CHAPTER ONE

5.8K 109 6
                                    

Matutupad na din sa wakas ang pangarap kong makarating ng maynila, laking pasasalamat ko kundi dahil sa kaibigan kong si ikka na kasalukuyang nagtratrabaho dun bilang katulong sa isang mayamang pamilya ay hindi mangyayari ang pangarap ko, este naming tatlo palang kaibigan nya na natitira dito sa barangay namin, makakasama ko din ang dalawa ko pang matalik na kaibigan na si kikay at si esmeraldo a.k.a britney, ang bakla naming kaibigan na saksakan ng arte, kuwelang kasama at siyempre pa fan na fan ng idol nyang si briney spears kaya naman pati siya feelingera lang ang peg palagi, mala-pop star ang kaniyang dating..

si kikay ang makakasama namin ni ikka na magtatrabaho sa pinapasukan nito at si britney naman ay doon sa kaibigan nito'ng bakla din na nagtratrabaho sa isang gay bar sa maynila, ipapasok sya ng kaibigan nito bilang performer doon, aba ang lokang baklang kaibigan ko abot langit ang ngiti nang malamang ganon ang magiging trabaho nya,, kaya naman kaming lahat na magkakaibigan e ebribadi hapi,, pwera lang sa nanay ko ngayon na daig pa ang mga batikang aktres na kung makaiyak ay parang katapusan na ng mundo.. itinigil ko muna ang pag-aayos ng mga gamit ko sa aking bag para aluin ito.

"nay! ano ba naman yan, daig niyo pa si nora aunor sa pag iyak niyo ah,, maynila lang po yung pupuntahan ko hindi ibang bansa,, kung-makaiyak kayo diyan parang ang layo layo na nung maynila dito satin"

"aba anak kahit pa sabihin mo'ng dagat lang ang pagitan ng maynila satin e malayo pa din yun, saka paano kung magkasakit ka dun oh, sino ang mag aalaga sayo doon sakali, baka maltratuhin kapa doon ng amo mo."

nagda-dramang sabi sakin ng aking ina sabay singa ng sipon at punas ng luha nito sa mga mata sa pamamagitan ng damit nya..

"diba nay magaling naman kayong lumangoy? tsampyon nga kayo sa swimming diba, oh di kapag namimis niyo ako at kailangan ko kayo, lumangoy lang kayo at nandon na rin kayo sa maynila"

"ay loka kang bata ka ah! bago pa ako makarating sa maynila ay namatay na ako sa gutom at pagod ko kakalangoy, hindi lang yun baka nakain na ako ng mga pating---"

"kayo naman nay siyempre joke lang po yun para naman tumawa kayo"

"nakukuha mo pa'ng magbiro kita mo ng nalulungkot na nga ako e"

sabi nito at umiyak na naman ang magaling kong ina

hanggang sa makarating kami sa labas ng bahay ay walang patid ang pag-iyak ni nanay kasama na din ng mga kapatid ko'ng kambal na sina isko at iska..

"ay naku ano ba naman yan panay ang iyakan niyo diyan, para naman tayo'ng ihahatid na sa ating huling hantungan kong maka iyak kayo diyan"

maarteng sabi ng kaibigan kong bakla na si britney, tinampal ko nga ito sa braso at napaaray naman ito,

"tama na ang iyak nay, isko iska, anong gusto ninyo mag-paiwan nalang ako dito tapos habang buhay nalang tayong makikinuod sa kapitbahay ng tv, ang ulam palagi kundi tuyo e talbos ng kamote,pinakamasarap na nating ulam e pritong galunggong,,ayaw niyo bang makatikim man lang ng karne?"

pang-aalo ko sa pamilya ko pero panay padin ang iyak ng mga ito

"oo naman aling trinidad! tama na ang pag iiyak niyo diyan at walang mangyayari kung mag iiyak kayo ng ganyan, sige kapag hindi kayo tumigil hindi namin kayo papadalhan dito ng chocolates at saka apple and orenges"

napatingin akong bigla sa kaibigan kong bakla, may tsokolate at orenges pa itong nalalaman.

"ikaw talaga britney, ano yun?.. ibang bansa lang?.. may tsokolate at orenges ka pang nalalaman diyan?"

sabi ko kay britney, ngunit kahit ano pa ang pang-aalo ko sa pamilya ko, hangang sa maka-alis kami ng bakla kong kaibigan ay umiiyak parin ang mga ito. habang nasa tricycle kami ni Britney, doon ko lang nailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nung kaharap ko pa ang pamilya ko, ayokong makita nila ako na umiiyak dahil baka tuluyan na akong di makaalis dahil namimis ko sila agad, biniro pa ako ni Britney habang panay pa din ang pag-iyak ko.

Ang Diary ni Inday at ng Kaniyang Guwapong si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon