CHAPTER 5: BASTED (BATA KA PA)

34 3 1
                                    

Author's Note:
Hello sorry sa matagal na update. Heto na. Pasensiya na din at may pagkagulo ang istorya baguhan lamang. Enjoy.

P.S. Don't forget to vote or comment. Hihi. Kung okay lang po sa inyo.

Thank you po sa pag-follow: 💜
@RowenaSaul
@luisainok

para po sa inyo ito. ❤

Okay tama na daldal. ^______^v

*************

MAXI'S POV

"Sinusundan mo ba ko?"

Oh no! Ibig sabihin all this time alam niya na palang sinusundan ko siya? OMG! Anong gagawin ko?

Ayan na-HULI KA BALBON tuloy ako! -____-

Pero paano? Paano niya nalaman? Paano niya nahalata?

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko para akong naestatwa. Napipi na din ata ako. Kasi bigla na lang umurong ang aking dila.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Syete alam niya pala. >_______<

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. (Puso kong walang dibdib.)

Grabe pakiramdam ko tuloy nag-rerecitation kami ngayon kay Sir Juan ah. Ang pinaka-terror prof sa amin. Idagdag pa na para akong matatae na maiihi! Tapos pinagpapawisan pa ng malamig na malapot na nagtatayuan ang mga balahibo. De joke lang masiyado ng exaggerated. >_______< -_____-

"Inuulit ko sinusundan mo ba ako?" pag-uulit niya pa ng kaniyang tanong. Mahahalata sa tono ng pananalita niya na naiinis siya.

Ako naman ay awtomatikong napatingin sa kaniya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatama ang aming mga mata. Hindi ko akalaing nakaharap na pala siya sa akin kanina pa.

Maya-maya pa...

"Sumagot ka!"

Ako naman ay biglang nanlaki ang mga mata. Grabe di ko akalaing sisigawan ako ni Babe! T^T

"Tititigan mo lang ba ako o sasagot ka?" nauubos na niyang pasensiyang tanong.

Aba! Kanina pa ito ah. Masiyado na siyang abuso! Kanina niya pa ko sinisigawan. Hindi ba pwedeng gusto ko lang siyang pagmasdan at kabisaduhin ang bawat detalyeng may kinalaman o bumubuo sa kaniya?

Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)Where stories live. Discover now