CHAPTER FOURTEEN

1.6K 55 4
                                    

Hindi umuwe si kairu kagabi, tinawagan namin ito ni kiera sa telepono niya ngunit hindi ito sumasagot, nag-text naman ito samin at sinabing marami daw itong ginagawa..nag-paalam din itong hindi makakauwi dahil sa dami nitong gagawin sa opisina..

sayang nga at hindi ito umuwi kagabi dahil nag-luto ako ng paborito nitong sinigang na baboy, sabi naman sakin ni kiera kung gusto ko daw ay puntahan nalang namin ang kuya nito sa opisina nito ngunit tumangi ako, iniisip ko kasing baka maka-istorbo pa kami sa kuya nito.. naghintay nalang akong umuwe si kairu nang araw na yun ngunit hindi pa din ito umuuwi kaya naman nitong mga nag-daang tatlong araw na di umuwi si kairu ay nalulungkot ako at sobrang mis na mis ko na siya.

"Ate inday, gusto mo ba puntahan na natin si kuya sa opisina niya para naman mag-kita na kayo at hindi ka na nalulungkot diyan?"

alok nito sa akin pagdating nito ng bahay galing sa eskuwelahan nito nang mapansin ako nitong matamlay

"huwag na makaka-istorbo lang tayo doon sa kuya mo at saka ang dami-dami nga daw niyang gagawin diba? baka magalit pa yun satin kapag nakita tayong nandon."

"naku naman si ate inday, nag-tampo na kay kuya.. pag-pasensiyahan mo na si kuya ngayon madami lang talaga siyang ginagawa, stress na stress na nga yun sa dami ng iniisip nun e but im sure hindi naman magagalit yun kung dadalawin natin siya and im sure din na mis na mis ka na nun"

pangungumbinsi ni kiera sabay kindat pa nito sakin para puntahan ang kuya nito sa opisina.. sa totoo lang parang hindi ko na kayang lumipas ang araw na ito. na hindi ko ulit nakikita si kairu. kaya naman umu-o na ako kay kiera.. pag-dating namin ni kiera sa kompanya ng mga ito ay nalula ako sa laki at luwang nun, yun ang unang beses na pumunta ako sa kompanya ng mga ito. hindi ko akalaing ganun kalaki ang kompanyang iniwan ng daddy ng mga ito kay kairu para pamahalaan yun.. gets ko na, kaya naman siguro sobrang abala si kairu at stress na stress ito dahil sa dami ng ginagawa nito. idag-dag mo pa ang kaso na kasalukuyang inaasikaso din nito..bigla ay parang ayoko nang istorbohin si kairu kahit pa gustong gusto ko na siyang makita.

"kiera umuwe na lang tayo, baka madami pa ding ginagawa ang kuya mo at makaka-istorbo lang tayo sa kaniya"

sabi ko kay kiera sabay hila ko sa kamay nito ngunit ito naman ay hinila uli ako pabalik.

"ano naman ang nangyari sayo ate inday at bigla nalang gusto mong umalis? akala ko ba gusto mong makita si kuya?"

"e nahihiya ako eh. saka baka maka-istorbo tayo sa kuya mo sa dami niyang gagawin diba?"

"ano ka ba ate inday, asawa ka ni kuya ano! kaya natural lamang na bisitahin mo siya dito sa opisina niya. hindi magagalit yun sigurado ako. so tama na yang hiya-hiya mo at pumasok na tayo sa loob okay?"

hinila na ako nito papasok sa loob at wala na akong nagawa nang pumasok kami sa isang elevator at umakyat yun pataas sa kinaroroonan ng pribadong opisina ni kairu..napapanganga nalang ako sa ganda at gara ng mga gamit doon..sino ang mag-aakala na ang katulad kong labandera lang sa amin ng mga kapit-bahay naming mayayaman sa visaya noon at naging katulong dito sa maynila ay nakapag-asawa ng ganito kayaman..

maya-maya ay may nakita akong isang babae na abalang-abala sa pagtitipak-tipak sa computer nito at nang makita kami ni kiera ay biglang tumayo ito at binati kami ni kiera.

"where's my kuya? gusto namin siyang makita, nandiyan ba siya ngayon o busy pa din sa mga trabaho niya?" tanong ni kiera sa babaeng napag-alaman kong sekretarya pala ito ni kairu.

"naku miss. alonzo pasensiya na pero kakaalis lang ni sir kairu about twenty minutes ago"

bigla ay parang gusto kong manlumo dahil hindi namin na-abutan si kairu, kailan kaya ito uuwe ng bahay? namimis ko na siya sobra.

Ang Diary ni Inday at ng Kaniyang Guwapong si CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon