunta na kay Tristan na nilalaro ng mga katulong nya.

Haay sana hindi pa huli ang lahat.

'Sana magbago pa ang isip mo Travis. Kasi ako, gusto ko ng masayang pamilya tulad ng inaasam ni Tristan. Kahit yun lang ang maibigay mo sa kanya. Di bale na ang sakin, alam ko namang hindi mo talaga ako mahal eh. Napilitan ka lang pakasalan ako kasi.. para sa mama mo, sa kompanya nyo. Pero sana. Sana mahalin mo din ako. Kahit konti lang. Or kahit kaibigan lang ang ituring mo sakin.' yan ang gusto kong sabihin sa kanya.

Tumulo na naman ang mga traydor kong luha.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon