Chapter Two

336 6 2
                                    

Kristine

Nasa office ako ngayon. Nagtatrabaho, nakakastress kasi these past few days. Ang daming pinapagawa sakin. Hindi ko naman kayang tanggihan.

"Uy Tin. Break time na. Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Aira  ka-officemate ko

"Mamaya na Ai. Kelangan kasing tapusin ko to eh." -ako

"Hmm sige. Alis na ako. Babush!" tapos nag flip pa sya ng hair nya. Ang bagets talaga neto!

Haay. Nakakapagod ang sakit na ng kamay at likod ko.

Maya-maya may biglang nagmasahe ng likod ko.

"Stop it Jay." sabay alis ko sa likod ni Jay

"Hahah you really know me huh?" nakangiti nyang sabi

"Ikaw lng naman ang nagmamasahe ng likod ko eh." -ako

"Yeah, yeah. By the way, pwede ba tayong umalis? Tayong dalawa lang. Alam mo na---" i cut him

"Jay, alam mo namang hindi na pwede diba? May asawa't anak na ako." pagpapaliwanag ko

"Haha I was just kidding. Alam ko namang hindi na talaga pwede eh. Tinry ko lang kung kakagat ka sa charms ko." sabay kurot ng ilong ko.

Siya si Jay. Ang suitor ko, pero ilang beses ko na syang binasted at hindi padin sya tumitigil sa pangungulit sakin. Lagi nga syang nakabuntot sakin eh. Parang aso lang. Mabait yan, caring, at syempre gwapo. Naiisip ko nga bakit hindi pa nagkakagirlfriend yan. Eh ang dami namang nagkakagusto sa kanya.

"Wag ka nga! Busy pa ako. Alis ka muna. Shoo!" taboy ko sa kanya

"Ouch. Tinataboy mo na ako ngayon ah." sabi nya habang hawak ang dibdib nya ay nakapikit pa sya.

"Hahha ang OA mo! Para kang bading!" totoo yung sinabi ko. Para nga syang bading. Hahha!

"Ah ganun?" tapos dahan dahan inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko

Naiilang ako!

"Uh J-jay anong g-ginagawa mo?" tanong ko habang iniiwas ang mukha ko

Mas lalo pa nyang nilapit ang mukha nya sakin.

"J-jay hindi magandang biro yan." napapikit nalang ako kasi ang lapit na ng mukha nya sakin

1minute...

3 minutes....

5 minutes.....

Wala pa din?

Kaya dumilat ako. And there I saw  him, nagpipigil ng tawa

"Pfft! Hahahahhahahahah! " ayan na nga bang sinasabi ko. Walang tigil yan sa pagtawa

"Kainis ka Jay!" hinampas ko sya

"Hahhahaha--- Ouch! Aray! Kristine tama na! Ouch!" sinangga nya ang braso nya sa dibdib nya

"Kainis ka alam mo ba yun?!" patuloy ko padin syang hinahampas

"Hahhaha!! Ouch! Bakit? Na-disappoint ka kasi--ouch! Hindi ko natuloy yung kiss? Hahahha!-- Aray!" bwiset! kainis ka!

"Bakit naman ako madi-disappoint aber?!" nanlilisik ng ang mata ko.

"Hahaha kasi hindi ko natuloy yung kiss. Pumikit ka pa nga eh." namumula na sya sa kakatawa

"Pumikit ako kasi.. kasi.. Ah basta!" pagwalang bahala ko

"Pumikit ka kasi gusto mong mahalikan?" nakangisi sya ng nakakaloko

"Anong gustong mahalikan?! Hindi ko gustong mahalikan no?! Pwera lang kay Travis." napatigil sya.

Alam kong nanigas sya sa sinabi ko

"Sorry, hindi ko--"

"Sus! Alam ko naman yun eh. Gusto mong si Travis lang ang humalik sayo. At si Tristan nadin." sabi nya

I really feel sorry about him. Kasi hindi ko magawang suklian ang pagmamahal nya sakin. Kahit na pinagtabuyan at binasted ko sya ng maraming beses. But still, andyan pa din sya para sakin, samin ni Tristan.

