CHAPTER 3: THE UNEXPECTED: (NAGING BATO DAHIL SA MALING AKALA)

44 3 1
                                    

MAXI'S POV

Makikita pa kaya kita prinsipeng halimaw?

Iyon kasi ang tawag ko sa kaniya. Prinsipe kasi mukha naman talaga siyang prinsipe. Halimaw, kasi iyon ang tawag sa kaniya ni Lyka. Hindi ko alam kung bakit pero siguro kung ako ang tatanungin ang masasabi ko lang. Halimaw siya kasi, tinakot niya ko. Tinakot niya ang puso ko na baka hindi ko na siya makita.

Siguro tama nga sila Andrea at Lyka na kalimutan ko na siya. Dahil napakaimposible nga namang mangyari ng gusto kong mangyari.

Siguro dapat ko na nga siyang kalimutan. Dahil pinagmumukha ko lang tanga ang sarili ko sa kakaasa at kakahintay sa kaniya.

Siguro nga ay may asawa na siya at mayroong limang anak.

Pero hindi e. Napakalabo. Mukha pa kasi talaga siyang binata e. Pero pwede rin. Dahil hindi malabong mangyari iyon. Dahil iba na ang panahon ngayon. Kasi yung iba nga teenager palang nagiging batang ama na e.

Hay baliw na yata ako. Oo nababaliw na ako sa kaniya.

Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko. Dapat ko na nga ba siyang kalimutan?

Bakit ba kasi ako nahilig sa pagbabasa ng Wattpad? Ayan tuloy umaasa tuloy ako na magkakaroon ako ng magandang love story kahit na alam kong malabo iyon.

Siguro hindi nga kami para sa isa't-isa. Kaya ayaw na kami ulit pagtagpuin.

Hay alam niyo yung pakiramdam na hinanap niyo na siya sa Facebook pero wala pa din. Yung tiningnan niyo na yung friend's lists ng mga posibleng maging kaibigan niya pero wala pa din.

Yung ginawa mo na ang lahat ng paraan para malaman ang pangalan niya pero wala pa din.

Hay nagiging desperada na tuloy ako. :((((

Maya-maya pa nakaramdam ako ng antok.

At nang dahil sa antok na iyon di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagulat na lamang ako nang magsalita ang driver.

"O yung mga bababa sa tollgate." sabi niya.

Bigla naman akong tinawag ni Lyka.

"Oy halika na Maxi andito na tayo." sumunod naman ako sa kaniya pababa ng jeep. Sa likod ko naman ay si Andrea.

"Grabe sobrang antok lang teh? Sarap ng tulog natin ah." pang-aasar niya pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Habang naglalakad papuntang Mall pinasok ko naman sa bulsa ang aking mga kamay. Nagyayaya kasi si Lyka na gumala since maaga naman natapos ang klase namin.

Kaso sa kamalas-malasan.

Nakapa ko sa bulsa kong wala ang wallet ko! Shems! Saan iyon napunta?

"Syete ang wallet ko! Nawawala!" naibulalas ko.

Bigla tuloy ako napasapo sa noo ko

"Ano iyon Maxi?" tanong ni Andrea.

"Yung wallet ko nawawala!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Tingnan mo diyan sa bag baka nandiyan lang iyon. Di ba lagi mong nilalagay sa loob ng bag iyang wallet mo?" pagpapalakas loob namang sabi ni Lyka.

Agad naman akong tumalima sa sinabi niya. Pero wala talaga e.

Asan na ba iyon? Ang alam ko nasa loob lang iyon ng bulsa ko e. T____T

Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)Where stories live. Discover now