MAXI'S POV♬Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala♪Ilang buwan na rin pala ang nakalipas simula noong una ko siyang makita.
Ang hirap. Ang hirap. Ang hirap magkagusto sa isang tao lalo na kung hindi mo naman kilala.
Lalo na kung hindi mo naman alam maski pangalan niya.
Tapos nakasakay mo lang. At mas malala isang beses mo pa lang siya nakita.
Nakakabaliw di ba? Sabi ko sa sarili ko kakalimutan ko na siya.
Pero paano? Kung ang puso ko naman mismo ayaw siyang kalimutan?
Ilang beses nang sinabi ng isip ko "Kalimutan mo na siya."
Pero ang isip ko, "Huwag muna, kasi baka siya na nga talaga ang forever mo! Hindi ba sabi mo kapag nakita mo ulit siya, kayong dalawa ang forever. Malay mo magkita ulit kayo, tapos kayo pala talaga."
Hay ang gulo di ko maintindihan.
Di ko alam kung ano ba ang susundin ko. Puso ba o Isip?
FLASHBACK:
FEBRUARY 12, 2016
Lourdes Academy
8:20 PM
Ang tagal naman. =________=
Inis ko na namang inilagay ang aking cellphone sa aking bulsa.
Inaantok na ko at pagod na pagod na ako. Gusto ko nang umuwi!
Baka mamaya wala na kaming masakyang jeep pa-Meycauayan. Huhu doble pamasahe na naman ito. T________T
Tapos sabay-sabay pa ang projects namin! Hay! Kaiyak! T________T
Maya-maya pa.
~KRRRUUUUUNNNNGGG~
Oh ayan, ayan na tumunog na yung tiyan ko sa sobrang gutom.
Oo tunog iyan ng tiyan ko kasi gutom na nga siya kaya huwag kang ano. =__________=
Hay paanong di tutunog iyan biruin mo mula 10:30 pa kami ng umaga nandito tapos ang kinain ko pa lang ay yung adobong manok na tanghalian ko kanina. =______=
Tapos naubos pa yung pera ko sa pagpapa-print ng project na ipapasa na para bukas sa Earth Science. Natira na lang saktong pamasahe ko pauwi. Pambihira!
Tapos malapit ng mag-8:30 ng gabi. Psh. T______T
'Sir dismiss niyo na, maawa ka naman. Hindi naman na tungkol sa statistics yung topic e. Tungkol na sa walang kwentang bagay. Kaya please lang paawat ka na!' T^T
Maya-maya pa dininig na ang aking panalangin. ^__________^
*KRRRRRRIIIIIIINNNNGGGG*
YES! UWIAN NA! ^________^
Lalalalala. Di ko tuloy maiwasang hindi mapakanta. :))))))
"Okay class dismissed."-Sir Gatchalian.
At kasabay noon ay ang pagtayo ko agad sa aking upuan dala-dala ang aking bag.
Ang totoo niyan ay kanina pa ko prepared hehehe. XDDD
E kasi naman excited na kong umuwi. As in kanina pa. E kasi naman may pasok pa ko bukas ng 7 ng umaga. -_______-
Tiyak gabing gabi na naman ako makakauwi nito.
So ayun nga dumiretso punta na nga ako kay Rea para ipa-check at ipasa na rin itong project ko. Pagkatapos niyaya ko na rin ang iba pa naming kaibigan na umuwi na.
Pagkalabas ng school ay nakasakay na kami agad ng jeep.
"Ma, bayad po isa pong tollgate estudyante." sabay abot ng bayad ko sa isa ko pang kaklase na si Mother Susan.
Sa loob ng jeep puro kami-kami lang din magkakaklase ang nasa loob pwera sa isang babae.
At ayun as usual kaniya-kaniyang kwentuhan. Feeling inarkila lang namin yung jeep e. Hahaha. :D
Bigla ko na naman tuloy naalala yung ginawa naming kalokohan nung isang beses pauwi din kami. Sa loob din ng jeep.
