CHAPTER THIRTEEN

1.8K 61 1
                                    

"Ate inday saan kaba nagpunta ha at pinag-aalala mo kami ni kuya?"

nag-aalalang tanong ni kiera kay inday.

kanina nang umuwe kami ni kiera ay nadatnan naming wala si inday sa bahay, tinawagan namin ito ngunit naiwan nito ang cellphone niya. hindi namin malaman ng kapatid ko ang gagawin dahil sa pag-aalala namin para kay inday, lalo na ako. natatakot akong baka may masamang mang-yari uli dito dahil sa stepmom ko.

laking pasasalamat ko ng bumukas ang pinto at iluwa nun si inday. ngunit hindi pa din nababawasan ang aking kaba at takot dahil sa ginawa nito. at dahil din doon di ko naiwasang masigawan si inday ng hindi sinasadya.

"saan ka ba galing ha?! hindi ba't sinabi ko na sayo na hindi ka puwedeng umalis ng bahay ng wala kang kasama, nananadya ka ba inday ha?!"

napakagat labi si inday sa ginawa kong pagsigaw na yun sa kaniya at para bang natatakot siyang nakatingin sakin.

"k-kairu pasensiya na kayo ni kiera sakin, nababagot lang kasi talaga ako dito sa bahay, alam kong bawal pero diyan lang naman ako sa tabi ng condominium nag-punta, yung maliit na grocery diyan, naisip ko kasi na maglu---"

"kahit na! basta kung ano ang pinag-usapan natin yun ang gagawin mo, hindi mo alam kung gaano kami nag-alala ng kapatid ko sayo lalo na ako, geeeeezzzz! inday ang dami ko nang problema na iniisip, simpleng pakiusap ko lang sayo di mo pa magawa!"

"kairu sorry na"

narinig ko pang sinabi ni inday sakin nang iniwan ko ito sa sala kasama ng kapatid ko, dahil sa inis na nadarama ko at sa sobrang pag-aalala ko dito.

pagdating ko sa kuwarto ko ay pabalibag kong sinara ang pintuan dahil sa inis na nadarama..umupo ako sa kama at kinagat-kagat ko ang mga daliri ko, pagkatapos nun ay tumayo uli ako at nagpalakad-lakad sa kuwarto. napag-isip-sip ko'ng hindi ko dapat sinigawan ng ganun si inday. nag-sorry naman ito sakin, nababagot nga lang siguro talaga ito dahil halos araw-araw nalang itong nasa bahay mag-isa..

napag-isipan kong lumabas na ng kuwarto para mag-sorry na sana kay inday nang bumukas ang pintuan at doon nakita ko ang matinding pag-aalala sa hitsura niya. bigla ay parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nasigawan ko ito.

"kairu, puwde ba tayong mag-usap?..sorry..huwag ka ng magalit sakin. pangako hindi ko na uulitin yung ginawa ko. naiinip lang talaga ako dito sa bahay kaya  naisipan kong lumabas kahit pa alam kong bawal at ayaw mo.. pasensiya kana talaga sakin."

huminga ako ng malalim at tinitigan ko muna ito ng ilang segundo bago ko nagawang mag-salita dito

"im sorry din inday kung nasigawan kita, pasensiya ka na marami lang kasi talaga akong problema ngayon--"

hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang umiyak na ito sa harap ko. tuloy bigla naman akong naawa dito, hell no!. bakit ko pa kasi nasigawan si inday!

"inday, huwag ka ng umiyak, hindi ako galit, di ba sinabi ko naman sayo dati na kahit kailan hindi ako magagalit sayo dahil mahal na mahal kita. naiinis lang ako ngayon dahil sa pag-aalala ko sayo pero hindi ibig sabihin nun ay galit na'ko sayo"

habang sinasabi ko yun dito ay patuloy kong pinupunasan sa pamamagitan ng aking mga palad ang mga luha sa mukha nito.

"alam ko kairu, alam ko.."

"a-alam mo? n-naaalala mo yun inday?"

"oo at naaalala ko na din yung unang beses na nagkita tayo kairu, yung araw na inalok mo ako ng kasal, nung mag-away tayo dahil kay lucas at yung araw na hiniling mo din sakin na mag-hiwalay na lang muna tayo. hanggang sa araw na maaksidente kami ni kiera..lahat-lahat kairu naaalala ko na."

Ang Diary ni Inday at ng Kaniyang Guwapong si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon