Katatapos lang namin mamalenge nina ikka at kikay ng mga sandmakmak na pagkain, gulay at kung anu-ano pa para sa mga gagamitin sa birthday ng aming amo na si donya sylvana.. nang mapag-kasunduan naming tumigil muna saglit sa isang Fast food Restaurant para makabili ng malamig na iinumin at makapag-pahinga na din kahit sandali.
habang umu-order sina kikay at ikka ng maiinom namin ay nagpalinga-linga ako hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang lalaking laging nagpapagulo ng isipan ko.
"omaygad! si crush nandito!"
natataranta ko'ng sabi saking sarili habang nakatingin sa kaniya. abalang abala ito'ng nakikipag-usap sa telepono sa isang bakanteng mesa doon malapit sa salamin na dingding.
pinuntahan ko sina ikka at kikay na naghihintay ng mga order naming inumin
"mga bakla tulungan niyo ako si si si..."
"anu naman ang nangyayari sayo inday at parang sinasapian ka?" nagtatakang tanong sakin ni kikay
"si crush nandito siya!"
"ano?!" napamulagat at sabay pa'ng sambit ng dalawa
" nasaan inday? nasaan yung kras mo?"
tanong ni kikay sa medyo malakas na boses, hinampas ko nga ito, ang ingay ingay!
"huwag ka ngang maingay diyan at baka marinig niya tayo?"
sabi ko dito at ito naman ay parang wala lang ang sinabi ko
"bakit ba? ano ba'ng problema dun kung marinig niya?" tanong naman sakin ni ikka
mga sira ba ang mga ito? hindi ba nila naiintindihan ang sitwasyon ko? oo gusto ko'ng makita si kairu pero ayokong makita niya ako sa ganitong hitsura ko. hindi man lang ako nakapag-ayos ng buhok, basta kung ano nalang ang isinuot kong damit e yun nalang ang isinuot ko. walang kahit anong kolorete sa mukha at higit sa lahat amoy pawis at usok na'ko, dahil sa ilang oras na pamamalengke namin ng mga panghanda ni donya sylvana sa kaarawan nito.
nakakainis! bakit ngayon pa?! kung kailan ang bruha-bruha ko! feeling ko kamuka ko si aling tasing na mang-kukulam daw doon samin sa visaya! noooooooo pleaaaaaseeeeeeee! wag sana niya akong makitaaaaaaaaaaa!!!!.
"tara na! tayo na! tayo na!" sabi ko sa mga kaibigan ko na nagmamadali
"no! hindi puwede! ituro mo muna kung saan yung kras mo inday?!"
gusto kong sabunutan nang oras na yun si kikay sa kakulitan nito pero ano pa ba ang magagawa ko kundi ang ituro dito si kairu. at nang makita nito si kairu ay nanlaki ang mga mata nito at napa -oh!
"inday! inday! inday! yan ba si kras mo! ang.. ang..yummy at ang guwapo guwapo, tara na lapitan natin siya dali!"
tuwang tuwang sabi nito at nang akmang hihilain ako papunta kay kairu ay hinila ko ito pabalik. si ikka naman ay hawak hawak na nito ang mga in-order naming inumin.
BINABASA MO ANG
Ang Diary ni Inday at ng Kaniyang Guwapong si Crush
RomanceAko po si Maria Ysadora Bartolome. nakatira po ako sa barangay barong-barong visaya, philippines! Mahilig po akong magbasa ng komiks at makinood paminsan minsan ng mga drama sa kapit bahay namin dahil wala po kaming telebisyun pero radyo siyempre m...