CHAPTER II
"MISTER, anong sira ng sasakyan nung kaibigan mo?" mayamaya'y tanong ng dalaga sa driver.
"Ha? Ah, 'yong makina, bumigay na. Nadali kasi iyon noong nakaraang bumaha sa lugar namin. Naremedyuhan lang kaya nagamit pa, ang kaso mukhang natuluyan na."
"Ah, matagal na kayong magkaibigan?"
"Naman, magkababata kami non. Halos sabay na kaming lumaki ni Martin."
Martin, ang gandang pangalan, bagay na bagay sa kaniya. Martin pala ang pangalan niya ha. Para lang siyang tanga 'di ba? Kinakausap ang sarili Pero siyempre sa isip niya lang iyon.
"Paniguradong hindi na naman makakapag-enroll ang taong 'yon."
"Ha? Bakit?"
"Wala naman kasi siyang ibang mapagkukuhanan o mahihiraman para makabili ng kahit na second hand na makina lang, maliban sa ipon niya na pang-enroll niya sana sa kolehiyo."
Akalain mo iyon? May pangarap pala siyang makapag-aral pa. Lalo tuloy siyang humanga rito.
Eh? Humanga?
Napadaan ang taxi na kaniyang sinasakyan sa isang lugar na puro may mga stall ng cellphone, pawnshop at kung anu-ano pa. Nang biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Tama!
"Mister, ihinto mo!" bigla niyang sigaw sa driver na puno ng excitement sa boses.
Sa labis naman na pagkagulat ay natapakang bigla ng lalaki ang preno dahilan upang sumubsob ang kanilang mukha sa harapan. Ngunit himbis na magalit ay nakangiting nag-peace sign siya sa lalaki, dahil alam naman niyang siya ang may kasalanan.
"Bakit?" puno ng pagtatakang lumingon ang lalaki sa dalaga.
"Ahm, kasi... may alam ka bang pwedeng pagsanlaan nito?" Inilabas niya ang Iphone 6 at ipinakita sa lalaki.
"Original ba 'yan?"
"Ofcourse! Sa Germany pa namin 'to binili, no."
"Wow, rich kid!"
"Ha? Hi-hindi ah, I mean sa Germany pa binili ng Ninong ko 'to, regalo niya sa akin noong umuwi siya."
"Ah, okay. Hindi mo maisasanla ng mahal 'yan, pero kung ibebenta mo mas malaki ang makukuha mo."
"Ganoon? Pero subukan muna natin."
"Sige, tara!"
Bumaba sila sa taxi nang maiparada iyon nang maayos.
"Tara, doon tayo. Kakilala ko ang may-ari no'n." Hinatak nito ang dalaga sa kamay at tinungo ang isang stall.
"O, Marlon, anong atin?" tanong ng babaeng bantay sa shop na kanilang nilapitan.
"Gusto kasing isanla nitong kaibigan ko iyong cellphone niya," walang paligoy-ligoy na sagot ni Marlon.
"Anong cellphone ba 'yan?"
Iniabot ng dalaga ang tawagan. "Good as new pa 'yan, original. Walang kahit na katiting na gasgas."
Sinipat-sipat iyon ng babae, "Ten Thousand."
"Ha? Ang baba naman?"
"Oo nga naman, babe, baka pwedeng taasan?" singit ni Marlon. Halatang inuuto ang babae.
"Kapag sanla, mababa talaga. Pero sige dahil kaibigan ka ni Marlon, gagawin ko ng fifteen."
Napanguso siya sa isiping almost sixty thousand ang bili niya sa cellphone na 'yon, tapos hindi man lang aabot ng kalahati sa tunay na halaga.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)
RomanceDalawang nilalang na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Kapwa estranghero sa isa't isa, ngunit hindi maitatatwang may ibang kakaibang damdamin ang lumukob sa kanila. Paglalayuin ng tadhana... At muling magkikita. Ngunit huli na nga ba? Si M...