KABANATA 3

4 0 0
                                    

NAKAPAKO LANG ANG PANINGIN ni Maiden sa screen ng kanyang laptop na nakapatong sa mesa habang siya naman ay nakaupo sa sofa. Nakalagay ang headset sa kanyang mga tainga at seryosong pinapanood ang isang DZ 3 video na dinownload niya kanina. Minsan ay binababa niya ang bilis ng video para mas makita niya ang mga galaw ng Avatar sa video. Maya-maya ay tumunog ang doorbell ngunit hindi ito naririnig ni Maiden.

"Maiden, may tao sa gate!"

Ngunit di rin narinig ni Maiden ang tawag ng kanyang Mama at tumunog ulit ang doorbell. Nakatutok lang si Maiden kanyang laptop at nagpalit pa nga siya ng video na papanoorin. Sa pangatlong pagkakataon na tumunog ang doorbell ay bumaba ang Mama ni Maiden mula sa pangalawang palapag at nakita siya nitong na nakatutok lang laptop.

"Anu ba naman itong batang ito, bingi na ata." ang kunot-noong nasabi ni Ginang Ruth nang tinungo niya ang gate.

Pagpasok ni Ginang Ruth ay kasama niya si Ned ngunit di sila napansin ni Maiden at nakatutok pa rin ito sa laptop niya.

Tinawag ni Ginang Ruth ang anak, "Maiden! Andito na si Ned!" pero hindi pa rin siya narinig kaya napailing siya at bumaling kay Ned, "Ikaw na bahala diyan sa kaibigan mo at simula nung matapos 'yang mag-almusal eh nakatutok lang sa laptop niya."

Ngumiti si Ned, "Opo, Tita Ruth."

Pumanhik sa taas si Ginang Ruth samantalang si Ned ay umupo sa tapat ni Maiden na talagang di matinag sa panonood ng DZ 3 videos. Tinitigan niya ang kanyang matalik na kaibigan at naisip niya na musmos pa lamang silang tatlo ng kambal niyang si Issa ay magkakaibigan na sila. Kahit ganun na sila katagal na magkakasama ay tingin niya marami pa rin siyang kailangan malaman tungkol sa dalaga at isa na dito ang laman ng puso nito. Ngumiti si Ned at sinara nito ang laptop biglang natauhan si Maiden at pagkaangat nito ng kanyang paningin ay nagulat siya.

"O, Best!" sabay tinanggal ni Maiden ang headset, "Kanina ka pa ba diyan?"

"Oo. Mga isang oras na rin."

"Weeeh?! Patawa ka, Best!" sabay sinulypan ni Maiden ang wallclock at nakita niyang alas-diyes na ng umaga.

"Kasi naman kulang na lang idikit mo yung mukha mo sa screen." sabay kinamot ni Ned ang kanyang ulo at napangiwi.

"Pinag-aaralan ko pa yung iba pang routines. Alam mo naman na mamaya na ang Qualifying Round."

Tinitigan ni Ned si Maiden, "Ikaw ba'y natulog ng maaga?"

"Opo." tumango si Maiden sabay tinabi ang headset at tumayo, "Nag-almusal kana ba, Best?"

"Oo. Wag kana mag-abala. Si Kambal papunta na dito dala ang ulam natin para sa tanghalian."

"O? Nagluto si Bessy?" ang natutuwang sabi nito, "Sana Chicken Curry!"

"Di nabanggit ni Issa kung anong lulutuin niya."

"Teka, magsaing na ako ng kanin." sabay tumayo ang dalaga.

Hinawakan ni Ned ang braso ni Maiden upang pigilan ito, "Maupo ka muna, Best."

"Bakit?" sabay umupo si Maiden sa sofa.

Tinitigan ni Ned si Maiden at may nilabas na isang pakete ng tsokolate sa bulsa ng kanyang suot na polo shirt, "Para mawala ang kaba mo." sabay inabot ang tsokolate kay Maiden at ngumiti.

"Wow! You're really my best friend." ang sabi ni Maiden nang kunin niya ang tsokolate, "Thanks." sabay nginitian niya si Ned.

Samantala nakabihis na si AA, sinusuot na lang niya ang kanyang rubbershoes nang lumapit ang kanyang nanay at inabot sa kanya ang tuwalya.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon