MISTER TAXI DRIVER (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)

135 13 0
                                    

CHAPTER IVX

"Mom, why daddy took so long?" reklamo ni Martina. Plano nilang tatlo ang mag-out of town at ngayon ang alis nila, pero sisikat pa lang ang araw kaninang umaga ay tumatawag na ang sekretarya nito dahil may isang kliyente ang nais magpahatid sa Batangas at  si Martin ang nais na maging driver.

"Malayo ang panggagalingan ng daddy mo, Martina. Teka, mabuti pa ay tawagan natin siya." Kinuha ni Lucy ang tawagan na nakapatong sa center table saka nito ini-dial ang numero ng nobyo.

"Sweetie pie…"

"Honey pie, nasaan ka na? Si Martina kasi naiinip na."

"Daddy, hurry up! I missed you!"

Napangiti si Martin dahil sa sinabing iyon ng anak. Akala niya ay wala nang mas masarap sa pakiramdam bukod sa makasama mo ang taong minamahal. Iba pa rin pala iyong may mga taong naghihintay sa pag-uwi mo maliban sa mga magulang mo. Sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap sa buhay, lahat ng iyon ay pinawi sa isang iglap. Napawi ang mga sakit at natumbasan ng isang laksang ligaya, dahil sa muling pagdating ni Lucy kasama ang anak nila.

"I will be there in two hours, honeybunch."

"Okay, Dad! Drive safely!"

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ha? Hihintayin ka namin," bilin ni Lucy.

"Dadating ako dahil magpapakasal pa tayo."

Kagat ang pang-ibabang labi at pilit pinipigilan ang pag-alpas ng kilig na nadarama ni Lucy. Humakbang ito at bahagyang lumayo sa kama ng anak.

"Is that a proposal? Over the phone?" anang dalaga.

"Hmmm…" animo nag-iisip at biglang humalakhak si Martin. Nakikinita kasi nito ang pagtaas ng isang kilay ng dalaga na kunwa'y nagagalit.

"I'll be there in an hour or two, okay. I love you, sweetiepie." Hindi na niya hinintay pa ang isasagot ni Lucy, agad niyang pinutol ang tawag upang makapagmaneho ng maayos.

"I love you too, honeypie," nakangiting usal ng dalaga habang nakangiting pinagmasdan ang hawak na telepono.

Magaan ang pakiramdam na minaneho ni Martin ang taxi. Swabe at maingat ngunit may kabilisan sapagkat nasa liblib naman siyang lugar at walang masiyadong sasakyan.

Ngunit mabilis na nagmaniobra ang binata nang may mapansin siyang tumatakbo papalabas sa kakahuyan at patungo sa highway na kaniyang tinatahak.

Isang lalaking may kalakihan ngunit duguan ang katawan ang pumapara sa kaniya. Wala sana siyang balak na hintuan ito, ngunit iniharang ng lalaki ang sarili sa kaniyang daraanan dahilan para mapilitan siyang ihinto ang sasakyan upang hindi ito masagasaan.

Sunod-sunod na katok sa bintana ng taxi ang ginawa ng estranghero, habang ang isang kamay ay sapo-sapo ang balikat na duguan.

"Buksan mo ang pinto!" Iyon ang nababasa ni Martin sa bawat buka ng bibig nito habang tinutuktok ang salamin.

Pinagmasdan niya ang lalaki at gayon na lamang ang kakaibang kaboh sa kaniyang dibdib ng makita ang abuhin nitong mga mata. Kusang kumilos ang kamay niya at pinindot ang lock button.

"P-paandarin mo na, bilis!" bulyaw ng lalaki matapos nitong makaupos sa tabi niya.

"Saan ba tayo, Sir?" Walang takot o kabang tanong niya.

"Kahit saan, basta ilayo mo ako sa lugar na ito!"

Agad na sumunod si Martin at pinasibad nga ang sasakyan. Hindi pa man sila gaanong nakakalayo ay nasilip na ng binata mula sa side mirror ang ilang kalalakihang may nagtataasang armas na tangan-tangan.

SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon