KABANATA 2

9 0 0
                                    

UMUPO SA KAMA SI MAIDEN at binabasa niya ang post ni Lino sa Pinoy Motion Dance Group:

Linoel De la Cruz > Pinoy Motion Dance

Pinapaalala ko lang po sa mga nagparehistro sa Dance Zone Competition, sa darating na Sabado na po ang Qualifying Round, ala-una po ng hapon. Kaya mangyari lamang po na kayo ay pumunta ng maaga. Maraming Salamat po! Good luck! :)

Like 31 ~ 3 hours ago ~ Report

Kathie Mendoza

Sige, kita-kits na lang! :)

Like ~ 2 hours ~ Report

Floyd Godwin

May pasok ako, sana maabutan ko pa! Basta Luwie Rodriguez galingan mo, tsong!!! :))

Like ~ 1 hours ago ~ Report

Luwie Rodriguez

Hoy, Floydie! Pumunta ka, wala akong cheerleader! Wahahaha! :D

Like 1 ~ 55 minutes ago ~ Report

Floyd Godwin

^Basta hahabol ako, Lu! Ohohoho! :3

Like 1 ~ 45 minutes ago ~ Report

Maxim Samson

Ok. #Watcher

Like ~ 30 minutes ago ~ Report

Luwie Rodriguez

^ Weh, Max?! Kasama ka kaya sa mga kalahok!

Like ~ 25 minutes ago ~ Report

Maxim Samson

-_- Di nga ako sumali! #Makuuulitz

Like ~ 15 minutes ~ Report

Macho Ferrer

Good luck to all participants! Pakita niyo ang galing ng PMD!

Like 10 ~ 6 minutes ago ~ Report

Linoel De la Cruz

Macho, punta ka pre!

Like ~ 1 minute ago ~ Report

Macho Ferrer

Sa Finals na lang, Linoel

Like ~ Just Now ~ Report

Hindi na nagkumento si Maiden sa post ni Lino, ni-like na lang niya ito at humiga sa kanyang kama habang hawak ang smartphone niya. Kinakabahan na siya para sa darating na Qualifying Round dahil alam niyang may mas magagaling sa kanya katulad ni Lu.

Labing-tatlong taong gulang siya nang magsimulang sumali sa mga palaro ng Merry Land ngunit kahit kailan ay di pinalad na manalo ngunit nakakatanggap naman siya ng Consolation Prize kahit papaano. Kahit bago palang siya sa paligsahan ng dance games ay umaasa siya na sa pagkakataong ito ay manalo na siya kahit sa panghuling posisyon ng pagkapanalo ang makuha niya ay masaya na siya.

Nasa Merry Land sina Lu at Max at nagdidiskusyunan habang pinapanood nila si Maiden sa pag-eensayo nito.

"O, hindi ba? Magaling siya, hindi ba? Malaki ang potensyal niya, Max!" wika ni Lu habang nakatanaw kay Maiden na kasalukuyang nagsasayaw.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon