FINALE
PAROO'T PARITO sa paglalakad si Lucy. Tuliro ang isip at hindi mapakali. Limang oras na buhat ng makausap niya si Martin. Ang sabi nito ay pauwi na ito at maaaring isa o dalawang oras ay naroon na ito. Ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa rin ito.
Sa sobrang pag-aalala niya ay tinawagan na niya ang sekretarya nito upang ipa-locate ang gps nito. At ayon rito ay nasa dulong bahagi ito ng Batangas at hindi kumikilos. Ibig sabihin nasa iisang lugar lang ang taxi nito.
"Nasaan ka na ba?" usal niya. Badha ng pag-aalala ang magandang mukha. Nilingon niya ang anak na nakatulog na sa paghihintay. Papadilim na rin sa labas at anomang oras ay tuluyan ng kakalat ang dilim.
"Jasson…" Sa sobrang pag-aalala niya ay tinawagan na niya ito.
"May problema ba?" tanong ng binata nang mabakasan sa kaniyang tinig ang pagkabalisa.
"Jasson, si Martin kasi. Hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi."
"Tumawag sa akin ang secretary niya, nagbigay ng signal si Martin. Don't worry, I'm on my way to Manila. Ipinasundo ko na rin si Norman sa mga tauhan ko."
"What do you mean?"
"Just calm down, okay? Nothing's gonna happen to him."
"Hindi ko maintindihan, may nangyari ba kay Martin?"
Tanging buntong-hininga lamang ang narinig ni Lucy buhat sa kausap.
"Jasson…"
"He will be fine. I will call you later." Iyon lang at ibinaba na ng binata ang linya.
Tila naman nauupos na kandila, nanghihinang napaupo ang dalaga sa gilid ng kama. Nanginginig ang mga kalamnan. Nangangatal ang mga kamay na naitakip sa kaniyang bibig upang pigilan ang impit na pag-iyak. Ayaw niyang magising ang anak at makita siyang umiiyak. Batid niyang mag-uusisa ito.
******
May alitan man silang magkapatid ng dahil kay Lucy, hindi naman niya ito magagawang pabayaan. Kapatid niya ito at kadugo. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Pero ang signal na ipinadala nito gamit ang gps ay nangangahulugang nasa panganib ito.
Nasapo niya ang batok. Pakiramdam niya ay umakyat ang kaniyang dugo kaya ngayon iyon ay nangingirot. Nagkasabay-sabay ang mga pangyayaring ganito. Dahil bago pa man siya makatanggap ng tawag buhat sa opisina ni Martin ay nakatanggap na siya ng tawag kay Atty. Samson, na kasalukuyang nakikipaghabulan sa kidnapper ni Princess. Sa kasamaang palad, nahulog sa bangin ang sinasakyan ng kapatid na babae, at wala roon ang lalaking nagtakas dito.
Agad niyang ipinasundo ang kapatid na si Norman dahil ito ang mas malapit. Nasa Bohol lamang ito, samantalang siya ay manggagaling pa ng Africa.
Lumapag ang private plane na kinalululanan niya sa pribadong paliparan. Mabilis namang sumalubong sa kaniya ang mga tauhan, kasama si Norman.
"Kumusta si Princess?"
"Still unconscious."
"How about Martin?"
Hindi ito sumagot sa halip ay humakbang papalayo at tinungo ang isang sasakyan. Sinundan ni Jasson ang kapatid at lumantad sa kaniyang paningin ang isang binatang duguan at walang malay.
"Nasaan si Martin?"
"Tsss… umuwi na. Dalhin daw sa ospital iyan at siguraduhin ang seguridad."
"Akala ko ba na-kidnap siya?"
"Ayaw magkwento ni kuya. Pero may sinabi siya."
Kunot ang noo at nagtatanong ang mga matang ipinukol ni Jasson sa ikaapat na kapatid, minsan gusto niya itong batukan dahil sa pambibitin nito sa sasabihin.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)
RomanceDalawang nilalang na pinagtagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Kapwa estranghero sa isa't isa, ngunit hindi maitatatwang may ibang kakaibang damdamin ang lumukob sa kanila. Paglalayuin ng tadhana... At muling magkikita. Ngunit huli na nga ba? Si M...