Nag-concert lang naman kami ng bonggang-bongga magkakaklase. Yung mga kanta kasing pinapatugtog sa jeep na may hugot sinabayan namin. Kaya ayun ang sama nung tingin sa amin ng ibang pasahero. Hehehe. ^_________^v
Okay back to reality, ayun habang bumabiyahe I mean habang umaandar yung jeep, as usual dating gawi gaya ng nakasanayan tumingin na naman ako sa labas. Wala lang trip ko lang mag-senti. Ewan ko ba sadyang hobby ko na ata yun.
Bigla na naman tuloy sumagi sa isip ko kung ano ba ang pakiramdam ng inlove? Ah basta yung pakiramdam ng may boyfriend.
Haha di ko pa kasi nararanasan kung ano ba pakiramdam ng may karelasyon nga at inlove. Haha NBSB kasi ako. Pero sa totoo lang wala pa talaga sa isip ko magkanobyo kasi 17 lang ako. Masyado pang bata. Hahaha.
Kasi ang gusto ko makapagtapos muna ko ng pag-aaral at saka gusto ko nasa hustong gulang na ako.
Hay naku tama kahibangan lang talaga itong naiisip ko. Epekto ng pagbabasa ng Wattpad at FEU Secret Files. Malabo naman kasi talagang mangyari yun, yung makasakay mo ang posibleng maging forever mo. Malabo makahanap ng ka-sparks. Sa magaganda at at gwapo lang yun nangyayari. =_________=
Ay oo nga pala ano ba iyan! Nakalimutan ko na magpakilala. Hehehe sorry. ^_______^v
Okay [hingang malalim]. Hellooo sa inyo!! Ako nga pala si Maxi Peel. 17 years old gaya nga ng sinabi ko kanina. Paulit-ulit? Sorry pasensiya na. -________-v . 1st year College Bachelor of Secondary Education Student sa Lourdes Academy. NBSB at curious sa true love. ^______^ Pero siyempre bago ang lahat ng iyon pag-aaral muna ang aking priority. Nakatira sa Meycauayan, Bulacan na dumadayo pa ng Caloocan para makapag-aral. Pero sa totoo lang ang pinakagusto kong masubukang mag-aral ay sa Central Luzon State University (CLSU) at saka New Era University (NEU). Okay yun lang. Pasensiya na sobrang haba. XDD ^________^v
Maya-maya pa ay biglang huminto ang jeep. Senyales na may sasakay o bababa. Napatingin naman ako kay ate na halatang inis na yung itsura sa kadaldalan namin. Di ko tuloy alam kung tatawa ba ako kasi ang saya talaga mang-inis ng iba. Syempre joke lang. XDDD
Hmmm. Kailan ko kaya makikita ang Vash Carreon ng buhay ko? Ang aking Four-Eyed Prince? *________*
Ay landi aral muna!
Hahahaha. Hay naku nababaliw na talaga ako. Pasensiya na curious lang kasi talaga ako. Haha may hangover pa kasi ako sa katatapos ko lang na binasang kwento sa Wattpad. Ang gwapo kasi doon ng ginamit na fictional character. Tapos feeling ko ako ang bida. ^______^
"O konting usod-usod diyan. Meron pa diyan maluwag pa." sabi ni mamang driver.
Napatingin naman ako sa pasaherong kakasakay lang. Kung sino mang epal yun. Kasi ang saya-saya na e. Na si ate lang ang nag-iisang nakasakay sa jeep na hindi Educ bukod kay manong driver.
Pagkatingin ko. Shems! Siya na ba ang sagot sa mga panalangin ko? O//////////O
~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×~×
Itutuloy... <3
YOU ARE READING
Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)
Teen FictionIstorya ng paghihintayan. Ano pa nga ba? Kaya kung ako sa inyo basahin niyo na lang. :D Cover made by: @DanDanSalcedo ❤