KABANATA 5

5 0 0
                                    

ISA ANG METRO MALL sa mga nagbukas na malls sa ika-sampu ng umaga, paunti-unting pumapasok ang mga tao para mamili samantala ang iba naman ay gustong maaliw kay diretso sa mga sinehan at mga amusements. Dalawa ang amusements sa mall na ito, Merry Land at Game Time. Bueno mano ang isang lalaki sa paggamit ng Dance Center machine pagpasok niya sa Game Time.

Hinulugan ng anim na tokens ng lalaki ang Dance Center machine, meron siyang tatlong pung minuto para sumayaw at tamang-tama dahil nakabukas na ang Dance Zone kaya tumayo siya sa harap ng machine sabay itinaas niya ang kanyang kanang kamay at nakita siya ng sensor. Nang nakapili na siya ng kanta ay pinili niya ang Hard Mode at Play Solo. Ngumiti ang binata nang magsimulang tumugtog ang kanta ngunit biglang tumigil ito at lumitaw ang menu sa screen. Kumunot ang kanyang noo, tinignan niya ang sensor at nakita niya na may kamay na nakaharang! Nang makita niya kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata.

"Arvey, suki ka na pala ng Game Time ngayon ah!" ang nakangiting wika ni AA.

Gulat na gulat si Arvey nang mapansin niyang nasa tabi pala niya si Macho pagkatapos ay biglang may brasong pumulupot sa kanyang leeg mula sa kanyang likuran at ito pala ay si Lino.

"Bro, EMC and TG miss you so much!" ang natatawang sabi ni Lino.

Hinampas ni Macho si Arvey sa balikat gamit ang kamay, "Istorbohin ka muna namin sa pagsasayaw mo ha!" pagkatapos ay ngumiti.

"Wag kang sisigaw... Sasakit tiyan mo..." bulong ni AA nang dinaanan niya si Arvey.

Nagtatawanan sina AA, Macho at Lino habang hinihila nila si Arvey palabas ng Game Time at wala namang magawa si Arvey dahil pinagtutulungan siya ng mga ito. Nang papalabas na sila ng mall ay mahigpit na inakbayan ni AA si Arvey samantalang ginigitgit naman siya ni Macho at si Lino naman ay nakangiting nakasunod sa kanyang likuran.

Nagtungo sila sa isang tagong bakanteng lote na di kalayuan sa Metro Mall. Hinawakan ng mahigpit ni Lino ang kanang braso ni Arvey samantalang mahigpit na hinawakan naman ni Macho ang kanyang kaliwang braso.

"Isa kang hanggal dahil inakala mo na matatakasan mo kami!" ang nakangiting sabi ni AA nang nilapitan niya si Arvey.

"Alam mo naman kung gano kalaki ang kumunidad ng arcade gamers at kung gaano katibay ang ugnayan nila sa isa't isa." ang sabi ni Lino.

Nanginginig na nakatingin si Arvey kay AA, "Kuya AA..."

"Kapatid ba kita?! Wala akong kapatid!" nanggigigil na sigaw ni AA.

Nagpupumiglas si Arvey, "Pakawalan niyo na ako!"

"May nalalaman ka pang Alliance Couple ha!" galit na sabi ni AA sabay hinawakan ang panga ni Arvey, "Kapal ng mukha mo, Arvey! Masarap kang gawing punching bag talaga!" ang gigil na sigaw niya.

Binitawan ni AA ang panga ni Arvey, dumistansya muna siya at huminga ng malalim. Matagal na niyang kinikimkim ang galit niya sa taong ito dahil sa malaking atraso niya.

"Hindi mo lang ba kakamustahin si Jean matapos mong buntisin?!" sigaw ni AA sabay kinuwelyuhan si Arvey.

"Wala kang kwentang lalaki! Dapat ikaw ang magbuntis eh para ikaw ang mahirapan!" singhal ni Macho.

"P-Pasensiya na! P-Pero hindi ko talaga siya kayang panagutan."

"Gunggong ka pala eh!" sabay sinuntok ni AA si Arvey sa mukha, "Kalibugan lang kasi ang kaya mong gawin!"

Sa sobrang lakas ng suntok ni AA ay napaluhod si Arvey at dumugo ang pisngi nito.

"Ayan sana naman ay matauhan kana!" wika ni Macho sabay umiling-iling.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon