Napapansin ba ninyo sa mga telenovela , koreanovela , fiction , at anime ano man ang mangyari magiging masaya ang main character sa huli ,makukuha niya ang gusto niya o magkakagusto sa kanya ang taong gusto niya gaano man ito kaimposible ….
Yun ay kung hindi siya masasagasaan ng truck sa huli dahil sa pagliligtas ng pusang tumatawid ( ano raw?) , mamamatay sa lagnat, mahuhulog sa manhole na ngayon lang napasok sa scene , o malulunod sa beach dahil nakikipagflirt yung crush niyang lifeguard …
Hayyzzz …Bakit walang nangyayari ayon sa mga plano ko? Siguro nga dahil hindi ako ang main character ng istoryang ito . Extra lang kasi ako. Isa ako sa mga babaeng palaging makikita sa gilid ng scene o palaging ginagamit para mailabas yung hidden character ng mga bida. Sino ako?
Ako si Rainie dela Rosa. Kabilang ako sa mga characters na kilala ninyo sa tawag na…..
“FANGIRLS” at ito ang istorya ko …
Teka , diba hindi nga ako ang main character dito ? Ay ewan. Kayo na ang bahalang humusga kung sino nga ba ang bida sa kwentong ito.
BINABASA MO ANG
Backstage: An Extraordinary Tale of a Fangirl and Her Prince
Romantizm" Paano ko hahanapin si Prince Charming kung ang Gentleman nga ngayon hanggang sayaw na lang? " - RAINIE This is NOT YOUR ORDINARY FAIRYTALE... Ano tawag kapag crush ka ng crush mo? - IMAGINATION Ano tawag kapag nahuli ka ni crush na tumitingin s...