"Oh ba't natahimik ka dyan Kristine? Siguro iniisip mo ako no?" biro nya

"Oo. Iniisip ko kung papano kita papatayin." sagot ko din ng pabiro

"Hahaha ayos ka din ah! Bumabanat ka na kahit brutal ang mga banat mo." sabi nya

"Heh!" yan lang ang nasabi ko

"Uy pano una na ako ah. May aasikasuhin pa kasi ako eh. Mamaya nalang." tapos kiniss nya ako sa forehead ko.

Oo, ganyan talaga sya. Hilig manghalik. Wala namang malisya sakin yung halik na yun eh. Hanggang magkaibigan lang talaga kami. At sanay na ako dyan.

***

Mabilis kong naipark ang kotse ko sa parking lot ng school nina Tristan.

"Mommy!" sigaw ng anak ko na tumatakbo papunta sakin.

Niyakap nya ako sa bewang ko, "Mommy! You're here na. I wanna go home na po." naka smile nyang sabi

"Oww. Ang saya ng baby ko ah." sabay halik ko sa pisnge nya

"Yes mommy! I have something for you." tapos may kinuha sya sa bag nya. Isang papel, binigay nya to sakin at tiningnan ko to.

"Wow! Perfect ka baby. Ang galing mo talaga! You're the best baby in the whole world." tapos pinaliguan ko sya ng maraming halik.

"Hihihi.. Mommy stop. hihiihi. It tickles." sabi nya habang patuloy pa din sa paghagikhik

"Hmmmm. Mwah!" yinakap ko so Tristan at hinalikan.

Ang saya ko kaya! Na perfect yung anak ko sa test nila. At nakakuha sya ng tatlong malalaking stars.

"And because of that. We will celebrate." binuhat ko na sya at pinasok sa kotse.

"Yippeee! Really mommy? We will celebrate?" nanlaki ang mata nya. How I love my son.

"Yes baby." hinaplos ko pisnge nya

"Can we celebrate it with daddy, mom?" nakapout ang anak ko. Aww ang cute.

"Sure baby. Why not?" nag-aalinlangan akong sumagot

"Waaah! Thank you mommy!" tapos niyakap nya ako at pinuno ng halik

***

Pagkadating agad namin sa bahay kumaripas ng takbo si Tristan papunta sa kwarto namin ni Travis. Excited kasi syang ipakita sa daddy nya ang tatlong stars na nakuha nya.

Sinundan ko ang anak ko. Tapos ayun nakayakap sa daddy nya na wala man lang pakialam. =_=

"Daddy! Look oh! Na perfect ako po!" sabi nya na nakangiti. Hindi mn lang tiningnan ng magaling nyang ang ama ang papel nya. Tss! Napakabuti talaga no?!

"Edi mabuti." plain nyang sagot. Wala man lang pakialam. Siguro yung ibang mga tatay dyan tuwang tuwa na kasi naperfect anak nya, pero ibahin mo sya!

"Travis, pansinin mo naman yung anak mo. Minsan lang yan maglambing sayo eh." pagrereklamo ko

"Anong gusto mong gawin ko?!" tumataas ang boses nya. Napakapikonin mo talaga

"Wag mo namang itaas yang boses mo sa harap ng anak natin." mahinahon kong pagpapaalala

"Tss!" sabi nya sabay labas ng kwarto

"Mommy, why is daddy like that?" nakapout ang anak ko. Halatang naiiyak na

"No baby. Dont say those things like that to your dad. Maybe he's just so busy sa work nya. And maybe he's tired ok?" paliwanag ko

"Yes mommy." nakapout parin ang anak ko.

"Go to your room na. Pabihis ka na kay yaya ah." sabi ko tapos niyakap at hinalikan ko sya sa pisnge.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon