Author's Note:
Magdiwang may update na din! Pasensiya na po sa napakatagal na update. Super duper busy lang. Dahil po sa school (assessment) at naglipat pa ng bahay. Yun lang. Enjoy. :)))
******
MAS' POV
KINABUKASAN...
*tik-ti-la-ok*
Maaga akong nagising dahil sa tilaok ng manok. Masaya kong sinalubong ang umaga ng may ngiti sa labi.
Pagkagising as usual kain ng almusal, pahinga saglit tapos naligo. Tapos nagmuni-muni muna.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Sa totoo lang. Hindi ko kasi alam kung magiging success mamaya etong pag-amin ko sa kaniya.
This is it.
[Hingang malalim]
Kaya mo iyan Mas! Kaya mo iyan! Alang-alang sa pag-iibigan at forever niyo ni Dara kailangan mong kayanin!
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. At napatingin ako sa orasan nito. Ilang oras na rin pala ang lumipas. Hindi ko akalaing tanghali na pala.
♬If you're not the one, then why does my soul feel glad today? If you're not the one, then why does my hand fit yours the same.♪
Arman Bayaw
+639111111111
Calling.....Accept | Reject
Sinagot ko naman ang tawag niya.
"Hello?"
"Hello kuya bayaw!"
"Oh bakit? Anong problema?"
"Nasan ka na?"
"Andito pa sa bahay. Bakit?"
"Ah wala lang. Ah paano kuya magsisimula na kami mag-decorate ah. Para sa surprise."
"Ah okay sige papunta na rin ako diyan."
"Okay sige. Buti na lang kuya bayaw umalis si ate at may pinuntahan saglit. Kaya bilisan mo. Dahil baka maya-maya lang bumalik na siya dito."
"Eh di ba dinner surprise yung gagawin natin? Pero sige, I'll be right there in less than 30 minutes."
"Okay. We'll wait for you. See you."
"Okay bye."
Saka ko in-end ang call.
**After 30 minutes**
Sa wakas nakarating na din ako sa bahay nila Dara. Agad naman akong kumatok sa kanilang pintuan at pinagbuksan naman agad ako ni Arman Do.
"Kuya bayaw!"
"Arman!" bati ko naman sa kaniya.
"Buti dumating ka na!"
"Bakit? May problema ba?" kabado ko namang tanong.
"Wala naman!"
"Sus akala ko naman meron. Hay ikaw talaga Arman lagi mo ko pinapakaba."
"Hehehe." tawa pa niya. "O siya. Tara pasok na tayo." at agad naman akong tumalima sa kaniya.
Pagkapasok sa loob naupo muna ako saglit sa sofa nila. Kung ilalarawan ang bahay nila ay tamang-tama lang ang laki para sa kanilang pamilya. At habang muntikan ko ng makabisado ng tuluyan ang bawat detalye ng kanilang bahay ay bigla namang lumabas si Aling Nena mula sa kusina. Bitbit ang mga nilutong pagkain.
YOU ARE READING
Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)
Teen FictionIstorya ng paghihintayan. Ano pa nga ba? Kaya kung ako sa inyo basahin niyo na lang. :D Cover made by: @DanDanSalcedo ❤