MISTER TAXI DRIVER (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)

140 14 0
                                    

CHAPTER  IV

"Hays, sinabi na kasing h'wag uminom ng marami!" palatak ni Martin habang nakapamaywang ang mga kamay na nakamasid kay Lucy na nakaupo sa sofa at naghihilik.

Nakaalis na ang mga bisita niya at sila na lamang dalawa ang naroon. Iiling-iling na inihiga niya ito roon at sandaling iniwan upang linisin ang ilang kalat.

Nang matapos ay muli niyang binalikan ang dalaga. Itinayo niya ito upang alalayan at dalhin sa kwarto.

"H-hap--py birthda---y too you. Ha--ppy bi-rthday too you," anang kumakantang si Lucy. Nag-angat ito ng ulo at namumungay ang mga matang tiningnan ang binata.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ng dalaga.

"Oo."

"A-ako rin." Huminto si Lucy sa paglalakad, binawi ang brasong nasa batok ng binata at tumayo sa harap nito.

"Ang sarap n'yong kasama. I never felt this kind of happiness. Nasanay kasi ako na pinalilibutan ako ng mga mapagkunwaring tao," nakangiti ngunit seryosong saad ng dalaga, sa kabila ng pamumungay ng mga mata.

Nanatiling nakatitig lamang dito si Martin, nakaalalay dahil panaka-nakang nawawala ang balanse ng kaharap sa kinatatayuan nito.

"At ang sarap mong kasama. Hmmm… komportable akong kasama ka. Pakiramdam ko walang panganib sa paligid ko dahil nand'yan ka."

Nanigas sa kinatatayuan ang binata nang lumapit pa sa kaniya si Lucy. Bahagya pa itong gumewang, ngunit tila hindi iyon alintana ng dalaga. Umangat ang kanang kamay nito at banayad na humaplos sa kaniyang pisngi.

Samantalang siya ay tila tinulos sa kaniyang tinatapakan. Masiyado nang malapit ang mukha ng babae sa kaniya, kaya naman nalalanghap na niya ang pinaghalong amoy ng natural nitong hininga at ang aroma ng alak na ininom nito. Na nakapagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na noon lang niya naramdaman.

Nararamdaman na rin niya ang init ng singaw ng katawan nito sa kaniyang balat. Sunod-sunod pa siyang napapalunok nang unti-unting tumingkayad ang dalaga upang abutin siya.

Ngunit gayon na lang ang pagsinghap niya nang biglang lumungayngay ang ulo ni Lucy at mapasubsob sa kaniya.

Naipikit niya ang mga mata kasabay ng pagbuga ng hangin habang yakap ang walang malay na dalaga. Minabuti na lamang niyang pangkuin ito at ihiga sa higaan.

Pero nang mailapat niya ang katawan nito sa kama, ay siya namang muli nitong pagmulat. Malamlam ang mga matang nakatitig na ito sa kaniya habang ang mga kamay ay nakakawit sa kaniyang batok.

"Marami kang n-nainom kaya magpahinga ka na," nauutal niyang usal. Tipid na ngumiti lang si Lucy.

"Lucy…" usal ni Martin sa pangalan ng dalaga nang hapitin nito papalapit dito ang kaniyang ulo. Hanggang sa tuluyang magsanib ang kanilang mga labi.

Namimigat ang mga mata ni Lucy, ngunit pilit niya iyong idinilat dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali, dahil ang magandang mga mata ni Martin ang bumungad sa kaniya.

Nanigas siya nang mapagtantong katabi niya ito sa higaan. At nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang sarili at makitang walang saplot ang kaniyang katawan na nasa ilalim ng kumot. Agad siyang napabaling sa katabi at nahinuha rin niya, base sa ayos nito ay nakahubad din ito.

"My God!" bulalas niya at naihilamos niya ang mga palad sa namumula niyang mukha matapos maalala ang naganap.

"Martin…" kapagdakay anas ni Lucy nang hawakan ng binata ang kaniyang kamay at alisin iyon sa pagkakatakip sa kaniyang mukha.

SECRET LOVE SONG (The Luther's Empire Book II: Martin Luther)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon