(sana po magustuhan nyo itong next update ko po )
-mark's pov-
Kumain na kame ni george. Mag si 6 pm na pero ang lakas parin ng ulan sa labas.
"a-ano to?" hindi ko napansing nasa cabinet na ng alcohol si george..
"wag mong hawakan yan. Malakas tama nyan hoy!" tapos bigl nyan binuksan yung bottle ng tequila
"ang kulit" tapos kinuha ko yung bote sa kanya..
"sige na please , may problema ako kaylangan ko munang makalimot" puppy eyes.. aaaahhhh hindi ko sya matanggihan. (_ _)7
"konti lang promise.." tapos tinaas nya yung kamay nya.. yung parang nanunumpa.
"sige pero konti lang ah.. bakit kase meron pang ganito dito ei.. hindi nga ako umiinom tapos ikaw iinom." tapos kumuha ako ng baso..
Hindi pa ko nalalasing sa tana ng buhay ko..
"george ito na yung ba.. so.." O.O"
Makita nyo ba naman na tinungga nya yung bote at makakalahati na nya yung bote.
" aaaahh! ang pait " ayan.. kulit kase hindi naman sya umiinom ei.
"hindi ka ba makapag hintay ng baso?" nakatingin lang sya ng diretcho sa mata ko. Nakakailang naman
"inom ka din." tapos inqbot nya sakin yung bote
Sasalin ko na sana yung alak sa baso para mainom.ko kaso..
"eeeiii. nu ba yan, tunggain mo din parekoy" huh? naniniwala ako sa indirect kiss ..
" sige na nga." tapos ininom ko ng diretcho..
Uubusin ko na to baka malasing pa lalo si parekoy..
Pait pweh..
aaaahh, masarap pala pag tumatagal..
Wala na yung pait. Sumasarap sya habang tumatagal..
Ubos...
pagtingin ko ulit lay george may bago na syang boteng hawak.
"t-tama na .. *hik* malakas tama nitong alak.. U-uuwi ka pa." aaaahhh dalawa na yung paningin ko.
"inom ka pa.." tapos nakangiti sya sakin..
"matatanggihan ba kita?" tapos nilapit nya yung upuan nya sakin bale magkatabi na kame. Nahihilo na rin ata sya kaya sumandal sya sa balikat ko tapos yumakap sya sakin.
"alam mo ba kung anong sinabi sakin ni Alex nung sinabi ko sa kanya kung ano yung pangarap ko sa buhay?" yun ba yung happy ending..
"tinawanan nya ko..*sob* masama bang mangarap na may happy ending ang buhay ko?" umiiyak.na sya.. ay hindi humahagulgol pala.. Sira ulo ka talaga Alex
"du-dun na tayo sa kwarto magpahinga ka na muna. Itetext ko nalang si tita na dito ka muna matutulog"
"s-sige" grabe nahihilo padin ako..
*bogs*
Ayun tuluyan na kaming natumba sa sahig.
Napadapa sya sakin. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko
Naiinitan ako. Parang gusto kong halikan si george ..
Napapikit nalang ako at..
Hinalikan nya ko. Nakayakap ako sa hips nya at sya naman sa batok ko.
Long deep passionate kiss ang binigay ko sa kanya.
"Alex" she said between our kisses . Bakas sa boses nya na nasasaktan sya.