KABANATA 1

8 0 0
                                    


NASA PABORITONG TINDAHAN ng milk tea ang magkaibigang babae. Habang nilalasap nila ang sarap at lamig ng milk tea ay mainit namang ang diskusyunan nilang dalawa.

"Basta sasali ako!" ang sabi ni Maiden pagkatapos niyang ilapag ang hawak na papel sa mesa. Isa itong brochure galing sa Merry Land Amusement na nag-aanyaya na sumali sa kanilang paligsahan na tinawag na: Dance Zone Competition.

"Hay naku! Bessy naman! Anu ka ba? Masyado kana nahuhumaling d'yan sa bago mong hobby ha!" pagtutol ng kanyang kausap.

Sumimangot si Maiden, "Grabe ka naman, Issa. Dapat nga suportahan mo ako."

Natahimik ang dalawa at parehong sumimangot habang sinisipsip ang kanilang milk tea sa plastic cup. Maya-maya'y may lumapit sa kanilang lalaki at kamukhang-kamukha nito si Issa.

"Oi, musta?!" bati ng lalaki sa dalawang dalaga. Napansin nitong nakasimangot sila. Buong pagtatakang nagtanong siya, "O, Maiden bakit ang sama ng hitsura niyong dalawa ni Issa?"

"Pano naman yang si Maiden, walang kadala-dala sa pagsali sa mga palaro ng Merry Land pero di naman nananalo." sagot ni Issa.

"Best, pagsabihan mo nga yang negastar na yan!" ang naaasar na sagot ni Maiden.

"Anu ba yan! Ganyang bagay lang, pinag-aawayan niyo. Sige, Maiden samahan kita magparehistro." sabay kindat kay Maiden at nginitian si Issa.

"Sige, Ned! Pagtulungan niyo kong dalawa ni Maiden!" sabay inirapan ni Issa si Ned.

Umupo si Ned sa tabi ni Maiden, "Issa, let's do what we want to do while we're young." nginitian niya ulit si Issa, "Saka kung makapagsalita ka parang wala ka namang tiwala sa Bessy mo. 'Pag yan nanalo... ikaw din, wala kang balato! Ahahaha!"

Napabuntong-hininga si Issa at tumingin kay Maiden, "Ok. Sorry, Bessy." sabay hinawakan ang kanang kamay ng kaibigan. "Gusto mo samahan kitang mag-ensayo?" sabay ngumiti.

"Group Hug!" masayang sigaw ni Maiden.

Sabay silang tumayo at nagyakapan. Tumawa sila pagkatapos nilang umupo at tumuloy sa pagkukwentuhan.

Sa Merry Land Amusement ng East Grand Mall ay halos di mahulugang karayom sa dami ng mga taong nag-uumpukan sa paligid ng isang lalaking naglalaro ng Dance Center machine. Ang Dance Center machine ay ang pinakausong dance machine ngayon sa Arcade Industry. Binubuo ito ng malaking high definition na flat screen, sensor device, video dance games at timer. Kontrolado ang oras ng paggamit nito depende sa halaga ng binayad mo at meron ding mga button ang cabinet machine. Ang mga nakagalay dito na mga dance games kung saan pwede kang matutong sumayaw ng iba't ibang klaseng sayaw. Sa tulong ng sensor nalalaman kung tama ang galaw ng isang manlalaro. Ang tawag ng mga naglalaro sa machine na ito ay DCM.

Hataw sa sayaw ang lalaking matipuno ngunit malambot ang katawan. Habang nalilibang siya sa pagsasayaw ay aliw na aliw naman ang mga nanonood sa kanya sa katunayan ang iba pa nga ay napapaindak na. Ang mga babaeng estudyante ay napapangiti at pumapalakpak samantalang ang mga estudyanteng lalaki ay halos mapanganga sa paghanga nila. Talagang magaling sumayaw! Pagkatapos nitong sumayaw ay naghiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood. Napangiti ang lalaki, kinuha niya ang nakalapag na bote ng tubig sa sahig, binuksan ang takip nito at ininom ang tubig.

"AA!"

Napatigil siya sa pag-inom at lumingon sa kanyang likuran. Isang nakangiting lalaki ang tumawag sa kanya. Nang nilapitan nila ang isa't isa ay pinagtama nila ang kanilang kanang palad at sabay tumawa. Umupo sila sa sahig, sa gilid ng Dance Center machine samantalang unti-unti nang nawawala ang mga tao sa paligid.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon