CHAPTER 10: SINO BA ANG ADIK SA ATING DALAWA?

7 1 0
                                    

MAXI'S POV

(MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO)

"Daehanie, Mingukie, Manseyah, teka lang saglit hintayin niyo ko." Tawag ko sa tatlong Koreanong kambal na patuloy lang sa pagtakbo.

"Habulin mo po kami ate!!" Sabi naman ng pinaka-cute sa tatlong kambal na si Minguk.

Ako naman ay napanganga. Di ko naman akalaing marunong palang mag-Tagalog itong mga ito. Ay sabagay kinausap ko nga pala sila ng Tagalog. So it means, nakakaintindi rin sila ng Tagalog? Kaya ang nasabi ko nalang ay...

"Wow ha. Marunong pala kayong mag-Tagalog."

Napakindat at tumawa naman si Minguk.

"Hay naku bahala na nga kayo diyan pagod na akong tumakbo." Nasabi ko na lang dala ng pagod.

"Ate ayos ka lang po? Gutom ka na po ba? Gusto niyo po ba ng biscuit?" Nag-aalalang tanong naman ni Daehan. Ang pinakamatanda sa tatlong kambal. At ito rin ang pinaka-mature sa kanilang tatlo.

"O sige nga Daehan, pahingi nga ako kahit isa lang. Kasi nagugutom na talaga ang ate Maxi niyo." With pa-pouty lips. ( ˘ ³˘)♥

"Oh sige po. Isusubo ko na lang po sa inyo."

"Oh sige. Salamat Daehan ha." At saka ako pumikit at ngumanga habang hinihintay ang paparating na biscuit sa aking bibig.

"You're welcome po. Hihihi." Kinikilig-kilig niya pang sabi.

Kaya lang hanggang sa lumipas na ang ilang minuto pero wala paring dumarating na biscuit. Ididilat ko na sana ang aking mga mata at isasarado ang aking bibig nang bigla akong makarinig ng pag-click ng camera.

*CLICK*

At pagmulat ko ng mata, nakita ko naman ang pinakabata at pinakapilyo sa tatlong kambal na si Manse na hawak ang isang camera sabay sabing..

"SAY KIMCHI!!"

Tapos

*CLICK* (ulit)

At ako naman ay gulat na gulat sa ginawa ng tatlo.

"DAEHAN, MINGUK, MANSE!!!" Nawawalan na ng pasensiya kong sabi. >_____<

Sila naman ay tatawa-tawa lang. Mga pilyong bata.

"HUMANDA KAYO SA AKIN!!!" dagdag ko pa at saka sila isa-isang nagsitakbuhan at nagpunta sa iba-ibang direksiyon.

At ayun no choice kundi habulin rin sila.

"Humanda kayo dahil huhulihin ko kayong tatlo. Hahahaha."

"Haha ate wag po." Sabi naman ni Minguk.

"Hmmm. Sino kaya sa inyo uunahin ko? Si Daehan na lang kaya kasi niloko niya lang ako sa biscuit. O di kaya si Manse? Dahil pinicturan ako ng nakapikit ang mata habang nakanganga. O kaya si Minguk? Kasi siya ang pasimuno ng takbuhan at napapagod na ko. Hmm. Sino kaya?"

"Huwag po ako ate. Sorry na po."-Daehan.

"Hay naku! Walang sorry sorry!" Kunwari galit kong sabi.

"Aha! Alam ko na si Manse na lang! Halika rito Manse! Halika rito!"

"Huwag po ate huwag! Sorry na po! Ayoko na po! Natatakot na po ako!" Nagtititili namang sigaw ni Manse.

"HAHAHAHA!!! Nariyan na ko malapit na ko. Whahahahaha." Pananakot ko pa kay Manse.

"Ate huwag!!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)Where stories live. Discover now