CHAPTER 4: BAKLA BA SIYA? (HULI KA BALBON)

42 2 1
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Ayan may picture na din ang ating bidang fictional character. ^________^ Si IU bilang Maxi Peel. Yehey! So ayun! Gusto ko ulit humingi ng sorry dahil medyo natagalan ang update. Busy po kasi e. So eto na! Enjoy the story.

P.S. Sorry pala kung may pagkamaligoy etong story. Lutang kasi kadalasan ang nagsusulat nito at baguhan pa lamang ako. So yun lang po salamat. Again, enjoy the story.

P.P.S. Don't forget to vote and comment. Follow na din. Hihihi. Thanks. ^_________^v Okay so tama na ang daldal at napakahabang author's note.

********************

MAXI'S POV

"OO, sige alang-alang sa forever mo, susuportahan ka namin. Pero hoy babaita! Hintayin mo naman kami wag mo naman kaming iwan. Pambihira! Nagkita lang ulit sila iniwan na tayo. Grabe Andeng hindi na tayo mahal ni Maxi." naririnig ko pang sabi ni Lyka pero hindi ko na pinansin. Ang mahalaga ngayon ay ang mahabol ko siya at malaman ang pangalan niya.

Kaya naman ay dali-dali akong pumasok sa loob ng mall para hanapin siya.

Pumunta ako sa may CD-R King, Sa may Mercury Drug, sa HBC (kahit na alam kong imposible), sa may food court at sa iba pang shops kaso wala siya. Ang hindi ko na lang napupuntahan ay ang Pandayan bookshop at Precious Pages Express.

'Hmmm. Nandoon kaya siya? Hindi rin malabo. Baka kaya siya nasa Pandayan Bookshop ay para bumili ng school supplies. Sa may Precious Pages Express naman ay para siguro sa mga libro. Kaso puro mga Wattpad na libro at pocketbooks ang tinda roon e. Aish! Bahala na nga!'

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa may 1st floor kung saan nakapwesto ang Pandayan Bookshop. Sa sobrang pagmamadali ko nga ay ang dami ko ng nababanggang tao.

"Ay sorry po Miss! Pasensiya na nagmamadali lang po at saka may hinahanap." hinging paumanhin ko pa dun sa babae at sinamaan naman ako ng tingin.

'Hay! Ang hirap namang hanapin ng lalaking iyon! Ano nga ba ulit suot nun? Sa pagkakatanda ko ay nakasuot siya ng puting longsleeve na shirt, na mayroon ring mga stripes na pahabang disenyo na kulay blue.'

Kaya naman nagpasiya akong igala ang paningin ko para madali ko siyang makita.

At sa kabutihang palad ay mayroon akong nakitang nakasuot ng damit na katulad ng sa kaniya.

'Teka sandali siya na nga ba talaga iyon?'

Kaya naman halos pinagmasdan ko pang mabuti ang suot niyang damit at pagkatapos sumigaw ako ng...

"Four Eyed!"

Grabe halos halo-halong kaba at saya ang nararamdaman ko. 'Shems! Anong sasabihin ko? Paano ko ba tatanungin ang pangalan niya? Hay bahala na nga. Para sa forever ko, kailangan kong lakasan ang loob ko. Kaso nahihiya ako. Hay! Bahala na nga si Batman!' >_______<

Kaya naman dali-dali ko siyang nilapitan at saka ko sabay na hinaltak ang kaniyang braso. Nagulat naman napalingon sa akin ito. At maski ako ay nagulat din nang lumingon ito sa akin.

'Oh no! Hindi! Maling tao pala itong hinaltak ko! Nakakahiya!'

Ako naman ay mukhang tangang nakatingin sa lalaki at halos sunud-sunod na ang ginagawa kong paglunok.

'Ney! Paano na ito? Paano ba ako magpapaliwanag? Anong sasabihin ko? Ano ng gagawin ko?'

"May problema ba Miss?" tanong sa akin ng lalaki.

"Ha? A-ano po wala. Sorry po nagkamali lang. Akala ko po kasi kayo yung hinahanap ko." pagsasabi ko ng totoo.

"Ah ganun ba. Sige." sabi niya pa sa akin na medyo nawiwirduhan.

Right Here Waiting For You (Waiting For Your Love)Where stories live. Discover now