Author's Note: Sorry, super busy dahil sa Ramadan at may manus akong in-edit kaya hindi ko mai-post agad ang mga next chapter. Remind ko lang po na unedited ang mga ito kaya sa mga aware sa error and technicalities, pansensiya na muna wala pa lang talagang time mag-edit. Thank you for reading.
PS. Don't forget to vote, at kung hindi naman po kalabisan baka pwedeng mag-iwan kayo ng comment, bad or good tatanggapin ko po. Maraming salamat pong muli ^_^
CHAPTER III
KUNOT ang noong tinitigan ni Martin ang bagay na nahagip niya sa sahig ng banyo pagkapasok niya roon. Nagtatagis ang mga bagang na hinawakan iyon sa bahagi ng plastic na ipinambalot doon at nanggigigil na lumabas.
"Magan---"
"Anong sinabi ko sa 'yo? Sinabi ko sa 'yong ayaw ko sa taong burara hindi ba?! Ano 'to?!" halos ingudngod ng binata ang gamit na napkin sa mukha ng dalaga, bagamat nakabalot naman iyon ay hindi pa rin niya maiwasang manggalaiti, dahil para sa kaniya, pagiging burara ang hindi agad pagtapon niyon.
"O my! Mart, I'm sorry. Nakalimutan ko lang balikan dahil may kumakatok kanina. Sorry, hindi na mauulit." Hinablot niya iyon at mabilis na tinalikuran ang binata upang itago ang pagkapahiya.
Napabuntong-hininga na lamang si Martin habang nakasunod ang paningin sa dalagang patungo sa kusina. Masiyado yata siyang naging oa, kung tutuusin isang linggo na niya itong kasama sa bahay, pero ngayon lang naman ito nakaiwan ng ganoon.
"Sorry rin, pero sana 'wag ng mauulit, ha? Ang lansa kaya," nakangisi niyang wika nang sundan niya ang dalaga sa kusina.
Napayuko naman si Lucy dahil dama niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi dahil sa pagkapahiya.
"Hindi na mauulit, promise. Kumain ka na, baka tanghaliin ka pa."
"Ikaw? H'wag mong sabihing tapos ka na?" aniya nang makitang papunta ito sa silid na tinutulugan nito.
"Mamaya na lang ako."
"Nagtatampo? Sorry na nga sa pagsigaw ko. Umupo ka na rito, sabayan mo ako, kung hindi, hindi na ako kakain."
"O-okay..." agad na tumalima ang dalaga. Naupo sa harapang upuan ng binata at nagsalin ng pagkain sa pinggan.
"May sasabihin ka?" biglang tanong ng binata nang mapansin niyang panay ang sulyap ng dalaga at tila nag-aatubili.
"Ha? Ahmm..."
"Ano?"
"Ah... eh... kasi... pwede mo ba akong bilhan ng isang balot na napkin?" nahihiyang wika ni Lucy.
Hindi umimik ang binata, tinapos lang nito ang kinakain at tumayo na.
"Iyong modess without wings, ha?"
"Okay," sagot niya bago binuksan ang pinto ng taxi at pinasibad na iyon.
Nangingiting binalikan ng dalaga ang kanilang pinagkainan upang iligpit ang mga iyon. Nang makatapos ay hinarap naman niya ang paglilinis ng buong bahay.
Lumipas ang isa't kalahating oras, natapos na niya ang gawaing bahay kaya naman prente na siyang naupo sa bamboo chair sa sala at binuksan ang telebisyon. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya dahil hindi naman siya sanay sa gawaing bahay. Nahihiya lang siya sa kasamang binata dahil dinaig pa siya nito sa kalinisan. Well, hindi naman siya burarang babae. Sadyang oa lang ang binata.
Nasa kasarapan siya ng panonood nang mapapitlag siya sa pagtunog ng lumang modelo ng cellphone. Hininaan niya ang t.v bago iyon sinagot.
"Anong gusto mong kainin?"
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)
RomanceDalawang nilalang na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Kapwa estranghero sa isa't isa, ngunit hindi maitatatwang may ibang kakaibang damdamin ang lumukob sa kanila. Paglalayuin ng tadhana... At muling magkikita. Ngunit huli na nga ba? Si M...