Chapter 2 - Rainie, Ang Bidang Extra
Naramdaman niyo na ba ang ganitong feeling? Yung papalapit siya parang tumitigil ang mundo mo tapos bumibilis ang sobra ang tibok ng puso mo . Tapos kapag nasa tabi na siya nagbu-blurred lahat ng nasa paligid mo at halos hindi ka na makapagfocus sa ginagawa mo kasi nga masulyapan mo pa lang yung buhok niya at yung mga mata niya eh halos maghalucinate ka na sa pwesto mo…
………….
………
….
..
..
Rainie : LETSENG PUSA TO! Paalisin niyo na takot na takot na ako !
Grabe simula pa noong bata ako , makita ko pa lang ang nakadidiri nilang buhok at nanlilisik nilang mga mata eh kinikilabutan na ako .
“ Ui alam mo para kang luka? NBSB ka na nga yang mga linya mo pang Forever Alone pa ! Humanap ka na nga ng boyfriend hindi yung nag-fafangirl ka araw-araw. Sinasayang mo lang ang freshness mo eh ni 0.001 % ngang chance na maging sa iyo siya eh imposible.” Sabin ni Yui, isa sa mga best friends ko.
Rainie : Aha , at nagsalita ang hindi NBSB ! Atleast ako 3D ang mga crush eh ikaw? Ano mapapala mo sa kapapanuod ng mga anime na iyan. Wala ! Kasi kahit ano mangyari hindi siya lalabas sa screen?
Yui : ANG SAKIT TEH! OO, alam kong hindi kami magkakatuluyan ng mga asawa ko …
Rainie : Mga? Whoa dami ah.
Yui : Alam kong hindi lalabas sa screen sila Lelouch (Code Geass) , Pride (Fullmetal Alchemist) , Usui (Kaichou Wa Maid-sama), Natsume (Gakuen Alice) , Kuroko (Kuroko no Basket), at Levi (Shingeki no Kyojin) ko pero..pero..
Maluha-luhang nagsalita si Yui. Dinagdag pa niya, “I just can’t live without anime!”
Rainie : Ok , I surrender. Sorry na po. Ui mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako bago umuwi.”
Yui : Sige , Ingat.
Sumuko na ako. Ayoko kasing pinipintasan yung hobby ng bestfriend ko. Ginagawa ko lang yun pag tinutukso ko siya pero naintindihan ko naman kung bakit siya nagkakaganun. Paano ba naman all her life mga storya lang tungkol sa mga jerks na lalaki lang ang naririnig niya mula sa mga kaklase niya. Sa all girls nga pala siya nag-highschool kung saan siya ang takbuhan ng sambayanan kapag may problema sa love. Pero ang pinakanakagugulat sa lahat ang galing niya magpayo kahit na siya ay NBSB ( No Boyfriend Since Birth) at NMSB (No Manliligaw Since Birth). Oh diba kaya love na love ko ‘yang bestfriend ko!
Siguro nga love is blind. Kaya kung never mo pang na try ma-inlove ibigsabihin hindi ka pa nabubulag at dahil doon nakikita mo pa nang malinaw kung alin ang tama at mali. Hayzzz….
“Ate Rainie, bili ka na ng bulaklak.” Sabi ng bata sa tabi ko.
Rainie : Ui , Romeo nandyan ka na pala! Nasan si Juliet?
Di ko napansin na nakalabas na pala ako ng gate ng school dahil sa sobrang pagninilay. Buti tinawag ako ni Romeo kasi nasa harap na pala ako ng tawiran.
Romeo : Nandoon po sa kabilang kalye nagbebenta rin ng bulaklak.
Rainie : O sige, tulad ng dati bibilin ko yang 7 rosas na hawak mo tapos bibgyan mo ng isa ang kahit sinong babaeng dadaan. Ok ba yun?”
Romeo : Salamat po ate Rainie! Bukas po ano po bang bulaklak ang gusto ninyo?
Rainie :Ok lang ba ang Tulips?
Romeo : Syempre naman po!
Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ako namimigay ng rosas. Ewan, gusto ko lang. Para sakin kasi lahat ng babae , maganda man yan o pangit, mayaman man o mahirap , mabait man o ubod ng sama sa huli lahat ng yan naghihintay lang para sa taong tunay na magmamahal sa kanila. Gusto ko lang magpangiti kasi malay mo yung naabutan pala ni Romeo ng bulaklak ay kadidiskubre lang na three-timer pala ang boyfriend niya. Remember, fateful meetings happen through coincidences guys.
Rainie :Teka yung bus ba yun? Sandali sasakay ako!
Mayaman ang pamilya ko pero ayokong sumakay ng limousine mula bahay hanggang school . Ang boring nun! Ordinary na nga ako, typical pa storya ng buhay? At isa pa, paano ko makakausap sila tito at tita sa favorite kong bakery o sila Romeo and Juliet kung ganun ka boring ang pagpunta at pauwi ko ng school. 1 hour travel nga pala, 30 min akong sumasakay sa bus at after nun bababa ako sa isang street at sasakay sa limousine na ihahatid ako sa bahay namin.
[After an hour]
Rainie : I’m home. Hello? May tao ba diyan?
May narinig akong nagububulungan sa likod ng grand staircase namin. Sisilipin ko na yun nang biglang…
“SURPRISE!”
( *_ *)
“O, bakit parang di ka nagulat?”
Rainie : Sus, lagi naman kayong nanggugulat. Hindi pa ba ako masasanay?
“Welcome home princess!” Sabay-sabay pa nilang sinigaw.
Rainie : Yuck! Wag niyo nga akong tawaging princess mga kuya! Bunso na lang.
Travis : Ano dala mo para sa theme natin ngayon?
Rainie : May ano? Ano ba ngayon?
Myles :Bunso, Friday ngayon remember? Every Friday dapat may dala tayo ayon sa theme at ang theme ngayon ay something crazy.
Hehehehehe… alam ko na kung paano ako maeexcuse.
Rainie : Ako pa! Sa tingin niyo ba mga kuya makakalimot ako?
“Oo.”
Kainis naman sabay pa silang sumang-ayon.
Rainie : Woshooo ~ something crazy ba hanap ninyo? Eh bakit pa ako magdadala kung itong bahay pa lang natin eh punong-puno na ng something crazy.
Faust: Ahh , ganun pala! Mga bro prepare. PATAYIN SA KILITI SI PRINCESS!
Rainie : Whaa! Mama!
[ Author's note: Siguro gusto niyo nang makilala ang mga kapatid ng ating bida este EXTRA . Wag kayong mag-alala makikilala niyo rin sila Faust, Myles, Travis at Glenn. Abangan ang pagpapakilala sa kanila sa mga susunod pa na kabanata. ]
At dito nagtatapos ang ating storya….
Joke lang ! Ay nako ang daldal ko sa mga naunang chapter na ito dibale gusto ko lang makikilala niyo ako at kung paano tumatakbo ang buhay ko araw-araw. Atleast aware na kayo sa daily happenings sa buhay ng isang extrang tulad ko. Oh well, aatend ng class, susuporta sa fan club, mag-fafangirl kay Prince Claudde , makikipag kulitan sa bestfriend, bisita sa favorite kong bakery, bibili ng bulaklak kay romeo , mag bu-bus tapos mag li-limousine pauwi ng bahay at makikipag kulitan sa pamilya ko. Sobrang typical noh? Pero at least nalaman ninyo na lahat naman ng tao ay may kwento . At di dahil sa hindi siya nag-eexist sa storya ng buhay mo ay wala siyang sariling storya o kaya naman ay forever na siyang di mag-eexist sa buhay mo. Parang yung picture lang na hawak ko. Akala ko forever nang ganito ang college life ko. Hindi ko alam na dahil sa picture na ito ay mawawala ang ordinary and peaceful life ko.
BINABASA MO ANG
Backstage: An Extraordinary Tale of a Fangirl and Her Prince
Romance" Paano ko hahanapin si Prince Charming kung ang Gentleman nga ngayon hanggang sayaw na lang? " - RAINIE This is NOT YOUR ORDINARY FAIRYTALE... Ano tawag kapag crush ka ng crush mo? - IMAGINATION Ano tawag kapag nahuli ka ni crush na tumitingin s...