Chapter 4 - How to Catch a Rare Pokemon

11 0 0
                                    

Chapter 4 – How to Catch a Rare Pokemon

                Laking gulat ko nang maconfirm ko na tama ang hinala kong siya nga yung lalaking nasa picture. Napansin ko lang na tagiligenic din pala itong si nerd. Buti na lang sinundan ko siya kung hindi…

“Hoy! Ano ginagawa mo diyan!”, sabi ng janitor sa CR.

Rainie : Naninilip… este nagbubunyag ng lihim!

Janitor: At ano naming lihim ang gusto mong matugkasan? At talagang ginamit mo pa yung upuan ko para makasilip!”, pasigaw na sabi niya.

Rainie :Tantan mo ako Tito Boy. Maaga pa masyado para sa The Buzz! , pasigaw na sagot ko sabay takbo   nang sobrang bilis.

[Pagkaraan ng 10 minuto ]

Rainie : Hala nasaan na siya?

 Sinubukan ko siyang hanapin sa mga malalapit na lugar at sa wakas ay nakita ko rin siya.

Rainie : Aha ! Ayun siya !, sabi ko sa sarili ko.

                Sinundan ko siya hanggang sa dalawang tao na lang ang pagitan namin ngunit ang di ko inaasahan ay ang sumunod na mga pangyayari…

                Bakit siya lumiko? Ito ba daan pauwi sa bahay niya? Jackpot!   Ngayon gets ko na kung bakit palagi siyang nakikita ni Romeo na papunta pero never siyang nakitang umuwi. Kaya naman pala ganun eh dahil gwapo siya sa pagpunta pero nerd siya pagbalik pero same lang din yung dinadaanan niya papunta at pauwi.  Pero siguro dapat linawin ko pa it okay Ro –

* BANG !*

Rainie : Aruy! Di ko napansin na may poste pala. Nahihillo ako. Teka ,nasaan na siya?

Sinubukan kong ipagpatuloy ang pagsunod nang biglang …

*BANG!*

Rainie : Poste na naman ! Walang hiya kang poste ka!

Sinipa ko ang  poste kung saan ako ngayon nabunggo. Laking gulat ko nang biglang may sumigaw.

“Aray! Ano ba problema mo!?”

 Hala ! Si Incredible Hulk lumabas sa screen! Ito na yata ang katapusan ko. Mama , papa , mga kuya sana pala nagpaalam man lamang ako sa inyo . Goodbye world.

Rainie : Wala po akong problema sir pero kung meron po ba makikinig po kayo sa’kin?

Incredicle Hulk : Ano to Retreat !??  Ikaw wag mo nga akong pinipilosopo !

Rainie : Joke lang po yun! Di ko  po talaga sinasadya . Akala ko po kasi isa po kayong malaking poste.

IH : Pasasabugin ko na yang bunganga mo!”

                Susuntikin na niya ako nang biglang may humawak sa kamay niya na isang matangkad na lalake , maitim ang buhok, tama lang ang tangos ng ilong , naka shades at may cross na earing sa  left ear. Siya ba si rare pokemon na kanina ko pa sinusundan? My Gulay! Mas gwapo siya sa malapitan ah. Ay Gising Rainie, nagdedelikado na nga ang buhay mo nagawa mo pang mag sight seeing! Matapos nito ay tiningnan niya ang mukha ko sabay sabing, “O, sige ituloy mo na.”

Rainie :Hala ! Wait lang ! Wait lang ! Iligtas niyo po ako!

                 Binitiwan ako ni Incredible Hulk at lumingon siya kay rare pokemon. Masnagulat ako nang biglang sinabi ni rare pokemon, “Joke lang!” ,sabay suntok kay Incredible Hulk.  Sinundan pa niya ito ng mga apat na suntok at sa pagtutuos na iyon ay nadaplisan ng konti ang mukha niya. Umatras si Incredible Hulk at naiwan akong nakatulala kay rare pokemon.

                “Si nerd ay isang gangster? Hindi ba parang masyadong nagiging complicated na ang storya? Pero siya rin si  rare pokemon na nasa..” , sabi ko sa sarili ko at muli di naman natapos ang linya ko. Pambihira namang chapter ito di na ako pinapatapos sa pagsasalita.

Rare Pokemon: Hoy, paano mo pagbabayaran ang sugat sa mukha ko?

Rainie : Sorry kuya!

Rare Pokemon: Sorry!? Eh kasalanan mo ang lahat! Kanina mo pa ako sinusundan at wala kang karapatang itanggi ang ginagawa mo kasi napahamak ako dahil sa iyo, ok?

Rainie : Ehh --- ahhhh .

 Speechless ako. What should I say? Itatanggi ko ba o hindi? Alam ko na hehehe. Idadaan ko na lang sa blackmail!

Rainie : Oo sinusundan kita at alam kong ikaw si nerd.

Rare Pokemon: What the-   Simula saan mo ako sinundan?

Rainie : Ewan.

 Alangan naming aminin ko na sinundan ko siya hanggang CR.

Rare Pokemon: Aba! Walang utang na loob .

Rainie : May sinasabi ka?

Rare Pokemon: Wala!  ( sagot niya habang  nakatingin sa malayo at parang naiirita na) So, ano ba kailangan mo at ano naman ang pake ko kung alam mong nerd ako sa school?

Rainie : Pake ko? Eh isa ka kayang malaking parasite! Nakikita mo ba ito?

Ipinakita ko sa kanya yung picture na kanina ko pa hinahabol.

Rare Pokemon: O, ano meron? Stolen nga pala yan. Sinasabi ko lang baka kasi di mo alam.

Rainie : Di mo ba alam na pinagkakaguluhan ito ngayon ng mga fangirls at dahil doon ay pwedeng mawal sa council si Prince Claudde namin.

Rare Pokemon: So? Ano naman kinalaman nun sa akin? Wala akong pakealam kung pagkaguluhan nila ang picture ko hanggang sa magsawa sila.”

Rainie : Well, may pakealam kami doon . Pls! Pls!  Wag ka na kasing tumawag ng atensyon . Maging nerd ka na lang forever.

Rare Pokemon: Di ko kasalaan yan. At hibang ka ba miss? Nerd forever?  Iyan ang pinakaimposible kasi model  ako.

Mawawalan na sana ako ng pag-asa pero bigla kasing nagbago ang expression ng mukha niya. Bakit biglang naging bad boy -face?

Rare Pokemon: Sa tingin ko kailangang-kailangan ninyo ng cooperation ko. Tama ba?

Rainie : Oo?

 Ito ang sagot ko dahil di ako sure kung ano ang binabalak ng rare pokemon na ito .

Rare Pokemon: Ok , sige total may kailangan din naman ako sa iyo...

Inabangan ko bawat salitang sasabihin niya dahil dito nakasalalay ang success ng mission ko.

“THEN LET’S MAKE A DEAL.”

Sa Chapter 5...

Anong klaseng deal kaya ang sinasabi ng lalaki ?Ano nga ba ang real name ni rare pokemon? Paano mababaliktad ng isang litrato  ang buhay ng ating extra?

Saan nga ba napadpad si Tito Boy o si manong janitor kanina?

Curious ka? Abangan ang susunod na kabanata...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Backstage: An Extraordinary Tale of a Fangirl and Her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon