KABANATA 8

5 0 0
                                    

NANG SUMAPIT ANG HAPON ay nagsasayawan na ang The Groovers sa Merry Land East dahil nagsimula na ang freeplay ni Lu. Dumating si AA at napansin niya na maraming lalaki ang nakatingin sa kanyang grupo habang sumasayaw. Nagulat siya dahil di pala ang pagsasayaw ng kanyang grupo ang pinapanood ng mga lalaking ito kundi nakatitig sila sa mga babaeng miyembro ng grupo at lalo pa siyang nagulat nang makita niya na maiksi masyado ang short na suot ng mga ito at kahit sino ay masisilaw talaga kanilang binti at hita.

Napangiwi si AA, "Mukhang maiimpatso na sila sa kakatingin ah!" sabay isa-isa niyang tinitigan niya ang mga lalaking nanonood pagkatapos ay lumapit siya sa kanyang grupo, "TG!"

"Kuya AA!!" tawag ng mga ito sa kanya habang sumasayaw.

Ngumiti si AA, tinungo niya ang bangko sa gilid ng Dance Center machine at umupo. Nang matapos ang kantang sinasayaw ng grupo ay tinawag niya ang dalawang babaeng miyembro at nagsenyas na lumapit sa kanya.

"Kuya AA?" bungad ni Desiree sa kanya.

Ngumiti si China sabay nagtanong, "Bakit po?"

Nginitian ni AA ang dalawa sabay sabing, "Alam ko na... Tag-init na at talagang mainit. Syempre kailangan kumportable ang mga suot natin. Ngayon, ayos naman magsuot ng short pero huwag naman yung makikitaan na kayo. Tapos pagbinastos kayo, magagalit kayo."

Napatingin sina Desiree at China sa kanilang kasuotan pagkatapos ay nakaramdam ng hiya at halata iyon sa kanilang mukha.

"Magsuot tayo ng damit na naaayon sa lugar at panahon. Kung gusto nating igalang tayo, magsuot tayo ng karespe-respetong damit lalo na sumasayaw tayo sa publiko." patuloy na sermon ni AA.

Hindi makapagsalita sina Desiree at China sa hiya, tumango na lamang sila.

"Wala tayo sa resort o sa bahay niyo o sa kumpetisyon para magsuot kayo niyan."

"Hindi na kami magsusuot ng ganito," sabay tumingin si China kay Desiree, " Kapag nasa mall at sumasayaw pa."

"Ayoko na binabastos kayo sa salita, sa gawa at sa tingin!" Patuloy ni AA sabay tinitigan niya ang dalawa.

"Opo, Kuya AA..." wika ni Desiree, "Sorry..."

Tumango si AA, "Wag kayong sumayaw ng mag-isa o magsayaw na kayong dalawa lang. Sumabay kayo sa grupo at sa harapan kayo sumayaw, huwag sa likod."

Tumango sina Desiree at China kay AA.

"Sige na." sabay tumango si AA.

Iniwan nina China at Desiree si AA at nagtungo sa kabilang gilid ng DCM kung nasaan ang kanilang mga bag.

Pagtingin ni AA sa likod ng ibang miyembro na nagsasayaw ay nakita niyang umalis ang mga lalaking nanonood. "Sarap dukutin ang mga mata!" nanggigigil na nasabi niya sa kanyang isip sabay sinundan niya ng masamang tingin ang mga lalaki ito.

Pagkatapos sumayaw ng grupo ay nagtatawanan ang ibang miyembro at ang iba naman ay lumagok ng tubig sa bote.

"Sayaw pa!" ang sabi ni Lu habang nasa harap ng machine at naghahanap ng susunod na sasayawin

"Lu, Birthday na lang!" hiling ni Floyd.

"Tapos, It's My Birthday!" ang sabi ni Perry.

"Dapat talaga may playlist eh!" wika ni Lu habang pumipindot sa button ng machine.

Nang mahanap ni Lu ang kantang Birthday ni Katy Perry ay pumuwesto na ang kanyang grupo sa harap ng machine. Pinindot niya ang "Dance Now", nagmadaling sumali sa kanila at pumuwesto sa harap kasama sina China at Desiree.

Love CrewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon