MISTER TAXI DRIVER (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)

116 12 0
                                    

CHAPTER XI

PASIPOL-SIPOL na bumaba sa kusina si Martin. Araw niya ngayon at nagpasabi na ang mga kapatid niyang darating ang mga ito. Kaya naman hindi siya pumasok at maagang gumising upang makapag-ayos.

Katulong ang ilang kaibigang taxi driver ay natapos nilang lutuin ang mga putaheng ihahanda ng binata. Sumapit ang ala-sais at unti-unti nang nagsidatingan ang iba pang mga taxi driver na kinumbida niya. Hindi rin nagtagal at dumating na rin sina Norman at Anastacia.

"Happy birthday, Kuya!" bati ni Anastacia na yumakap at humalik sa kaniya.

"Happy birthday, Kuya," ani Norman na tinapik-tapik naman ang kaniyang balikat.

"Salamat, pumasok na kayo sa loob. Nandoon na ang tropa."

"Mukhang inuman na naman ito, ah?"

"Alam mo 'yan. Tradisyon na naming mga drayber, iyan," natatawang wika ni Martin.

"Si Kuya Jasson ay parating na rin daw," ani Anastacia matapos ibaba ang tawagan.

Nakaramdam ng excitement si Martin nang malamang darating ang nakatatandang kapatid. Itanggi man niya, ngunit hindi niya mapapasubaliang umaasam siyang darating ito kasama si Lucy.

"Mister!"

Natigilan siya sa tangkang pagpasok sa bahay nang marinig ang matinis na boses na iyon. Mabilis siyang napalingon at napangiti pagkakita kay Martina.

"Happy birthday, Mister!" bulalas ng paslit habang patakbong lumapit sa kaniya. Habol ang hiningang yumakap ito sa kaniyang batok matapos niyang umupo upang pumantay rito. Kasunod ng yakap ng bata ay isang mainit na halik sa pisngi ang regalo nito sa kaniya.

"You surprised me," naiwika ni Martin at kinarga ito.

"Nalaman niyang kaarawan mo at nagpumilit na sumama," ani Jasson na papalapit na rin sa kanila, kaagapay ang nobya.

"Thank you for coming, little miss. You made my birthday complete," nakangiti niyang wika kay Martina saka marahang pinisil ang ilong nito.

"Your welcome, mister!"

"Happy birthday, bro!" bati ni Jasson nang tuluyan itong nakalapit, at yumakap sa kaniya.

"Salamat, kuya."

"Happy birthday, Martin," bati rin ni Lucy.

"Thank you for coming," hindi maitago ang sayang tugon ng binata.

"Welcome, para nga pala sa'yo." Inabot ng dalaga ang isang kahon na nababalutan ng gold wrapper.

"Nag-abala ka pa. Anyway, salamat. Tara pasok kayo sa loob."

"Martina, bumaba ka na. Baka nabibigatan na ang kuya Martin mo," saway ni Lucy sa paslit.

"No, it's okay. In fact, I missed this kid."

"Really, mister? Did you really missed me?"

"Yes. How about you? Did you missed me?"

"Yes!"

Hindi nagdalawang isip na makihalubilo ang magkakapatid sa mga driver na bisita rin. Trinatong hindi iba at nakipagsabayan pa sa inuman.

Panaka-nakang sinusulyapan ni Martin si Lucy at may pagkakataong nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya. Si Martina naman ay hindi na humiwalay at palaging nakabuntot sa kaniya.

"What is that smell?" mayamaya'y tanong ng paslit.

"I cooked spaghetti for you."

Ngunit lumukot ang magandang mukha ng bata at napadila.

SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon