KABANATA 4

14 0 0
                                    

PAGOD NA PAGOD NANG UMUWI si Maiden galing sa kanyang pag-eensayo at sa trabaho. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng kanyang Mama at agad naman siyang nagmano.

"Anung nangyari at ngayon ka lang umuwi? Bakit di ka nakasuot ng uniporme?" usisa ni Ginang Ruth sa anak.

"Galing lang po ako sa Merry Land, Ma. Nag-ensayo lang po ako dahil sa Sabado na ang Elimination at Final Round."

"Naku naman, anak! Ang tanda-tanda mo na pero inaatupag mo pa rin yang paglalaro sa Merry Land na 'yan!"

Kumunot ang noo ni Maiden, "Ma, hindi ito basta laro. Paligsahan po ito."

"Maiden, itigil mo na yan!" giit ni Ginang Ruth sa anak.

"Ma!" angal ni Maiden nang umupo sa sofa.

"Anung meron?"

Napahinto sa diskusyonan ang mag-ina nang dumating ang Papa ni Maiden. Lumapit si Maiden sa kanyang Papa at nagmano.

"At bakit ngayon ka lang?"

"Nag-ensayo lang po ako sa Merry Land pagkatapos kong magtrabaho."

"Sige, magbihis ka na." ang sabi nito pagkatapos tumango, "Kumain ka na ba?"

Umiling siya, "Hindi pa po."

"Maiden, hindi pa tayo tapos!" naiinis na sabi ni Ginang Ruth.

"Ma, saka na lang po natin pag-usapan. Pagod na po ako."

Pumanhik na si Maiden para pumunta sa kanyang kuwarto samantalang sinundan lang siya ng tingin ng kanyang Mama habang nakasimangot.

Hinampas ni Ginang Ruth ang kanyang asawa, "Ikaw, Rey! Kinukunsinti mo pa si Maiden sa pagpunta niya sa Merry Land. 'Di ba ang sabi ko, ayaw ko na siyang pumupunta dun?!" sabay umismid.

"Mahal, kahit pigilan mo yang si Maiden. Pupunta pa rin yan dahil una kinalakihan na niya ang pagpunta dun at pangalawa malapit ito sa bahay natin." sabay niyakap nito ang asawa.

Siniko ni Ginang Ruth ang asawa, "Alam mo naman kung bakit ayaw ko na pumupunta siya sa Merry Land! 'Pag di na umuwi dito ang anak mo, kasalanan mo yan!" sabay kumawala sa yakap ng asawa at nakasimangot na lumabas ng bahay.

Napailing na lang si Ginoong Rey sabay umupo sa sofa at naisip niyang manood na lamang ng palabas kaya binuksan niya ang telebisyon. Pumasok si Maiden sa kuwarto niya, nilapag niya ang kanyang bagpack sa kanyang mesa at umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Kahit kailan, di ko lalayuan ang Merry Land lalo na ang East Branch."

Tumayo si Maiden pagkatapos ay nagtungo sa aparador upang kumuha ng damit na pambahay at pagkatapos ay pumasok siya sa banyo. Samantala nagpost si Lino sa group page ng Pinoy Motion Dance at nakita ito ni Lu gamit ang kanyang cellphone.

Linoel De la Cruz > Pinoy Motion Dance

Malalaman na natin bukas kung sino ang tatanghaling DZ Random Champion! Wag na wag ninyong palalagpasin ito! :)

Like 37 ~ 3 minutes ago ~ Report

Macho Ferrer

Bukas na! Kitakits! :)

Like 25 ~ Just Now ~ Report

Nakaupo si Lu sa pinakamataas na parte ng bubong ng kanilang bahay habang nagbabasa ng mga nakapost sa group page. Maya-maya ay biglang pumasok ang tawag ni AA.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon